ALYSSA
Nandito ako ngayon sa canteen. Pinaglalaruan ko na lang yung pagkain ko kasi wala ako sa mood kumain. Heartbroken pa rin ako, bes. Sobrang sakit, sobrang saklap. May mahal na si Kiefer, at hindi ako yun.
"Besh!!!" Sigaw ni Ella habang tumatakbo papunta sakin. Umupo s'ya sa tabi ko habang hingal na hingal.
Jusme! Ang daming kasalanan ng babaeng 'to sakin. Una, s'ya angnagsabing gumawa ako ng letter. Kaya ayun! Pangalawa, gumawa s'ya ng letter at nilagay pa sa locker ko. Nako! Kung hindi ko lang talaga 'to kaibigan, baka pinakain ko na sa pating.
Magsasalita na sana s'ya kaso pinigilan ko, at ako na ang unang nagsalita, "Ms. Jorella De Jesus, anong pumasok sa isip mo't binigyan mo 'ko ng letter at nilagay mo pa sa locker ko?"
"Huh? Besh, okay ka lang? Wag kang assuming. I will never wasted my time making a letter for you noh." Confident n'yang siagot.
"Wag mo 'kong niloloko, hah." Sabi ko sa kanya.
"Hindi naman talaga kita niloloko eh. Magkasama tayo buong araw kahapon, so pa'no kita magagawan ng letter at ilagay pa sa locker mo?"
Bigla akong napaisip sa sinabi n'ya. Sa bagay, magkasama naman talaga kami kahapon except nung ibibigay ko na sana yung letter ko kay Kiefer. OMG. Hindi kaya... may secret admirer talaga ako? Ay, ang bongga.
"Ah, ganun ba? Sige, besh! Mauna na ako. May gagawin pa ako eh. Bye!" Pagpapaalam ko tapos tumakbo papuntang basurahan.
Sa pagkakaalala ko, hindi ko naman natapon yung letter eh. Well, itatapon ko na sana kaso hindi na-shoot. Sana. Sana walang makakuha nun.
Pagdating ko dito, hinanap ko sa gilig ng basurahan pero wala. Tinignan ko yung loob g basurahan pero wala ng basura. Nako po!!! Nasan na yun? Ano na? WHAAAA!
-----
KIEFER
Naglalakad ako ngayon palabas ng school kasi uwian na. Hindi sana ako papasok kasi wala ako sa mood pero kailangan. Wala eh, wasak pa rin yung puso ko. Feeling ko nga magkakasakit na ako. Ang OA ko, pero OA naman talaga lahat ng taong nagmamahal... lalo na pag nasaktan.
Habang naglalakad, nakakita ako ng notebook sa daanan. Kinuha ko yun, at hinanap yung pangalan kung kanino. Kung hindi nga naman tanga si tadhana, ay kay Alyssa pa pala 'tong notebook. Pa'no ako makaka-move on nito? LOL. Para namang naging kami.
"Ikaw ba si Kiefer Ravena?" Tanong ng isang tonong matandang lalaki. Tumalikod ako para tignan kung sino yung nagtatanong, yung garbage collector pala ng school.
"Ako nga po. May kailangan po ba kayo sakin?" Tanong ko habang nakangiti.
"May nakita kasi akong sulat kanina sa basurahan. Eh ang nakalagay Dear, Kiefer Ravena , kaya siguro para sayo 'tong sulat. Love letter pa naman kaya naisipan kong ibigay sayo." Sabi ng garbage collector.
Love letter para sakin? Kung hindi ako nagkakamali, kinuha ko yung letter na binigay ng babae sakin kahapon nung nakasalubong ko sya sa labas ng school eh. Na-appreciate ko naman kasi yung effort. Pero... kanino naman kaya galing 'to?
"Salamat po!" Sabi ko tapos kinuha yung letter na nakuyumot na.
Umalis na yung garbage collector tapos binuksan ko na rin yung nakuyumot na papel.
Dear, Kiefer Ravena
Medyo nakakahiya kasi sinulat ko 'to pero pakapalan na ng mukha. Gusto ko lang sabihin na, longtime crush ko na ikaw. Wait lang, mahal na pala kita. Haha! Yun lang :)!
,your longtime secret admirer.
Kanino naman kaya galing 'to? Ngumiti na lang ako tapos nilagay yun sa bulsa ko tapos binuksan yung notebook ni Alyssa. Gusto ko lang tignan kung anong laman ng notebook nya. Hehe!
Ang ganda ng hand wirting n'ya parang hand writing ng nagsulat sakin ng letter. Wait, what? Tinignan ko ulit yun letter tapos yung hand writing ni Alyssa sa notebook n'ya. SHT! Magkaparehas na magkaparehas. Hindi kaya...?
"Hoy, Kiefer!" Sigaw ng isang babaeng may dailan kung bakit ako gumawa ng letter kay Alyssa at nilagay sa locker n'ya.
"Ano?!" Medyo masungit kong tanong.
"Anong ano? Para kang tangang nakatayo sa gitna ng daan." Sabi n'ya kaya pumunta ako sa gilid. Napakatanga ko talaga.
Bigla kong napaisip na close si Ella at Alyssa kasing close namin ni Alyssa pero hindi talaga kami naging close ni Alyssa.
"Ella, san si Alyssa?" Tanong ko.
"Bakit?" Tanong n'ya naman.
"Wala lang. Gusto ko lang malaman." Sagot ko.
"Nasa locker n'ya pa ata. Una na pala ako, may gagawin pa ako." Sagot n'ya tapos biglang tumakbo palabas ng school. Ang weird n'ya talaga.
Bumalik naman ako sa loob n school at hinanap si Alyssa. Nakita ko s'ya na kausap yung garbage collector at may inabot yung garbage collector... yung letter ko. Nagpasalamat si Alyssa sa garbage collector tapos pumasok na yung garbage sa isang kwarto.
"NAKITA RI KITAAA!!!" Sigaw ni Alyssa habang nakangiti.
"Yung letter ko?" Tanong ko tapos nagpakita sa kanya.
Nakita ko sa reaksyon n'ya na nagulat habang nakatingin lang sakin. Ngumiti naman ako ng unti, eh nahihiya ako.
"Letter ko yan, para sa'yo. Matagal na kasi kitang gusto. Ahm... sa'yo ba 'to?" Sabi ko tapos pinakita yung letter na binigay sakin ng garbage collector. Lalo naman s'yang nagulat.
"Ahm... oo, sakin nga galing yan." Sabi nya habang nakangiti na para bang nahihiya.
"Kung sa'yo galing 'tong letter..." Sabi ko.
"At sa'yo rin galing 'tong letter." Sabi nya.
"Ibig sabihin, mahal mo ako?" Sabay naming tanong sa isa't-isa.
We both laugh sa pagkasabay namin. Chance ko na 'to, at hinding-hindi ko na papakawalan.
"Alyssa, I love you." Agad ko namang sinabi yung matagal ko ng nararamdaman sa kanya.
She smiled, "I love you too."
Tumakbo ako sa kanya at yinakap sya. She hugged me back. Siguro, sadyang mapaglaro lang ang tadhana.
--------------------
A/N
"Siguro" yung title dahil sa first part. Wala po talaga akong balak na lagyan ng part two pero dahil "Everyone deserves a happy ending" at mahal ko ang KiefLy, ginawan ko na lang. LOL! Ang baduy ng ending ko kaya sorry. Sorry rin kung may typos.
YOU ARE READING
KiefLy One Shot
FanfictionIto'y naglalaman ng iba't ibang kwentong likha lamang ng aking imahinasyon tungkol sa KiefLy