Chapter 9-Head Master

1.6K 70 0
                                    


Shayne's POV

Kasulukuyan nasa linyahan kaming lahat upang malaman kung saang numerong dorm ang matutuluyan namin.

Bumukas naman ang gintong doubledoor na ikinalingon naming lahat.

Nakita ko namang nakangiting lumabas ang babae galing sa headmaster office.

Sinuri ko naman ang kabuuan nito dahil familiar sya para sakin, nakaterintas na mahabang buhok...Teka! sya yung babae sa maze na takot na takot pumasok sa entrance at matapang na tumawid doon. Nabaling naman ang tingin ko sa mga hawak niyang susi at mga schedule na files at card...? Ewan? Malalaman ko rin yan mamaya. Nagkibit-balikat nalang ako.

Manghang tinitigan ko sya ng makadaan sya sa malapitan namin sa pwesto. Mukha kasing di makabasag pinggan tignan sya at di ko alam kung paano nya nalagpasan yun na kita ko namang grabe matakutin sya sa maze. Pero dahil na rin sa don't judge the book by it's cover, ay talagang naniniwala na ako.

Ngumiti na lang ako sa mga iniisip, siguradong ganun din ang iba. Karamihan sakanila nagpursigi na makapasok dito upang mabigyan ng kanilang kinabukasan at makuntrol ng tama ang mga ability nila. At tumulong na rin sa mga kapwa nilang nabiktima ng mga bampira o iba pa, pwera na lang sa iba kung may balak pa ba na iba? Haayy...

Hindi ko pa din nakakalimutan kanina ang nangyari sa resulta ng test...

***Flashback

Dumating na ang resulta ng test na ikinakaba naman ng lahat kung sakali bang nakapasa o hindi.

Bigla namang lumabas ang mga nasa loob ng blackboard na kinulong kanina. At gumalaw-galaw naman ang mga blackboard na ikina-bigla naman nang lahat ng may lumabas na sulat doon at isa-isang pangalan ang lumabas doon, kasama na rin ang mga scores namin.

Dali-dali namang pumunta sa iba't ibang blackboard ang lahat upang makita rin kung sino ang nakapasa.

Maliban nalang saaming dalawa ni Susie ay hindi nalang nakesyoso doon dahil sa nagkumpulan na ang iba at ayaw rin naming maapakan lang at magtutulakan baka ano pangmangyari. Mamaya nalang kami dahil mamalaman lang namin yan mamaya.

Pinalibot ko naman ang tingin ko sa paligid upang maibsan ko ang pagkainip sa paghihintay at doon ko lang nakita sa malayong upuan na hindi lang pala kami dito nag-iisa ni Susie na naka-upo at di rin nakesyoso para tignan din ang mga resulta.

The Girl With The Eye Patch(On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon