Chapter 1
Ako yong klaseng estudyante na may isang salita at prinsipyo sa buhay. Kung sa unang tingin ko pa lang sa’yo na hindi ka mapagkakatiwalaan never kitang papansinin or kakausapin man lang. Ayoko din sa mga babaeng paepal, maarte, malalandi ,conceited, trying hard, feeling mayaman at lalong-lalo na pakialamera. Sabihin nyo na kong ano man ang gusto nyong sabihin sakin wala akong pakialam. Mananahimik lang ako sa isang tabi na para bang wala akong naririning na masamang komento laban sakin. Pagsabihan nyo man akong weirdo o kahit ano pa diyan wala akong pakialam for as long hindi nyo ako saktan physically magkakasundo tayo.
Pero bago ang lahat magpapakilala muna ako. I am Alexis Samonte or “Lex o Alex” na lang for short. I am 19 years old and an Industrial Engineering Student sa TooT University. Hindi naman sa ipinagmamayabang o pagbubuhat ng sariling bangko medyo maalam talaga ako sa sports. Basketball,volleyball,badminton, taekwondo, swimming at iba pa. Kahit anong sports pa ipalaro nyo sa’kin no problemo yan sakin…haha .
Sa totoo lang hindi ko na alam kong ano pa maipupuri ko sa sarili ko. Bukod sa maganda ako, maappeal at ano pa ba? Ahm, siguro hindi friendly? Haha, matatawag kaya yung puri kapag sa tingin mo hindi ka friendly na tao?I think so. Kesa naman makipagplastikan ako to have more friends and etc. Duh! That’s not my typical attitude noh.Pssh..kaplastikan lang ang magkaroon ng madaming kaibigan.Oo, may kaibigan ka nga ng sindami ng isang batalyong sundalo sa Pilipinas eh kong ang Gawain nyo lang ay manlait at magtsismis ng walang kabuluhan de bale na lang na solo flight na lang ako atleast sarili ko lang pinoproblema ko at wala ng iba.Yan ang tunay na ako maprinsipyo at lalong lalo na MAGANDA.(haha ano konek?)
Habang naglalakad ako dirediretso papuntang canteen dahil sa ako ay gutom na gutom na may nariring akong boses ng isang babae. Para bang nagmamakaawa ang boses nito. Dahil sa ipinaglihi ata ako ng Nanay kong maganda at mabait sa pagkatsismosa dahan dahan akong lumapit sa may kinaroroonan ng boses na ‘yon. At boom, tama nga ang hula ko may isang babae na naman ang inaalipin ng mga ipaktitang babae ang umaalipin sa isang walang kalaban –laban na nilalang. Pinagsasabunutan nila ito at binuhusan ng kong anong matubig na bagay. Tsk,para na tuloy basing pato yung babae .Poor girl!
Ang ayoko sa lahat ay ang nang-aapi ng kapwa. Lahat ng tao pantay-pantay lang sa mata ng diyos.Walang mataas at lalong lalo walang mas mababa pa sa word na MABABA. Pinapainit ng mga impaktang babae ‘yon ang bumbunan ko. So, pwes matitikman nila ang wala pa sa kalahating isa ang topak ko.
“Pst.” Tawag atensyon ko dun sa mga asong ulol na babae. Biglang nagsilingunan sakin yong limang ulol na aso. Parang naiirita pa yong tatlo sa ginawa kong pambubulilyaso sa ginagawa nila.Pero binalingan ko ng tingin yong dalawang aso naku mas masahol pa sa asong ulol ang matatawag mo. Kung nakakamatay lang ang tingin nila siguro matagal na ako bumulagata sa sahig. Masama pa sa masama kung makatingin kala mo naman they got a tantalizing eyes just like mine. Psh.
“Sino ka bang pakialamera ka. Umalis ka nga dito istorbo ka lang eh” sagot ni aso number 1.
“Eh,kong ayoko anong magagawa mo?” sagot ko sabay smirk.
“Naghahanap ka talaga ng sakit sa katawan babae ka ah.” Ungol naman ni aso number 2.
“Sows,sakit ng katawan ba kamo? Baka naman hanggang daldal at sabunot lang ng buhok kaya nyong gawin”.
“Hoy, babaeng pakialamera pagbilang ko ng tatlo kapag hindi ka pa umalis dito at patuloy sa pangingialam matitikman mo talaga ang isa sa pamatay ko na suntok”sabat ni aso number 3.
“Tsk tsk. Suntok ba kamo o baka naman hanggang hampas o di kaya kotong lang kaya mo”pang-inis ko sa kanila.
“At talagang pinupuno ako ng pesteng pakialamerang babae to ah” sabat naman ni aso number 4 na para bang ano mang oras ay puputok na ang mukha sa sobrang pula sag alit at inis sa’kin. ( Haha natatawa nalang ako sa kanila).