" Asha anak gising kana ba? Asa baba si Eros inaantay ka." Napabaligwas ako ng bangon sa aking kama sa huling sinabi ni mommy.
"Yes mom wait lang po" tugon ko kay mommy at dali daling tumakbo sa banyo para mag hilamos at magtoothbrush nakakahiya nman na humarap ako kay E ng bad breath, yuck naman so kadiri.
Nang matapos ang ilang minuto at tapos ko nang gawin ang mga daily rituals ko ay bumaba na ako.
"Good morning A" bati sa akin ni E pagkababa ko sa pinakahuling baitang ng hagdan. Lumapit siya sa akin at ginulo ang aking buhok.
"May kailangan ka ano kaya ang aga andito ka sa bahay" singkit ang mata sabi ko sa kanya.
"Di ba pwedeng namiss lang kita." Natatawang tugong nya habang nakaakbay ang kaliwang kamay nya sa mga balikat ko, palibhasa mas matangkad sakin si E. Naglakad kami papuntang kusina dahil kakatapos lang magprepare ni mommy ng breakfast.
"Yung totoo ano talagang pakay mo E kaya ka naligaw dito s bahay" pinaningkitan ko n siya ng mata para mapaamin kung ano talagang dahilan at ang aga aga eh andito sya sa bahay.
"Makikikain A." nakangiting sagot nya sakin."Namiss ko na luto ni tita eh" dugto pa nya. " Anong namiss ay andito ka kahapon ng tanghali kasama sina Tita Sandra at Erienne" .
After pumunta samin ni E, umakyat na ko sa kwarto para ayusin ang mga gamit ko. Kailangan kasing ipakita sa office ang natapos ko lay out sample ng isang raw house type sa dinedevelop ng company namin na bagong subdivision.
I want to give my best to encourage more possible buyer through my designs, idol ko si daddy kaya ako nag -architect ako. Sabi ni mommy di naman daw talaga si daddy ang gusto nya dati kundi ang bestfriend ni daddy na si tito Nick na tatay naman ng bestfriend ko. Bakit naging sila ng daddy ko kasi sobrang masugid na manliligaw ni mommy si daddy hindi talaga niya tinantanan si mommy and to make the long story short nainlove si mommy sa daddy kong gwapo na super kulit pa.
I both love my parents pero mas close kami ni daddy kasi si mommy may pagkastrict, kailangan kung anong gusto nya gagawin mo kung hindi magkakaroon ng world war 3 sa bahay. Solong anak ako wala akong kapatid kaya lalong naging strict si mommy, strict din naman si daddy un nga lang di kagaya ng kay mommy. Wala akong ibang nakakasama sa paglaki ko kung hindi ang bestfriend kong si E at ang kapatid nyang si Erienne.
Speaking of Eros kaya nga pala siya pumunta dito sa bahay ay para humingi ng tulong para isurprise ang pinakamamahal nyang girlfriend dahil anniversary nila. Three years na sila ni Agatha, two years siyang niligawan ni E pamula first year kami hanggang second year college tapos yun hanggang ngayon sila pa din. Kaya masasabi kong three years na din akong nasasaktan. Oo na tanga na kung tanga, eh ano bang magagawa ko mahal ko bestfriend ko eh. Ooh kasama na ko sa mga federasyon ng mga martir at masokista na kahit nasasaktan na at makita lang nakangiti sya kasama ang mahal nya ok lang kaya pa. Lagi niya kong katulong sa pag-iisip ng plano tuwing anniversary nila at birthday ni Agatha. Ung mga ideyang gusto ko din maranasan kapag ako naman ang nagkaroon ng boyfriend na nasa puso't isip ko ay ang gustong gumawa nun ay siya.
Maya ko na pag-iisipan kung anong gagawin namin para sa anniversary nila. Papasok muna ko sa trabaho at baka malintikan ako sa superior ko pag na late ako. Nagpaalam na ako kay mommy at sumakay sa kotse ko. Yes i have my own car graduation gift ng parents ko kulay green siyang honda wigo. At dahil adik ako sa kulay green nilubos lubos ko na nilagyan ko siya ng kerroppi sticker at stuff toy na sa likuran. Habang nasa byahe nakaisip ako nang ideya na pwede gawin ni E para sa surprise niya kay Agatha. Sasabihin ko na lang sa kanya pag- uwi ko sa trabaho mamamaya tutal magkalapit lang bahay namin.
BINABASA MO ANG
Mahal Mo Sya, Mahal Ka Nya, Ako Aman Si Tanga
Teen FictionStory of a girl who fall in love to her bestfriend. Would she have her happy ending.