Date with Destiny [prologue]

6K 33 17
                                    

[PROLOGUE]

Bored ako nun eh. Pumunta ako sa Tumblr, isa sa mga paboritong websites ko...

Hanap-hanap din ng mga posts na nakakarelate ako, tas magrereblog kung may matripan.

Tapos may bigla akong nakita.

"The Red String of Fate"

Naintriga ako... Ano kaya ito? Tapos ang cute pa ng typography, kaya hindi ko pinalampas.

"Two people connected by red thread are destined lovers regardless of time, place or circumstances.

This magical cord may stretch or tangle, but never break."

Lalo akong naintriga. Totoo kayang may ganito, o baka gawa-gawa lang?

Edi sa Google nalang ako pumunta. Sinearch ko yung "The Red String of Fate" na nakita ko. Kung same source ang lumabas, edi baka peke.

Pero hindi eh...

Wikipedia pa nga yung lumabas! Edi yon nalang yung binuksan ko.

Sabi doon, Japanese legend siya na nag-originate sa Chinese culture... Tapos yung nakita ko lang din sa Tumblr yung nakalagay. Gusto nyo i-try nyo ring i-search?

Basta, lahat daw ng tao may ganon. Kahit hindi mo alam, meron ka nun. At yung taong nasa kabilang dulo? Yun daw yung taong makakatuluyan mo balang araw!

For short...

Tadhana para sa mga Pilipino...

Predestination para sa mga Protestante...

Soulmates para sa mga Ingles...

True love para sa karamihan.

Yung mga tipong pagkapanganak mo daw, may isang tao nang nakatadhana para sayo?

Alam nyo na siguro, hindi ko na kailangang i-explain pa nuh. Kung hindi nyo parin alam, i-Google nyo nalang mga 'dre!

Grabe, kahit may lahi akong Hapon... ngayon ko nga lang 'to narinig eh.

Napapaisip tuloy ako...

Sino kaya yung nakatali sa dulo ng red string of fate ko?

Kailan ko kaya siya makikilala?

O baka naman...

Nakilala ko na pala siya?

Sa ngayon... hindi ko pa alam.

----------------------------------------------------

Itutuloy ko ba 'to o hindi? COMMENT/VOTE/WhateverHAHA. :D Yung She Will Be Loved, pramis, sa bakasyon ko pa yun i-uupdate ng bonggang-bongga! Kung mauupdate ko man, ibibitin ko lang kayo. >:)

Date with DestinyWhere stories live. Discover now