Whoooooosh..!
Grabe, ang ginaw!
Sobrang lakas ng hangin. Wala naman kaming electric fan.
Atska, teka ba't parang basang-basa ang katawan ko?
Napayakap ako sa sarili ko at dumilat.
Baket ang dilim? Brownout ata?
Eh pero wala naman kaming kuryente.
Wala akong makita!
Tumayo ako at nangapa sa dilim. Wala talaga akong maaninag na kahit ano.
"Tonton!" tinawag ko ang kapatid ko.
Walang sumagot.
Kinapa ko ang katawan ko, sobrang basang-basa ang damit ko!
Anong nangyayari? Binabangungot ba 'ko?
Naglakad ako kahit di ko alam kung saan ako pupunta. Panay parin ang ihip ng malakas na hangin. Sobrang ginaw talaga!
Tumakbo ako ng tumakbo. Puro dilim lang ang nakikita ko. Naiiyak na 'ko sa takot. Diyos ko, tulungan nyo po ako..
Umupo ako sa kawalan at yumuko.
"Faith..."
May isang boses na tumawag sa pangalan ko!
Tumayo ako. May nakita akong isang liwanag na halos tuldok na lang. Tumakbo ako at sinundan ang liwanag. Habang papalapit ay unti-unting kumakalat ang liwanag.
Hanggang sa tuluyan nang nawala ang kadiliman. Lumantad sa paningin ko ang isang malawak na kabukiran habang malakas na umiihip ang sariwang hangin.
"Faith..." muli kong narinig ang boses ng isang lalaki.
Lumingon ako at nakita ko ang isang pigura ng tao na sobrang nakakasilaw sa taglay na liwanag.
"Faith, kung bibigyan kita ng pagkakataong humiling ngayon ng kahit ano, anong hihilingin mo?" tanong sa akin ng taong iyon na hindi ko parin maaninag ang mukha dahil nga sa liwanag nya.
"Kahit ano?" paniniguro ko. Hindi ko na inalam kung sino at saan sya nanggaling. Mas importante saken ngayon ang pag-iisip kung ano bang hihilingin ko.
"Kahit ano..."
Bigla kong naalala ang kapatid at nanay ko. At kung paano kami dumaranas ng kahirapan.
"Gusto ko pong magkaroon ng isang maginhawang buhay. Yung meron kaming maayos na tirahan at palaging maraming masasarap na pagkaen sa hapag. At ngayong Noche Buena, gusto ko pong makasama ang kapatid at nanay ko."
Muling nanubig ang mga mata ko. Sana matupad...
"Ate, ate! Gising na, dali!"
BINABASA MO ANG
Noche Buena
Short StoryDalawang magkapatid na nabubuhay sa karukhaan. Ngayong pasko, matutupad kaya ang pinapangarap nilang Noche Buena kasama ang kanilang nawawalang ina?