["Maaaaa! Maaaa!! Mama ko huwag niyo po ako iwan maa huhuhu"
"Anak pasensya kana huh? Kailangan kong gawin ito eh huhuhu anak bumitaw kana"
"Maaaaa huwag po kayong umalis maaa!"
"Maaaaaa!!! Maaaaaa!!!"]"Ma!!"
Nagising na naman ako sa panaginip na paulit-ulit. Panaginip na pilit kong tinatakasan at kinakalimutan. Panaginip na paulit-ulit akong sinasaktan. Sana nga 'di nalang ako inaantok para 'di nalang ako nakakatulog, at wala na akong mapanaginipan.
Umupo muna ako sa gilid ng higaan ko. Inaalala ang napanaginipan ko. Isang batang nagmamakaawa sa kanyang ina na huwag siyang iwanan ngunit walang nagawa ang pagsusumamo niya at patuloy lang siyang pinabayaan. Kasabay ng pagtulo ng kanyang mga luha ay sabay ding naglalaho ang imahe na kanyang nakikita. Imahe ng kanyang ina na tuluyan na lumalayo at nawawala ng parang bula.
Ako iyon. Ako 'yung batang yon. 7 years old palang ako nang iwanan niya ako. Iniwan niya ako para sa bago niyang pamilya. Iniwan niya ako para sa sarili niyang kaligayahan. Iniwan niya ako dahil hindi niya ako mahal. Hindi niya kami mahal.
Kasabay ng pag-alala ko ay tuluyan na ngang tumulo ang aking mga luha. Tuluyan na akong nanghina. Tuluyan ng bumalik ang dating batang noon ay iyak ng iyak dahil iniwan siya. Hindi ko alam kung kakayanin ko, ngayong pati papa ko gusto na ding sumuko.
"Zeke, bumangon ka na diyan! Malelate kana!"
Sigaw na may kasamang malakas na pagkatok. Si papa.
Pinunasan ko ang luha ko saka tumayo para maghanda."Opo, gising na ako, susunod na po ako"
Sagot ko."Bilisan mo."- papa.
Inayos ko na ang higaan at kinuha ang tuwalya saka bumaba. Hindi ko pa naihahakbang ang isa kong paa para sa huling baitang ng hagdan ay tanaw ko na ang nagkalat na upos ng sigarilyo, apat na pirasong bote ng alak at pulutang isaw sa lamesa.
"Mag-ayos kana unang araw mo sa kolehiyo 'di ba? Nakakahiyang mahuli ka sa klase mo. May hotdog dyan at nagsaing na din ako, kumain ka bago umalis at yung baon mo naka patong sa cabinet na blue kunin mo nalang."
Utos ni papa habang inaayos niya yung loob ng bag niya. Naghahanda para sa kanyang trabaho.Isang driver ng bus ang papa ko. Kumakasya naman ang kinikita niya sa pamamasada para sa aming dalawa. Hindi narin naman problema ang tuition ko sa school dahil scholar naman ako at makakatanggap ako mula sa paaralang papasukan ko ng allowance. Yung perang binibigay ni papa ay para sa pamasahe ko araw araw.
Bumaba na ako buhat sa hagdan at iniligpit ko muna yung mga nakakalat sa mesa.
"Pa, kailan po ba kayo titigil sa pag-inom at paninigarilyo?" Tanong ko habang dinadampot ang bawat upos ng sigarilyo.
"Hanggang sa mamatay ako." -.papa.
Lumabas na siya at naiwan akong nakatayo na may hawak na bote sa dalawang kamay at tinatakam ang mga salitang kanyang binitawan.
Ibig bang sabihin iiwan niya rin ako katulad ng ginawa ng nanay ko? Kailangan kong patigilin si papa sa pagbibisyo. Pero paano ko gagawin iyon kung siya mismo ay ayaw mahinto ito.
Bahala na. Yan nalang ang naisip ko.