Crush mo'ko? (One Shot)

151 5 0
                                    

 Hello! Supposedly, ang original title nito is, "Crush mo'ko, no?" E since, meron na rin story dito na, ganun yung title. Binago ko nalang yung sakin. In due respect to other writers. :))

 Hope you'll like it! <3 Godbless. Ü

©Cloud011

*Boink*

 "Hoy! Sinong bumato sakin ng board eraseeeeeeeer?!"

 Sigaw ko. Masakit kaya. Tumahimik ang lahat. Walang nakapagsalita. Ng biglang..

 "Hahahahahahahahahahaha!"

 Ayan. Nagtawanan ang buong klase. Taka ba kayo kung bakit di takot sakin yang mga yan? Kasi naman. Close na talaga kami. Isipin mo ba naman, apat na taon na kami nagkasama-sama ng mga pagmumukhang yan. Aarte pa ba kami? XD

 "Sorry Ash. Pasensya na. E kasi e. Bigla kang tumayo. Alam mo namang nagkukulitan na naman kami e."

 "Ah. So, ako may kasalanan? (-.-)7 Hahaha.  De, okay lang."

 Yun nalang ang sinagot ko. Sabay gulo ng buhok nya.

 "Ay. Ashhh talaga -.-"

 Gawain ko na yan ;)

 Ashley Gonzales nga pala ang pangalan ko. Everybody's friend. Kakulitan. Kaasaran. Bilang na bilang lang nila kung ilang beses ako nainis o nagalit sa kanila. Sanay na'ko sa kanila e ^_^v

 "Ash, si Ren!"

 Tawag ng classmate ko. Breaktime na e. Kaya hayahay muna. XD

 Ah. Si Ren pala. Ren Levesque. Bestfriend ko :D Sanay nadin yan. Kahit sa ibang section sya.

 "Kaen na muna tayo."

 "Sige."

 After 30 mins.

 "Ash. Kita nalang tayo mamaya, after class. Study well." Si Ren, hinatid na nya ko sa room. May klase na ulit maya-maya e.

 "Osig--"

 "Assssssssshhhhhleeeeyyy!!"

 "Oh? Ano? Makasigaw, wagas? Problema?" Classmate ko yung sumigaw. Sorry kung masakit sa tenga. Frustrated singer daw sya e XD

 "Si Carrrltoooon!" Hingal na hingal pa sya na sinabi yan. Ewan ko ba, wala naman syang ibang ginawa.

 "Oh. Kalma lang Mae. Ano ba problema? Ano meron kay Carlton? At pwede ba, wag mo na ulitin ang bawat letra sa pagtawag mo?" :)

 "Hahaha. Sorry. Kasi, si Carlton. Nakita ko sinusulat nya pangalan mo, paulit-ulit sa notebook nya."

 "Oh, e ano naman?"

 "Duuuh! Ano ka ba, naturingang 1st honor, ang slow -.-"

 "Hay nako. E ano nga?" Mukha bang mataray? Sorry ha. Normal na yan. Saka, di naman ako mean.

 "Crush ka nya Ash! Hay nakew. Ay, Ren. Andyan ka pala, bestfriend mo oh, haba ng hair."

 "Sus. Mae. Okay lang yan. May bago pa ba dyan? Haha. Sige. Una na'ko. Malapit na magtime e ^_^"

 Ayun. Umalis na nga si Bespren.

  "Hahahahaha. Si Carlton, crush ako?"

 Natawa ko dun. Kasi ang simple simple lang nya. Shy type. Pero mabait. Puro ngiti lang. Parang walang problema sa buhay. Saka, marunong din sa klase. Kaya di ko akalain na, nagkakacrush din pala sya.

 "Uy. Crush mo'ko?" Sabi ko paglapit ko sa kanya. Sabay ngiti.

 Nginitian nya lang ako. Ganyan naman yan e. Man of few words. Haha. Alam nyang di ko sya iniinsulto. Binibiro ko lang talaga sya. Alam naman nyang ganyan ako.

 Uwian na. Medyo nahuli ako, kasi ako nag la-lock ng room. Paglabas ko, nakita ko si Carlton. Hawak ang isang notebook.

 "Uy. Uwi na'ko. Ikaw ba?"

 "Ah. Sige Ash. Mamaya pa'ko. Ingat ka."

 "Hm. Nga pala."

 Tiningnan nya lang ako.

 "Crush mo'ko?"

 Mas lumapad lang yung ngiti nya. Pero, wala syang sinabi. Alam kong wala lang yun. At walang malisya yun.

 Nginitian ko lang din sya. At saka umalis na.

Crush mo'ko? (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon