Ang Rest House

772 12 17
                                    

The story as it is.

Thank you.

May bagong story po ako. Please visit my user profile, you'll find everything there. 

----------------------------------------------------------------------------

 (c) December 2011

May isang grupo ng barkada; sila  Reign, Kim, Angie, Gab, Kyle at Charles. 

Nagpasya silang anim mag bakasyon sa rest house ni Reign sa Vigan. 1 week lang, tutal summer naman, wala silang magawa at close naman ang mga magulang nila.

Tiyak, papayagan silang lahat. At ayun nga, pinayagan sila.  Mag papartners nga pala sila. Mag boyfriend girlfriend, ba. Si Reign kay Kyle, Kim kay Charles, at Angie kay Gab.

Sumakay muna silang bus. Tapos pag kababa, nag abang na sila ng ni-rent nilang kotse. Habang nasa biyahe, ang ingay ingay nilang barkada. Soundtrip dito, soundtrip doon.

Si Kyle ang nag da-drive, tutal sya lang naman ang marunong. Gumagabi na.

"Teka, asan ba tayo?"  sabi ni Kim.

"I don't know babe. Hey Reign, asan ba resthouse ng lola mo?" sabi naman ni Charles.

"Malapit na. Hey Charles, liko ka dun. Yung last house, yun yung samin." sabi ni Reign.

Hanggang nakarating na sila sa bahay. Malaki sya, tapos may grand entrance. Mala-teleserye yung laki ng bahay. Grabe talaga, ang laki. Pero parang sobrang luma na eh. Para bang nag eexist panahon pa nang pinakaunang Kastilang dumating sa Pilipinas. 

"We're here na guys."  sabi ni Reign.

"Hey this is it? We travelled long ride and then papasok lang tayo sa haunted house?! Hindi mo sinabi, sana nag EK nalang tayo!" sabi ni Angie.

"Hey honey, relax. Enjoy mo lang yung trip na 'to, okay?" sabi  naman ni Gab.

"Yeah whatever. Tara pasok na kayo!"  sabi naman ni Reign.

Pag pasok namin, tinawag agad ni Reign yung nagbabantay ng house. Matagal na kasing patay yung Lola ni Reign, kaya wala ng nakatira doon. Bantay nalang, tapos ewan! Mga kaluluwa? Ewan. Wag naman sana. 

"Kamusta kayo, ako si Consuelo. Ang bantay ng bahay."

Hindi siya mukhang bantay, ang bata bata niya pa. Pero ang baduy niya ha, naka-updo yung buhok tapos naka skirt na mahaba. Yung fashion sense niya, pang panahon pa ng kastila. Ah ewan, baduy niya.

Ilang araw naming inienjoy ang Vigan. Nag punta pa nga kami Ilocos Norte, e. Kain dito, kain doon. 

 "Just shut up, okay!"

Ano yun? Si Kyle 'yun ah!

"Kim. Kyle, what's happening?"  Hindi sumagot si Kyle. Naka-busangot lang na parang hawak niya yung buong mundo.

"Si Kyle kasi eh! Kung ano anong demands! If he just let me sleep, i won't nag! Sya may kasalanan! Di porke boyfriend ko siya, kaya niya ng gawin ang lahat sa akin. Hello?! I'm saving my virginity for the man I'll marry!"  sabi ni Kim.

"Eh Kyle, ikaw naman pala may kasalanan eh." sabi ni Angie.

"Okay, stop fighting. Let us sleep. Marami pa tayong adventures bukas. Goodnight guys." sabi naman ni Charles.

The next day, normal lang naman. Gala dito, gala doon. Nag punta kami sa Kalye Crisologo. Yung mga ancestral house. Pauwi kami, kaso nasiraan kami.

"Hey guys! This will take 1 hour or more." 

Ang tagal naman. *After 3 hours* Ayun, ayos na! Pauwi na kami.

Kinagabihan, may trip 'tong mga lalaki. 

"Hey Reign pahiram ah!" sigaw ni Kyle. 

"K, whatever." sabi naman ni Reign.

Hindi alam ni Reign, ouija board pala yung kinuha ni Kyle. Yung ouija board na galing pa sa kinanu-nunuan ng pamilya ni Reign. 

"Hey guys hands off that board!" sabi ni Reign.

"Boo Reign!! Sumali ka na dito. Hey guys dali na, sali na." sabi ni Kyle.

"Whatever guys, kayo nalang ayokong sumali." sabi ni Reign.

Sinimulan na nila yung ouija board.. 

"Kung nasan ka man.. Lumabas ka na. Mag pakita ka."

"Babae ka ba?"

"Kelan ka namatay"

Namatay yung ilaw, humangin ng malakas. 

"Tigilan niyo na yan!" sigaw ni Reign.

Tinuloy pa rin nila. Pasaway.

"Bakit ka namatay?"

"Paano ka namatay?"

"Mag paramdam ka! Lumabas ka!"

Humangin ulit ng malakas. This time, sumara na ang bintana at pinto.

"Guys tigil niyo na yan. I agree with Reign na. Tigil nyo na." sabi ni Kim.

"IT WON'T STOP!!"  sabi naman ni Kyle.

"Guys help!!" sabi ni Charles.

Tumigil yung ouija board, pero sumara lahat. May mga ingay na naririnig. May mga anino na dumadaan. Pasaglit saglit. Yung ilaw, patay bukas.

"Let's hold hand guys. Walang bibitaw." sabi ni Angie.

Pinikit nila ang mga mata nila. At hindi nila napansin, umaga na pala. Pauwi na sila.

Teka, asan si Consuelo? Ayun, nasa likod mo. Nag dudugo ang ulo. 

-----------------------------------------------------------------

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 14, 2012 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ang Rest HouseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon