Dahil sa mga nangyari kay Stef sa mga nakaraang buwan, humingi siya ng break sa kanyang trabaho. Kaya naman, umalis siya ng bansa at pansamantalang nagbakasyon siya sa Italy at para na rin mabisita nya ang kanyang ama na matagal na panahon na rin niyang hindi nakakasama.
Ilang taon pa lang si Stef noong nagkahiwalay ang kanyang mga magulang, pero hindi siya nagtanim ng sama ng loob sa kanyang ama sa likod ng pangyayari. Sa Pilipinas na lumaki si Stef hanggang sa pumasok na siya sa showbiz at kapag may pagkakataon sinisigurado nixang mabibisita nya ang kanyang ama na nasa malayo.
---------------------------------------------------
Pagkabalik niya galing bakasyon, ay agad siyang pinatawag ng kanyang manager para sa susunod niyang project na gagawin. This time, alam niya sa sarili niya na buo na siya ulit at kayang harapin ang mga intrigang naghihintay sa kanya.
"Kumusta ang bakasyon mo?", tanong sa kanya ni Anton, ang kanyang manager.
"What you see is what you get", masayang sabi ni Stef.
"I think nakabuti nga sau ang pagbabakasyon. Pero maghanda ka sa pagbabalik mo. Marami kang iniwan na katanungan sa media", pagpapa-alala sa kanya ni Anton.
"I know and i'm ready para harapin sila and Siya", may halong kalungkutan sa boses ni Stef kapag naalala nya ang ex-girlfriend.
Alam ni Anton kung gaano nasaktan ang kanyang alaga, hindi lang artist ang turing nito kundi parang anak niya na rin ito. Ilang taon na rin sila magkasama, at alam niya kung kailan masaya, malungkot o kaya may bumabagabag kay Stef.