May mga Kaklase sila Bong at Tong na babae na
kapansinpanisn ang mga kinikilos.
Ito ay sina Kasandra, Karen, at Khate , Tinatwag din silang KKK
sa kadahilanan na sila ay may K .
Katapangan, Kabuwangan at Ka-O.A-han(over acting super)
sa bawat isa sa kanila.
Si Kasandra na sobra sa Katapangan.
No Boy friend since birth sya,
panu kasi lahat ng lalaking kaklase nya ay natatakot sa kanya.
War freak ika nga,
Laging seryoso sya makipag usap.
kala mo laging galit.
Si Karen naman sobrang Kalog
Kabuwangan na ata ang kinikilos nya
Napaka masayahing tao nya
kapag tumawa sya parang wala ng bukas .
Lahat ng bagay na nakikita nya ay naiisip nyang gawing
kasiyahan, parang kapag naka kita sya ng puno
biglang aakyat yan at sisigaw na parang si Chitae
( partner ni istarzan).
Si khate naman sobrang O.A (over acting)
sya yung tipo na napaka emotional react
kapag nasaktan sya o kaya inaway sya
biglang iiyak agad yan.
Silang Tatlo ay magkasama lagi sa uwian at pasukan
papanu kasi magkakapitbahay sila
(Break time sa school)
nawawalan ng wallet si Kasandra
Hinahagilap nya to sa kanyang bag at bulsa
Pero wala talaga syang nakita.
<Kasandra> Nasaan na ang wallet ko?!
( Galit nyang sianabi)
Tinitigan ni Kasandra ng masama ang mga katabi nyang sina Karen at Khate.
<Kasandra> Isang Linggo kong Allowance yun,
tinamaan nga naman ng lintik o.
Malaman ko lang kong sino kumuha ng wallet ko,
Makakatikim sya ng hindi nya pa nya natitikman.
<Karen> (Buwang Mode) Ano? Makakatikim?
Masarap yan ! hehehe
Manlilibre ka kapag bianalik sayo?
swerte siguro nung kumuha
akalain mo gumawa na nga sya ng masama
may reward pa sya. Lupet!
haha.
-------------------Biglang sinuntok ni Kasandra sa tiyan si Karen
<Karen> Aray ! hehehe
Ay hindi pala masakit .hehehe
Nag bounce kasi yung suntok mo sa bilbil ko
pwede isa pa?! hahaha.
Hindi ka talaga mabiro Kasandra
sige tutulungan na kitang hanapin yang
wallet mo na puno ng Ginto hahaha
siguro may atm machine dun.
<Kasandra> Oh! heto .
(sabay inihagis ang bag kay karen)
----------------Napansin ni Kasandra na parang iiyak na si khate
<Kasandra> oh ! bakit ka iiyak?
siguro ikaw kumuha ng wallet ko nuh?!
sabihin mo na, ng hindi ka pa masaktan.
<Khate> (Napapa-iyak na )
huhuhuhuhuhu
Hindi ko naman kinuha yung wallet mo eh
at tsaka bakit ko naman kukunin yun.
Hindi naman ako magnanakaw, mas gusto
ko pang mamatay sa gutom kaysa kumain na galing sa nakaw.
mamatay man parents ko pati mga crush ko
hindi talaga ako kumuha.
(humagolgol sa iyak)
<Karen> ooooppss wag na kayung magtalo jan
heto oh nakita ko na
nakaipit lang pala sa libro kaya hindi mo
nakita Kasandra. Laki laki ng mata mo
hindi naman ginagamit
haha
wag ka ng umiyak Khate
hindi mo naman kasalanan eh
kasalanan yan ng Libro , Hindi man lang nagsalita
siguro natakot kay Kasandra baka daw sunugin sya
hahaha.
<Karen> Oh sya! tama na .
Group Hug na tayo
Peace ma men.
(")--,) "Sa Paaralan natututo tayong Makihalubilo at nakikilala natin ang ating mga sarili."
BINABASA MO ANG
Magic Behind The School
Short StoryAnong Meron sa Paaralan? May Sekreto ba ang mga Guro sa Pagtuturo? "Bakit kailangan sabihing May Pinag aralan ka?"