Sana

103 2 0
                                    

Nandito ako ngayon sa likod ng aming classrom habang pinagmamasdan ang aking Bestfriend at ang babaeng matagal na nyang  gusto.

Nagulat siguro kayo kung bakit ko sila pinagmamasdan ngayon. Oh well, nagpatulong lang naman ang magaling kong Bestfriend saakin na mag tapat dun sa babaeng yun.

Pumayag nalang din ako, eh ano pa ba magagawa ko, eh Bestfriend ko naman yun.

“Bestfriend pumayag na si Joyce na ligawan ko siya.” Bungad nya saakin ng makalabas na sya ng classroom.

“Wow! Congrats Ivan” sabi ko habang naka smile. I am really happy for my Bestfriend.

------

“Oo Khen sinasagot na kita” sabi ko kay Khen.

Si Khen nga pala ang lalaking matagal ng nanliligaw saakin. Kaya ngayon na siguro ang tamang oras upang sagutin ko na sya.

“Talaga Jewel? Sinagot mo na ako? Di ako makapaniwala, ang saya saya ko” sabi ni Khen na halos magtatatalon na sa tuwa.

I just smile.

“I love you, Jewel”

“I Love y-you too” nag aalangan kong sagot. Di ko pa kasi sya mahal eh. Sinagot ko lang dahil naaawa na ako sa kanya. Alam ko naman na matututunan ko rin syang mahalin eh.

Pauwi na ako ngayon. Actually kami pala. Hinatid kasi ako ni Khen eh. Grabe ang gentleman nya, sya pa nag bitbit ng gamit ko.

Bigla naming nasalubong sila Bestfriend kasama nya kasi si Joyce.

“Uy kayo na pala? Crongrats Bestfriend ah! I’m happy for you” nakangiting sabi ni Ivan. Pero parang fake ang ngiti nya.

“Hehehe thanks” sagot ko.

---------

7 buwan na ang nakakalipas, hanggang ngayon kami parin ni Khen. At sa 7 buwan na yun natutunan ko syang mahalin.

Mahal na Mahal ko na yata tong lalaking to.

Habang nag lalakad ako may nakita akong isang pamilyar na mukha, may kasama syang babae at naghahalikan sila. Agad ko silang nilapitan .

“K-Khen” tawag ko sa kanya habang patuloy na tumutulo ang luha ko.

“Jewel, let me explain”

Explain what?!

“Wala ka nang dapat pang iexplain Khen! Dahil kitang kita ng dalawang mata  ko ang ginawa nyo ng malanding babae na yan” at agad akong tumakbo habang patulong ang pag agos ng aking luha.

Bigla naman akong napadpad sa isang park kaya umupo ako sa swing. Iyak parin ako ng iyak ang sakit sakit kasi eh.

“Jewel ok ka lang?”

Napalingon ako at nakita ko ang Bestfriend ko. Di ko man lang namalayan na may nakaupo na pala sa tabi ko.

“Ivan, bat sya ganon? Kung kailan mahal ko na sya dun ko naman malalaman na niloko nya lang pala ako. Ang sakit Ivan eh! Ang sakit sakit . Akala ko  sya na yun pala dumaan lang pala sya sa buhay ko para saktan ako”

“Tahan na Jewel. Alam mo bang nasasaktan ako tuwing nakikita kitang nasasaktan. Jewel bakit ba? Bakit ba ang manhid mo? Nung panahong nagpatulong ako sayo para ligawan si Joyce, alam mo bang pinlano ko lahat yun dahil buong pag aakala ko mapapaamin kita. Pero nagkamali ako, kaya tumigil na ako dahil alam kong wala ka namang nararamdaman para sa akin. Tapos ngayon malalaman ko nalang bigla na sinaktan ng ibang tao ang babaeng pinakamamahal ko.”

“Ivan” mas lalong tumulo ang aking mga luha dahil sa mga sinabi nya. Di ako makapaniwala.

“Jewel kung alam mo lang kung gaano kahirap na makita kitang sinasaktan ng iba” yumuko sya. “Jewel, Sana akin ka nalang para di ka na lumuha. Sana akin ka nalang para di ka na masaktan pa. Sana  akin ka nalang para lagi kang masaya. Pero Jewel,

Sana ako nalang siya na minahal mo ng sobra”

*end*

Vote and Comment kung nagustuhan nyo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 14, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon