nagkaron ng isang activity sa school... Girls basketball.. Ang kasali dito simula gr. 6 till 4th yr. so hinati ito sa 2 group..
at syempre di naman namin lahat kilala ang bawat isa sa grupong ginawa...
at nag karon kami ng training 4:30pm-6:00pm nag plano para malaman din namin ang takbo ng game... nagkahingian kami ng number lahat...
so text text kami para magkaron ng closeness ang bawat isa...
nag taka ako after ng bigyan ng card bakit hindi na nag tetext ang isang kagroup namin..
so pinuntahan ko siya sa room nila nung break time.. at dun ko nalaman wala na wala na pala yung CP niya dahil sinira ng papa niya kasi daw may bagsak siya na subj.
lagi ko na lang siya pinupuntahan sa classroom nila nakikipag usap at nakikipag biruan...
at ayun na dumating na ang araw ng sportsfest..
pero natalo kami... at nagulat ako nung kasali siya sa track and field kasi naka yakap siya sakin buong mag damag nun di ko alam bakit at tinawag ko siyang TUKO kaso kahit saan ako pumunta naka yakap lang siya...
ayun kinakabahan daw siya sabi ko na lang sakaniya pag natalo siya may dare siya at pag nanalo siya ako ang may dare at nanalo siya...
ayun naging mag best friends kami kahit saan pumunta kasama ko siya.. siya lang katext ko at kausap... siguro pag week days kulang 5 hrs na mag kausap kami kasi galing school hanggang maka tulog magkausap kami...
1yr and 5 months kami mag best friend... yung tipong nag karon na ng issiu na parang mag syota kami... nagalit si mama nung nalaman niya yun ayaw na ni mama ako makitang katext kausap o kasama siya... pero syempre pasaway kami... takas takas...
binigyan ko siya ng bear na kasing laki ko at binigyan niya rin ako gift... at nung birthday ko ayun binilhan niya ako ng cake... suprise raw? pero alam ko kasi nakita ko at nahahalata ko ang galaw nila...
di ko kinain yung cake kasi super sama ng pakiramdam ko yung tipong nasusuka ako... ayun nag tampo at nagalit siya ilang linggo kami di nag uusap...
yun pala sa mga oras na di kami magkausap may bf na pala siya at ako pa ang huling nakaalam nito... nag sinungling siya para dun sa bf niya...
nagalit ako at dun nag tapos pag kakaibigan namin... oo kasalanan ko yun pero ang magsinungaling di ko kaya...
-alam mo yung tipong nag plano na kayong dalawa.. sa magiging bahay at ano gagawin niyo pag nag tratrabaho na... at ayun napunta sa wala-