Flashback part 2

311 9 0
                                    

3rd person's POV

hindi alam ni kath kung ano ang irereact niya ng makita niyang dalawang guhit ang naging resulta nito

bagamat tumulo nalang ang kanyang mga luha at sunod-sunod na paghikbi

lumabas siya ng banyo na patuloy parin sa pagiyak

napatayo naman ang kanyang matalik na kaibigan at agad siyang kinomprenta

ipinakita niya lang sa kanya ito at dahil sa gulat napatakip nalang ng bibig si julia at nilapit ang kaibigan

niyakap niya ito at sinubukang patigilin sa pagiyak ngunit wala ring nangyayare

pati narin siya ay naiyak sa kondisyon ng kaibigan niya ngayon

"*sub* p-pano na to?baka itakwil nila ako best. *sub* pano pagnalaman to ni jon? mapapatawad kaya niya ko?" tanong ni kath sa kaibigan habang umiiyak

mas hinigpitan pa ni julia ang pagyakap sa kaibigan

ng masugurado okay na si kath sinuyo niya ang kaibigan na pumunta kina daniel

sa una ayaw ni kath dahil natatakot siyang harapin si daniel

pero sa huli napapayag niya rin

nag-ayos lang sandali si kath at wala pang isang oras nakaalis na rin sila

sandali lang ang byahe papunta sa condo ni daniel kaya hindi sila natagalan

dere-deretso lang sila sa paglalakad ng matapatan na nila ang pinto eh biglang humigpit ang hawak ni kath sa kaibigan

tinignan ni julia si kath ng ako-bahala-sayo-wag-ka-magalala-look

tumango lang si kath at kumatok na siya sa pintuan pero nakakailang katok na siya wala paring ngbubukas ng pinto

dahil sa mainipit si julia sinubukan niyang buksan ang pinto at dahil don nalaman nilang hindi pala eto nakalock

"hindi naman pala nakalock. Lika na kath" pag-aaya ni julia sa kaibigan

nanginginig na tumango si kath at sinundan ang kaibigan na derederetso sa pagpasok

hindi pa sila tuluyang nakakapasok huminto na kagad si julia,nagtaka naman si kath kung bakit huminto ang kaibigan pero mapahinto rin siya ng makita niya anh barkada ng binata

at dahil sa abala ang magbabarkada sa panonood hindi nila napansin sina kath at julia pero si daniel na kalalabas lamang ng kwarto ang unang nakapansin sa kanila

"julia?anong ginagawa niyo rito?" takang tanong ni daniel habang lumalapit sakanila

napunta naman sakanila ang atensyon nila seth naabala sa panonood

"daniel naaalala mo ba ang bestfriend ko?si KATH" sarkastiko na saad ni julia kay daniel

napakunot noo naman ang magbabarkada at pati si daniel

"oo naman sino ba ang hindi makakaalala sakanya?" sagot ni lester

Learn to Love you.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon