Three-Month Rule

18 0 0
                                    

First day of work. Masaya. Excited. Nakakapanibagong environment. New people. New set of friends, hopefully. Bagong management na pakikisamahan. Petiks kasi nagsisimula pa lang. So training muna. Sa kompanyang pinasukan niya, she is hoping to have a better future. Sino ba naman ang di nangangarap ng magandang future di ba.

Ayun na nga. Lumipas ang buwan. Medyo nasanay narin si Ate sa mga kalakaran ng bago nyang pinasukan. Kesyo may mga Subject Matter Experts pag may mga tanong sya at syempre di mawawala ang mga Team Leaders. Napansin na niya sa population ng departamentong hawak niya na may nag-stand out. Hindi kagwapuhan pero desenteng tignan, malinis, responsable, kayang magsurvive ng team nila kahit wala ang Team Leaders at siya lang ang POC. Kaso sabi niya sa sarili niya, malabong mapansin siya kahit mas mataas position niya. So go with the flow na lang si Ate.

March. Nagkataon, kulang si Bubbles ng headcount para sa event nila sa Quezon province kasi naman nag back out yung nangako sa kanyang sasama na tropa niya. So tinanong ngayon ni Bubbles kung pwede bang siya na lang ang sumama. Sakto si Blue eh available naman so pumayag. Mga panahong yun, di pa sure si Bubbles kung nanliligaw na ba si Blue. So deadma lang siya. Aba at excited si Blue, maaga nagising at nagluluto na ng babauning ulam at meryenda. Nag special request pa ng pritong talong na toppings ng adobo. And egg sandwich. Sinamahan pa ni Blue ng tuna sandwich. Weekend getaway lang yun sa Island na iyon. They both had fun. Ganda ng lugar. Samahan pa ng balik eskwela reach out program na main purpose ng group. Lahat naligayahan sa pagbibigay ng notebooks, books, pen and the likes.

Sinimulan niyang pagbigyan ang mga yaya ng mga kaopisina niya na lumabas labas. Grupo sila. Nag level - up. Niyayaya na ni Blue si Bubbles pag lunch break. Hinahatid na siya sa bahay pag uwian. Salungat schedule ni Blue kay Bubbles. Pero kahit ganun pa man, Blue always make sure that he spend his time with Bubbles atleast kahit break or lunch sa isang araw. Bubbles had several appointments sa Doctor dahil sa pananakit ng tenga niya. Sa mga pagkakataong yun, Blue is always there to assist her. Andyan yung inaantay syang makauwi, hinahatid pauwi and ang pinaka sweet sa lahat ay sinasamahan syang magpacheck up.

Dumating sa puntong sila na lang lagi dalawa ang nanonood ng sine, sila na lang dalawa ang lumalabas at wala ng mga asungot. Napapadalas din ang pag ooverstay niya sa apartment ni Bubbles. Yung tipong magpapatila daw ng ulan e ambon lang naman and may oto naman si Blue, hassle free pauwi so bakit kelangan magpatila. =) Mga small things that matter to Bubbles so much. Yung after shift ni Blue, dadaan pa sya kay Bubbles to spend small talks and stuff. Dumating sa puntong dun na nag oovernight si Blue. Kesyo malalim na ang gabi at delikado na ang daan. Obvious na sa paningin ni Bubbles na may pagtingin sa kanya si Blue. At alam niya sa sarili niyang nahuhulog narin loob niya.

After shift, dumaan ulit si Blue kina Bubbles. This night was one of the unforgettable night ni lola. Nagtapat na si Blue. That he's falling in love with Bubbles. Nag inarte tong si Bubbles. She said she has to think about it. Night after that day, pumunta sa lugar ni Blue si Bubbles. She travelled almost an hour to surprise the guy. Nakapagdesisyon na siya na siya na nga ang lalaking siguro ay tinadhana sa kanya. He was introduced as a friend sa mother ni Blue which is fine with Bubbles kasi totoo naman na magkaibigan lang sila. That night after dinner, they talked. Nothing serious. Mga usapin sa opisina lang. Hanggang sa nakatulog na sila peacefully.

"Good morning." Sabi nila sa isa't isa. Bubbles can no longer stop herself from telling the guy her reason of going to the guy's place.

"I love you." Finally! Nasabi niya. Ang saya sa pakiramdam. Ang saya nila pareho. Masaya. Napakasaya niyang pumasok sa trabaho nung araw na iyon.

Napadalas pa lalo ang date. Ang pagbisita. Ang pag ooverstay ni Blue sa bahay nila Bubbles. Ang mga matatamis na ngiti. Naramdaman niya ulit after 5 years ang ngumiti ng walang dahilan, ang makita ang lahat ng bagay na makukulay, ang maging positibo sa araw araw, ang masabing , "okay lang kahit mag mess up ako sa trabaho, andyan naman sya." Ang masabing may nagmamahal na sa kanya. Pagmamahal na espesyal. Naramdaman niya na may magtatanggol sa kanya. Na may kakampi sya. Na may mapagsasabihan siya ng problema. Na may aalalay sa kanya pag depress siya sa trabaho. Na-motivate pa siya lalo to learn cooking. To download app na may mga recipes on how to cook ng ganito ganyan. She feels contented. She worries pag si Blue di pa nakakauwi sa bahay. She worries pag hindi nagtetext si Blue. She worries if Blue doesn't eat on time. She is clingy that she needs him every now and then. They had little fight. But they're able to fix them immediately. Sobrang thoughtful ni Blue na lalong nahulog loob ni Bubbles.

Three Month RuleWhere stories live. Discover now