Clyde POV.
"HAHAHAHA KAWAWA ANG PANGIT NG NANAY KULANG NG ISANG MATA"Sigaw at tawanan ang palaging naririg ko twing papasok ako ng Eskwelahan,Halos araw araw nila akong Binubully tungkol sa nanay ko.Palagi nalang,kung bakit pa kasi Bulag Ang isang mata ng nanay ko eh,Kung sana maayos lang ang mga mata nito ay Di sana ako Binu bully ng mga kaklase ko.Kasalanan to lahat ni Nanay eh.
Pagka uwi ko sa bahay namin ay nakita ko agad ang Taong pinaka iinisan ko ang Nanay ko,Kung bakit pa kase Si Tatay pa ang Namatay at hindi si Nanay.Hmp.
"Anak kamusta ang Eskwela?"tanong Sakin ni nanay pero imbes na Sumagot ay Tinalikuran ko lang ito at pumasok ako sa sarili kong Kwarto.Galit ako sa kanya.
Nagtapos ako ng High School na ganon ang Pakikitungo sakin ng mga Kaklase ko,Palaging pinagtatawanan,At palaging Binubully Di ako lumalaban dahil miski ako ay naasiwa sa Nanay ko.Lumipat kami ng bagong matitirhan,dahil pinalayas na kami ng May ari ng dating Bahay na Inuupahan namin.Ang alam koy Isang Factory Worker ang Aking Nanay.
"Nay wag kang pupunta ng School namin"Sabi ko sa Nanay ko
"Bakit namn?"Nagtatakang tanong nya
"Dahil siguradong pag nakita ka nila ay walang Katapusang Kutya nanamn ang Dadanasin ko tulad ng akoy High School"Diretsong sagot ko
"Geh anak pumasok ka na"Sabi ni Nanay nakita ko namn na Parang Nasaktan sya sa sinabi ko pero Hinayaan ko nalng Pake ko ba Sakanya??
Sayang saya ako ng MagTapos ako ng Kolehiyo sa Course na Engr.Laking Pasasalamat ko dahil di nga pumunta si Nanay sa kahit na Anong Meeting ng mga Magulang sa University at dahil don walang nangungutya sakin.At naging Masaya ang akinG College life di tulad ng akoy High School.Nagkaroon ako ng Maraming Kaibigan.
Naghanap ako ng Trabaho sa Ibang bansa at Iniwan si Nanay na 52 yrs old sa Probinsya namin Bahala sya don.Tapos nya na namn nya akong Mapag aral wala na syang pakinabang sakin..
Di nagtagal ay nakahanap ako ng trabaho.At Bumuo ng Pamilya sa Ibang bansa.Wala akong Komunikasyon sa aking Nanay,minsan naiisip ko Kamusta na kaya sya??Makalipas ang Sampung Taon ay Napagpasyahan ko at ng aking Asawa na sa Piliinas na Manirahan,Dumiretso kami sa dati naming Tirahan Tinanong ko ang mga dati naming Kapit bahay kung nasan na si Nanay Pero laking Gulat ko ng Sabihin nilang Namatay ito Anim na taon na ang lumipas at may Iniwan itong Sulat.'Anak pasensya na kung ng dahil sakin hindi naging maganda ang High School Patawad kung nang dahil sakin palagi kang Binu bully ng mga Kaeskwela mo Patawad kasi Di manlang ako naging isang Mabuting Ina sa iyo,Patawad kung puro Kamalasan lamang ang dinanas mo sa piling ko Anak.Pero may nais akong ikwento sa iyo,Alam mo ba noong bata ka ay palagi tayong namamasyal sa Parke kasama ng iyong ama isang araw nandon tayong Pamilya ang sayasaya natin non,Tapos habang naglalakad tayo pauwi na ay bigla kang tumakbo sa Gitna ng Kalsada kasi may nakita kang pusa ng Kukunin muna ito ay Biglang may Mabilis na Truck ang palandas sa gawi mo Tumakbo namn agad ang iyong Ama mo papunta saiyo at agad kang niyakap At ako dahil sa sobrang Takot ko ay napapikit na lamang ako Nakarinig ako ng malakas na pagpreno ng Truck kaya minulat ko muli ang aking mata sa Pag aakalang Di kayo tuluyang nasagasaan pero nag kamali ako Nasagasaan parin kayo at dahil don Namatay ang Tatay mo at Ikaw ay Naapektuhan naman ang iyong isa mong mata dahil may yumalsik dito na bubog mula sa Windshield ng Sasakyan,Nang dahil don kailangan mong Operahan Isinakripsyo ko ang sarili kong Mata para sayo nais ko kasing mabuhay ka ng Kumpleto ang mga mata dahil alam kong mas lalo kang kukutyain,at nais ko ring mas Makita mo ang ganda ng mundo,Salamat anak patawad MAHAL NA MAHAL KA NI NANAY"
BINABASA MO ANG
NANAY I HATE YOU!
General FictionKwento ng Isang Lalaking Anak ng isang Bulag.He hated her own mother.