Noche Buena

120 2 0
  • Dedicated kay Myrna Asehan
                                    

Hi! :)

Medyo mapagmahal akong Ate (lalo na sa youngest brother ko) so, I came up with the idea of this story. Though, hindi po ito true to life story. Kathang-isip lang. Hehehe..

Sana po magustuhan nyo! Muah :*

Read,

Comment,

Vote,

and Follow me!

Hehe, thank youuuu! :)) <3

__________________________________________________________

.......................................................................................................................................

"Namamasko po!" Sabay abot ng barya ng isang ale sa mga batang nangangaroling.

"Tenk yu, tenk yu. Ang babait ninyo, tenk yu!" At nagtakbuhan na sila papunta sa ibang bahay bitbit ang tambol na lata ng gatas at pakalansing na tansan.

Umihip ang mabining hangin ng Disyembre. Nayakap ko ang sarili ko.

Pasko na naman pala.

Tiningnan ko ang mga batang nangangaroling kanina na nasa tindahan na ngayon. Napangiti ako nang makita ko na bumili sila ng tig-iisang tinapay at isang bote ng softdrinks. Ganun ang trabaho ng mga batang kalye kapag Disyembre. Kanina lang, nangaroling din kame ng dalawang kaibigan ko.

"Ate, gutom na ako."

Tiningnan ko ang kapatid ko. Hawak nya sa isang kamay ang laruang kotse na napulot namin kahapon sa tambak ng basurahan sa kanto at ang isang kamay nya ay nasa tiyan. Iniabot ko sa kanya ang isang styrofoam at binuksan nya agad ito.

"Wow, ate, prayd tsiken!"

At mabilis na isinubo nya ang manok at kanin. Nakuha ko lang ang pagkaing 'yon sa party kanina sa barangay hall. Nakita ko kase na itatapon na ng isang mama kaya hiningi ko na lang. Naisip kong iuwi kay Tonton dahil kagabi pa kame hindi kumakaen. Ako naman ay nakontento na sa isang tinapay.

"Sige, kaen ka lang ng kaen. Bukas pupunta tayo sa simbahan. Baka may balita na si Father Allan kay nanay."

Mag-iisang taon na mula nang iwan kame ni nanay para magtrabaho daw. Pero hanggang ngayon ay di parin sya bumabalik. Kaya naiwan kameng magkapatid dito sa barung-barong bahay namin sa gitna ng dikit-dikit na kabahayan sa tabi ng ilog.

Tiningnan ko ang paligid.

Tanging kandila lamang ang nagsisilbing ilaw namin. Kung minsan ay wala pa. Ang bubong namin ay mistulang umuulan din sa loob ng bahay kapag umuulan sa labas. Puro butas na kase. Papag, lamesa, kabinet at dalawang bangko lang ang makikitang gamit namin. Naibenta ko na kase ang karamihan sa mga gamit namin para ipambili ng pagkaen.

Haay.. 'Nay nasan ka na ba?

---

Tulala akong nakatanaw sa bintana ng bahay namen.

Nagkikislapan ang mga christmas lights ng kapit-bahay. May ilang mga bahay na abala sa paghahanda para sa Noche Buena bukas. Ngunit karamihan ay tila normal na araw lang. Walang mga palamuting pampasko, walang preparasyon ng kanilang handa.

Ngunit ano bang inaasahan ko?

Lahat kami dito ay alipin ng kahirapan. Ngayon ko lang naisip na ang Pasko'y tila pang-mayayaman lamang. Baket ganito? Baket kailangan naming danasin ang sobrang hirap ng buhay?

At ang aming nanay. Anong klaseng ina ito? Baket nya kame iniwan? Hindi na ba nya mahal kameng magkapatid? Unti-unting pumatak ang mga luha ko. At muling nanariwa sa akin ang nangyari kanina..

"Tonton, ayun si Father Allan. Halika na, lapitan natin." Lumapit kami sa Kura Paroko ng aming simbahan na katatapos lang magmisa.

"Father Allan!" bati ni Tonton sa kanya.

"Hello Tonton! O, Faith, kamusta na kayo?" magiliw na bati nya sa amin habang nagmamano kaming magkapatid.

"Medyo mabuti naman po. Ahm, Father Allan, itatanong lang po sana namin kung may balita na kayo tungkol kay nanay. Alam nyo na po ba kung nasaan sya?" tanong ko sa kanya na puno ng pag-asang may magandang balita na.

Malungkot na tiningnan nya kaming magkapatid. "Faith, ikinalulungkot kong sabihin ito..

Ang nanay mo, nasa Japan na sya. Sumama sya sa isang Hapon na naging customer nya sa club sa Pasig."

Mabilis na tumulo ang luha ko. Niyakap ako ni Tonton..

Wala na sya. Hindi na nya kami babalikan. Kinalimutan na nya kameng mga anak nya. Pinahid ko ang masaganang luha sa mga mata ko. Walang saysay kung iiyak ako ng iiyak. Nandito pa naman ang kapatid ko.

"Ate, halika na. Tulog na tayo!" masiglang tawag sa akin ni Tonton kahit bakas ang lungkot sa mga mata nya.

Mahigpit ko syang niyakap.

"Lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ni Ate ha? Tayong dalawa na lang ang magkasama ngayon. At lagi mo ring tatandaan na hinding-hindi kita iiwan."

Narinig ko ang paghikbi nya habang yakap ko sya. Mayamaya ay nagbitiw kame. Inabot ko ang isang lumang magasin sa tabi ko. Napulot ko kanina ito at isasama sana sa mga ibebenta kong papel at dyaryo  sa junk shop. Pero nagbago ang isip ko at iniuwi na lang.

"Nakikita mo itong lalaking naka-pulang damit at may puting bigote't balbas? Sya si Santa Claus. Maraming bata ang nag-aabang sa kanya tuwing Pasko dahil namimigay sya ng mga regalo lalo na sa mga mababait." Kwento ko sa kanya habang magkayakap kameng nakahiga sa papag.

Binuklat ko ang magasin. "Wow ate, ang sasarap naman ng pagkaen nila. At ang dami pa! Tingnan mo yung mga bata o! Ang sasaya nila kasama yung mama't papa nila." nakangiting turo nya sa mga makukulay na larawan.

"Balang-araw, Tonton, mararansan din natin 'yan.." Niyakap ko pa sya ng mahigpit na mahigpit.

"Pramis, Ate?" Niyakap din nya ako. Habang ang mga mata'y unti-unting pumipikit na.

"Oo, pramis na pramis.." Mayamaya pa'y ginupo na rin ako ng antok.

---

Noche BuenaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon