*EROL’S POV*
WAITING………..
Araw-araw akong nag-aantay sa labas ng gate pagkatapos ng klase ko.
hindi na kasi siya bumalik sa Music Room.
Ilang araw ko na ring ginagawa ito.
Para na akong pulubi na namamalimos sa harap ng gate.
Natapos ang isang lingo na hindi ko pa rin siya nakikita.
Ang saya, nababaliw na yata ako.
Baka multo yung babaengy un at sa akin naisipang magparamdam.
Multo naman ngayon, dati serena tapos ngayon multo.
Nababaliw na nga yata ako.
Bahala na nga, makikita kong makikita, hindi kong hindi.
Nakakapagod din mag hanap sa wala.
*sigh*
Natapos yung weekend kong walang ginagawa.
hindi naman kasi ako mahilig gumala and besides I don’t have any friends here.
Alangan namang mag-isa.
Hindi ko na rin masyadong naiisip iyong babae sa music room.
Minsan na lang.
Kung dati every second ko siyang naiisip, ngayon mga every minute na lang.
Hindi namasyado di ba?!! ^_^
*Monday*
Papunta na ako ngayon sa school.
Gusto sana akong ipahatid ni mama sa driver.
Tinakasan ko nga, sabi naman kasing ayokong magpahatid.
Ang kulit!!
Grabe masyadong polluted ang pilipinas, at traffic pa.
Lagot na, I’m late.
Bumaba agad ako pagkatigil ng jeep.
Tinakbo ko na papuntang klase ko.
But damn!! I’m late.
Sarado na yung pinto at hindi na talaga ako makakapasok.
Wala na! I’m doomed!
Anong gagawin ko ngayon.
Mama naman kasi ang kulit hindi tuloy ako naka-alis agad sa bahay.
Haayyy… maglalakad-lakad na lang muna ako.
Pero sana hindi ko na makitasi D.O. o kung ano man pangalan nun.
*lakad-lakad* *masid-masid* *tingin-tingin* *lakad-lakad*
(UNLI-UNLI??!!Ü)
Bigla akong napabalik ng lakad.
*blink-blink* (unli ulit. ^__^)
Siya yun!! Sigurado ako.
Nasa kabilang building, papasok pa lang siya sa isang room.
Ibig sabihin doon ang klase niya.
Anong gagawin ko?
Pupuntahan ko ba?
Baka mawala sa paningin ko, paano na lang kung habang paakyat ako sa second floor lumabas siya.
Hindi ko pa siya makita pag nagkataon.
huwag na nga, dito na lang ako.
Maghihintay nalang ako dito.