Di ko alam kung gaano na ako katagal nakaupo dito. Siguro dahil presko, mahangin, malilim. Baka dahil naaaliw akong obserbahan ang mga tao sa paligid ko, pilit iniisip kung anong klaseng laban ang pinagdadaanan nila sa mga buhay nila ngayon. Pwede rin kasi kanina pa rin ako nananaginip ng gising. O dahil gusto ko yung kapayapaan na meron sa pag iisa.
Marahil, ganon na nga.
Sabi ko noon, tama na muna yung pag sugal sa mga bagay na di sigurado. Kasi lagi ako natatalo. Walang balik sa akin na mabuti. Lagi ako yung agrabyado, lagi ako yung dehado. Na kahit anong pilit kong gawing pantay yung sitwasyon, di talaga magiging patas.
Ewan, pinanganak nga yata akong talunan.
Masaya mag isa. May kung ano sa pag iisa na di ko nakukuha kapag may kasama ako, pamilya man o kaibigan. Siguro kasi malaya ako nagagawa yung gusto ko. Kahit anong maisip ko magagawa ko. Walang pipigil, walang magpapa-importante. Kasi lahat aayon sa gusto ko at sa sarili kong desisyon. Nakakakuntento, kumbaga. Pero dumadating din naman yung pagkakataon na kikwestyunin mo yung pag iisa na yun. Kasi merong saya na dala yung pagkakaroon ng kasama sa buhay na kailanman 'di mo makukuha sa sarili mo lang. Mapapaisip ka na minsan, kailangan mo rin ng kasama, ng karamay, sa mga bagay-bagay.
Yun ang masakit. Kasi kung sino pa yung dapat na karamay mo, sila pa yung wala sa tabi mo kapag kailangan mo.
Madalas nasa kabilang bakod.
Ang aga ko naka uwi ngayon. Akala ko gagabihin ako pero sabi ni Anna sakin kanina cancelled daw yung dinner-meeting for tonight kasi di available si Mr. Romualdez at Mr. Cinco. Sinamantala ko na kasi minsan na lang ata ako makauwi ng maaga, saka nami-miss ko nang magluto. At ipagluto ka.
Nakadaan pa ako sa supermarket at nakabili ng ilang sangkap sa paborito mong Pasta Alfredo. Bumili na rin ako ng Triple Chocolate Cake na paborito nating dalawa. Kahit parang masama pakiramdam ko, naisip ko pa rin na ipagluto ka kasi dami ko nang atraso sayo. Mga dates na kinansela natin gawa ng trabaho kong demanding. Magkaiba pa tayo palagi ng day-off kasi ako opisina trabaho ko, ikaw BPO. Madalang din tayo mag abot kasi pang umaga ako, pang gabi ka. Pero nagagawan naman natin ng paraan pareho, diba? Magaling tayo pareho mag compromise.
Hanggang sa nakauwi na nga ako. Iba ang pakiramdam ko paglagay ko pa lang ng susi sa pinto. Ewan. Dumiretso ako sa kusina para ilagay yung mga pinamili ko. Tapos sa study area ko para ilagay yung mga gamit ko sa opisina. Papunta ako ng salas para buksan yung TV pero napahinto ako kasi nakita ko yung damit mo nakabalandra sa sahig. Nagtaka ako kasi lagi mo naman inilalagay sa marumihan yung mga pinagbihisan mo. Dadamputin ko na yung damit mo hanggang sa nakita ko sa malapit yung pantalon at underwear mo. Pati isa pang pantalon at underwear. At alam kong hindi sayo.
Kinabahan ako.
Di ko na pinulot yung mga damit. Napatingin agad ako sa kwarto. Lumakas yung tibok ng puso ko. Naguluhan ako. Di ko alam kung ano'ng meron. Kung anu-ano naisip ko nung time na yun. Meron ba akong dapat malaman? Parang alam ko na, pero ewan ko, gusto kong makita mismo.
Hanggang sa may umungol.
"Aaahhhh, shiiii...."
Ang tagal kong nakatayo sa salas. Di ko nga namalayan na may pumatak na palang luha sa mga mata ko. Bakit? Iniisip ko sana di totoo yung nabubuo sa isip ko, yung naririnig ko. Pero sino bang niloko ko. Di ako tanga. Pero nung time na yun sabi ko sa sarili ko handa ako magpakatanga wag lang magkatotoo yung mga iniisip ko.
"Sige paaaa..."
Naglakad ako papunta sa pintuan ng kwarto. Mas malakas pa yung mga narinig ko. Mas lalo din lumakas daloy ng luha ko.
YOU ARE READING
Haze
General FictionDi ko alam kung gaano na ako katagal nakaupo dito. Siguro dahil presko, mahangin, malilim. Baka dahil naaaliw akong obserbahan ang mga tao sa paligid ko, pilit iniisip kung anong klaseng laban ang pinagdadaanan nila sa mga buhay nila ngayon. Pwede r...