Alexis
PAPUNTA na kami sa Dern's. Dern's is a american/filipino restaurant. 24 hours ito kaya wala kaming problema. Dito ang favorite place namin ni J. Dito kami naghahangout lagi.
Eto nga't on the way na kami ron. May car si J at ako. Pero si J ang taya kaya car niya.
Malapit na kami nang makita ko ang magandang city. Matagal tagal na kong di nakakaikot dito. Dahil siguro nga stress, lack of time dahil busy ang aming management para sa bagong ilalabas na puzzle piece.
Ang puzzle na ito ay di ordinaryo. Ito ay pinagawa ng isang di ordinaryong tao. Guess what? Only Prince William lang naman ang nagpapagawa kaya medyo pressure sa management ito.
Ang puzzle na ito ay naglalaman ng detailed na mukha ng kanilang royal baby kaya ganon nalang pressure.
Natapos namin ito kaya less worries na. Naipadala na ito kahapon at iniintay nalang namin ang feedback ng royal family.
"Lalim ng iniisip ah, ikaw ah iniisip mo nanaman ako" Napatawa naman ako sa sinabi niya. James is very naughty also. Seryoso sa work, Makulit sa labas kaya nakakagulat minsan at nakakapagsalita siya ng ganito.
"Hoy! Ang kapal naman, natutuwa lang ako at sa wakas makakabalik na ko ng Derns, at ang masaya pa, libre mo pa." Patawa kong sabi sa kanya.
Patuloy parin ako sa pagsilip sa bintana, napakaganda talaga dito sa Amerika, pero di parin talaga maiiwasan na mamiss ang Pilipinas lalo na't malapit na magpasko.
Gusto kong umuwi dahil 2 years na kong di nakakapagpasko sa Pilipinas. Dalawang taon na kami ni J na nagpapasko dito.
" J, wala ka bang balak umuwi before Christmas?" Pagbasag ko sa katahimikan.
"Gusto ko rin sana, kaso wala sina Daddy nun e, nasa Japan sila that time, kaya wala rin akong makakasama sa Pinas." Ramdam ko ang lungkot sa boses nya. Isama ko nalang kaya to? Tutal hindi nanaman siya bago sa Pamilya ko.
Kilala siya nina Mommy, alam nila na matalik kaming magkaibigan kaya't ok lang naman siguro sakanila yon.
"Gusto mo sa bahay ka nalang namin magpasko? Sa Pinas? Tara uwi tayo! Dun tayo magpasko?" Alok ko sa kanya. Pag pumayag to, tiyak na matutuwa si Lana, ang matalik kong kaibigan sa Pinas, crush niya kasi si J at kinikilig siya pag pinag ha-hi ko si J pag nagfa- Face time kami.
"Ok lang ba? Nakakamiss kasi e, 2 years na ata tayong di nakakauwi no? Haha, nakakamiss din ang hangin ng Pilipinas, chaka balak ko rin puntahan ung mga Pinsan ko sa Palawan, sama ka ha?" Ayan, masaya na ang boses niya, tiyak magiging masaya itong paskong to.
.........
"A? Gising na andito na tayo!" Nakatulog pala ko, teka nga, di to sa Dern's ah, parang ang layo ng narating namin ah.
"Teka? Bat parang ang layo ng narating natin ah! Asan tayo? Hahaha."
" Andito na tayo sa L.A... charot! Andito lang tayo sa bundok malapit sa Dern's no." Natawa naman ako kung pano niya sinabi ang "charot" na un.
Matagal narin kasi naming pinagplaplanuhan na magpunta ng L.A, kaso busy nga kami kaya ayun, ang dami na naming di pa napupuntahan kahit na halos 3 years na kami dito.
Ang dami na naming plano ni J, syempre friendship goals "daw" sabi niya kaya't go nalang din ako at gusto ko rin naman para naman makapagrelax.
Gumising na ko at lumabas ng kotse, kitang kita ko ata dito ang buong new york, ang mga ilaw, at nakakarelax pa lalo ang simoy ng hangin.
" Galing mo talaga J, pano mo naman nadiscover tong lugar na to? Madami kana sigurong nadala dito at nakipag- ano ka ano?!" Pabiro kong sabi sakanya, nakwento niya kasi sakin na fc*boi daw siya dito dati, nauna kasi siya sakin ng 1 year kaya 4 years na siya dito.
"Hoy A! Wala ah, ikaw palang ang nadadala ko rito, dito ako laging napunta pag minsan di ako makatulog, pag namimiss ko family ko, kasi dito, ako lang magisa, nagpapalamig at narerealize ang lahat.."
Napatulala ako sa sinabi nya, parang ramdam ko rin un, parang ngayon nararamdaman ko ang relaxation at the same time reflection sa sarili. Soul searching kung baga.
"Tara! Kain na tayo! Nagugutom na si ako!" Natawa nanaman ako sa pagsabi niya ng Nagugutom na daw siya, san niya ba napapagkuha yan at ginagaya niya.
Bumaba na nga kami ng bundok at nakarating na kami ng Dern's. Wala namang pagbabago, masarap parin ang pagkain.
Dahil nga libre ni J, ay siya nalang ang pinapili ko ng menu, di naman ako pihikan kaya't go lang.
Dumating na nga ung order namin, masaya naming pinaguusapan ung mga plano namin paguwi ng Pinas, ung paglibre nya sakin sa Palawan at iba pa.
Napansin kong biglang nagiba ang awra ng mukha ni J, halong galit at lungkot.
"J... bakit? May nasabi ba kong masama? Hm?
"No no, A, wala kang nasabi, may nakita lang ako."
"Ano yun? Sino?"
"Yung Bestfriend ko lang naman na inasawa ang Nanay ko."
Damn.
BINABASA MO ANG
Complete Me
Teen Fiction"She is my soul; and i can't live without her" - James Marquinez "You are the missing piece of the puzzle, you are the one who completed me" - Alexis Montegracia 09-27-16