AHKM2

17.6K 537 311
                                    

ANG HOUSEMATE KONG MUMU 2!

"Counterclockwise"

Written by: PlainVanillaGirl


Warning: Rough Draft :)

---

Buong akala mo okay na pero deep inside sobrang sakit pa. He likes you. You like him. Pero hindi pwedi maging kayo. Bakit? Dahil tao ka at isa siyang multo.

Pero paano kung mabigyan ka ng pagkakataon na baguhin ang lahat? Paano kung kaya mong pahintuin ang oras? Paano kung kaya mong maglakbay sa nakaraan at itama ang lahat?

Kaya mo bang tahakin ang daang walang kasiguraduhan at isugal ang sarili mong buhay para lang muli siyang makasama? Kahit na sobrang okay na ng kasalukuyang mundong iyong ginagalawan? Handa ka bang iwan ang mga taong nagpapahalaga sa'yo? Kung kaakibat ng pagbago sa nakaraan ay ang malaking posibilidad na may magbago rin sa kasalukuyan?

Can love do anything?

Can love do everything?

Even...

Chasing Time and maybe...Death?

PRELUDE

Tik Tock! Tik Tock! Tik Tock!

Says the clock,

Tik Tock! Tik Tock! Tik Tock!

Time flies so fast,

Tik Tock! Tik Tock! Tik Tock!

Stop. Pause. Feel the clock,

Tik Tock! Tik Tock! Tik Tock!

Will you be able to chase the clock?

***

HE found himself standing in a tunnel with the light at the end of it and he saw people of different ages rushing towards the light. And from where he was standing, he could hear the howling blare of a train's horn. So, this is how it'll end he thought.

Ipinikit niya ang kanyang mga mata at ninamnam ang mga alaalang alam niyang mabubura kapag tumawid na siya sa liwanag. He recalled how his dead heart sped up the moment he saw her. Hindi niya inakala na makikita siya nito. Iyon ang unang beses na may nakakita sa kanyang tao. Nakatayo siya noon sa bintana at pinagmamasdan lang ang dalaga. Simula pa lang ay nabighani na siya rito. Love at first sight ika nga nila.

Maya maya lang ay napangiti siya nang maalala iyong mga pang-aasar niya rito, iyong pagpipigil niyang halikan ito sa tuwing namumula na ito sa galit. Iyong sa tuwing nagkakalapit sila ay parang nagkakaroon ng sariling buhay ang kanyang puso. Naalala rin niya na sa tuwing mahimbing itong natutulog tuwing gabi ay pinagmamasdan niya ito at hinihiling na sana siya ang napapanaginipan nito.

Inaamin niyang may mga panahong ginusto niyang manatili na lang sa katauhan ni Nash upang maprotektahan ito. Natutuwa siyang napapasaya niya ito at the same time ay nasasaktan din siya dahil narin alam niyang si Nash ang nakikita nito, ang nagugustuhan nito at hindi siya.

Bigla niyang naikuyom ang kanyang kamao nang dumaloy sa kanyang sistema ang matinding takot at galit na kanyang naramdaman nung muntik na itong mapahamak ng dahil sa kanya at wala man lang siyang magawa upang ito'y protektahan. It was the worst nightmare for him, worst than his own death.

And above all those memories, how could he forget the tears in her eyes when he finally bid goodbye. He wanted to wipe her tears, to kiss her eyes and comfort her but he was fading away and all he could do is to stare at her.

ANG HOUSEMATE KONG MUMU 2: COUNTERCLOCKWISETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon