Introduction
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - ♥
Marzia's calling....
Hmmm... Bakit kaya natawag tong babaeng to? Pang sampung beses na nya akong tinatawagan pero wala ako sa wisyong sagutin yun. Galit ako sa kanya... Isa siyang taksil, tinuring ko pa man din siyang kaibigan tas aagawan niya lang pala ako. Aagawan ng taong mahal... Akala ko ba siya ang magsisilbing tulay para mapalapit kaming dalawa ni Drin? Pero mukhang yung tulay nahulog.... nahulog sa taong mahal ko. Sabi nila, bakit daw ako gento, masyado ko daw pinapahirapan si Marzia, bakit daw hindi pa ko nakakamove on eeh, halos anim taon na ang nakakalipas... Anim na taon ko na siyang di nasisilayan. Kasi simula nong naging sila nila Drin, medyo naging awkward na ang mga bagay bagay. Nilayuan ko na siya at kada makikita ko siya may namumuong galit at sakit sa dibdib ko. Oo, masakit, sobra... Sobrang sakit kung pinagtaksilan ka ng taong tinuturing mong bestfriend. Ano nga ba ako? Hindi naman kasi ako kasing yaman at kasing ganda ni Marzia, at kasing talino niya. For pete's sake, sinong hindi maiinlab kay Marzia, she's almost perfect. Hindi mo maiiwasang mainsecure, kasi siya yung tipo ng taong pag nakasabay ka niya sa paglalakad, magmumukha kang julalay o yaya niya kasi super outstanding niya, as in chin up. Mabait naman siya... Hindi ko lang talaga matanggap kung bakit niya naggawa to? Ang paasahin niya akong matutulungan niya akong maging kami ni Drin nung nasa Juniors kami. Tas nabalitaan ko nalang siya na pumunta nalang siya ng ibang bansa, at dun nagpatuloy ng pag aaral.
"Honey, hindi ka pa ba kakain? Kanina mo pa tinititigan yang cellphone mo. May problema ba?" , nilingon ko si Mama na nakasandal sa pintuan ko.
"Ma....", umayos ako ng pagkakaupo sa kama ko at humarap sa kanya... "Anong gagawin nyo kung biglang magparamdam ang taong kinaaayawan mo? Kakausapin nyo ba siya? O hahayaan nalang na maging gento nalang ang sitwasyon?"
"Hay naku, Maan.", lumapit sakin si Mama at tumabi sakin... "Alam mo anak, You should know how to forgive and forget. Kasi kung kikimkimin mo yang galit sa loob ng dibdib mo...", tumigil siya ng bahagya at itinuloy ang sinasabi... "Ikaw din ang mahihirapan nan. Masama ang magtago ng sama ng loob, dadating at dadating ang oras na matatanggap mo na ang lahat at makakalimutan ang masamang nangyari sa nakaraan."
Hindi ko maiwasang hindi umiyak. Sino ba naman kasi ang hindi maiiyak, kung sa isang ina nanggaling ang lahat. Siguro nga.... Siguro nga, kailangan ko nang kalimutan ang nangyari sa nakaraan at matutong humarap sa kung anong mangyayari sa future....
"Ma, thanks," sabi ko sa kanya at niyapos ko siya... I feel safe at my mom's arms, feeling ko biglang nawala lahat ng problema ko. Nagpapasalamat talaga ako dahil may nanay akong katulad niya...
"Kain na tayo. Bawal paghintayin ang pagkain, biyaya yan ng Diyos," tumayo na siya at umalis na ng kwarto ko...
Huminga ako ng malalim at nag-isip isip. Simula ngayon, gagawin ko na ang lahat para makalimutan ang nangyari... Sana.
...to be continued.