Pastel's POV
"Apo! Gising na! First day of class mo ngayon! Bangon na!"
Aish..ang ingay naman ni lola! Natutulog yung tao, nambubulabog!
" Mamaya na Lola. Inaantok pa ako e!"
Hay..'buti naman at tumahimik na siya...
" Wah! 'La naman e! Bakit mo ako binuhusan ng tubig?!" Ano ba naman 'yan! Para akong mangingisay sa sobrang lamig ng tubig!!
" Anong mamaya? Anong oras ka nanaman magigising niyan! Anong oras ka na ba natulog? Nagpupuyat ka nanaman?!" Aga aga, sermon agad kay lola!
" Eh...ano..k-ka-s-si tinapos ko pa y-'yung ep. 15 ng Wei-igthl-lift-ting Fairy Kim B-bok Joo. Ang ganda kasi ng storya.." Utal-utal ko pang paliwanag.
I'm a certified Kdrama fan!! Gwapo at ang hot kasi ng mga oppa e! Kulang nalang, maglagay ka ng palaman sa mga monay nila! Mm..yummy! Yeah..byuntae here! Haha, charot lang.
(っ˘ڡ˘ς) ⬅ Ganiyan kasarap!
" Korean drama nanaman? Hay..tigil-tigilan mo nga 'yang panonood mo ng mga ganiyan. Hindi mo naman naiintindihan yung mga sinasabi nila e! Tsaka dahil diyan, napupuyat ka! Lintek na batang 'to!"
" May english subtitle naman e..kaya naiintindihan ko. Tsaka, may natutunan at napupulot na aral din po ako sa panonood ko ng mga Kdrama." Diba? Tama naman ako? Palibhasa hindi siya isang fan kaya nasasabi niya yang mga 'yan..Tsk.
" Talaga? Sige nga, anu-ano yung mga 'yun?"
Wait..ano nga ba?Hmm...
" Marami po. Baka abutin pa po tayo ng madaling-araw dito, hindi ko pa natatapos sabihin ang mga natutunan ko."
" Aray! Lola! Masakit po!" Kurutin ba naman niya yung singit ko..huhu, masakit! Lalo na ang haba pa ng kuko niya!!
(இ﹏இ'。) ⬅ Yung maluluha ka na talaga! Ganiyan kasakit!
" Ikaw bata ka talaga! Bumangon ka na nga at kumain at maligo ka na. Baka mahuli ka pa sa klase mo! Buraot ka talaga!" Singhal niya naman sa akin.
" Opo lola!" Maiksi kong sagot at tumayo na't ginawa lahat ng mga sinabi niya.
F
A
S
TF
O
R
W
A
R
D" O, ito, baon mo...niluto ko 'yung paborito mo."
" Talaga 'La? Hahahaha..yehey! Thank you po!" Masigla kong sabi.
" Walang anuman apo." Nakangiting sabi naman ni lola.
" Alis na po ako 'La!" Pagpapaalam ko sa kaniya.
" Sige, mag-ingat ka ha? at aral ng mabuti! Tandaan mo lahat ng mga binibilin ng lola ha?"
" Opo! Sige, alis na po ako. Baka mahuli pa ako sa klase. First day pa naman ngayon."
" Magpahatid ka na lang kay Manong Berding. 'Wag ka ng mag-commute!"
" 'Wag na ho 'La. Magco-commute nalang ako."
" Hay..napakakulit mo talagang bata ka. Osiya, ingat ka ha? Uwi ka agad!"
" Sige po!" Maikli kong sagot sa kaniya.
Umalis na ako at kumaway-kaway sa kaniya hanggang sa hindi ko na siya matanaw at lumabas na ng village. Nag-abang na ako ng dyip sa may kanto.
BINABASA MO ANG
Love Moves In Mysterious Ways [On-Going]
FanfictionI hope you'll like it and enjoy!