Little Things

92 2 0
                                    

LITTLE THINGS  

~eltear~  

[AUTHORS NOTE]  

Hello po, ako po si Eltear, he-he. Gusto niyong malaman bibliography ko? Wag na, ang boring eh. -_-  

Sana po mag-enjoy kayo sa pagbabasa nito pagapasensiyahan niyo na rin po dahil ammature writer pa po ako. Mas mafe-feel niyo po ang story na ito kung magbabasa kayo with it s soundtrack. I-search niyo po yung mga soundtrack at siguradong magugustuhan niyo. Hahanga kayo sa taste of music ko. ^_^  

About po dito, yung mga pangalan po, naisip ko lang yun at yung iba kinuha ko sa mga anime character. Everything that is written here is highly fictional. Though I wish this could be real. Ang sarap siguro sa feeling magkaboyfriend ng artista though medyo magulo.  

Enjoy na lang kayo. Salamat. Sana suportahan niyo ako. At kung may reklamo kayo, isarili niyo na lang para walang gulo. Hahaha. Gaya po ng sabi ko, BAGUHAN po ako.  

At walang basagan ng trip. :D  


Soundtracks:  

Fix you  

Tell it to your heart  

Somebody out there  

You and me  

Everytime  

Gone too soon  

Just around the corner  

Never should have let you go  

Come back, be here  

I can wait forever  

Set love free  

Smile  

The way I loved you  

At the beggining  

Love the way you love me  


1  

[PERSONAL ASSISTANT]  


Inad-just ko ang mga makakapal na eye glasses sa mata ko habang tinitingnan ko sa malayo ang crush ko, si Troy, na nakikipaglandian sa ibang babae. Masakit para sa akin ang makita siyang ganun, para na rin niyang pinamukha sa akin na wala akong pag-asa sa kanya.  

Kasi naman eh! Ang gaganda ng mga babaeng naghahabol sa kanya, ang sesexy pa at mayayaman.  

Habang ako& .:(  

Iniwas ko na ang tingin ko at naglakad ako papuntang banyo, buti na lang walang tao doon kaya makakapagsenti ako. Humarap ako sa salamin at tinitigan ang sarili ko.  

Ngayon ko lang narerealize, nakakadiri pala talaga ang pagmumukha ko. Ang mukha ko ay parang pugad ng pimples, ang buhok ko naman, parang desyerto sa sobrang dry, ang ilong ko naman, well, hindi naman siya kasing flat ng papel, pero hindi rin siya matangos, katamtaman lang, my eyes are my best asset, kaya lang nakatago siya sa makakapal na eye glasses na ito. May deperensiya kasi ako sa mata kaya kailangan kong soutin ito ng 24 hours.  

At ang katawan ko, hindi ako payat, hindi rin mataba, kaya lang wala akong curves. Flat chested din ako, kaya kung may dadaan ngayon na shooting star, hihiling talaga ako na sana lumaki-laki ang boobs ko.  

Ay, oo nga pala, ako nga pala si Ren Fernandez. As you can hear, pang unisexual ang name ko, pwedeng babae, pwede din lalaki. Kaya minsan, napapagkamalan akong bakla. Nag-iisa na rin ako sa buhay, siguro nung pinanganak ako ng nanay ko ay tumakbo siya palayo dahil sa sobra kong kapangitan.  

Little ThingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon