Aerielle's POV
Simpleng damit.
Simpleng bahay.
Simpleng mga gamit.
Simpleng buhay lang yung nakasanayan ko simula nung bata pa ko. Hindi naman kami ganun kayaman kaya wala akong karapatang maghangad ng mas magagandang gamit. And kuntento naman ako sa buhay ko dahil sa mga kaibigan ko at pamilya ko.
Maliban nga lang sa sarili ko.
Simula rin nung bata pa ko, never ko pang naranasang may magkagusto saken. Kahit yung mga puppy love na yan? Wala akong naexperience na ganyan.
School- bahay - School- bahay
Yan lang yung naranasan ko sa 15 taon ng buhay ko.
Tama kayo. 15 pa lang ako. Ako nga pala si Aerielle Lim. 4th year high school na ko at nag- aaral ng mabuti. Isa ako sa mga estudyanteng nasa pinakamataas na section sa school namin. Pinalaki kami ng mga magulang ko na dapat nasa top 10 sa klase o kaya naman ay nasa top section sa school namin. Strict sila kung tutuusin pero sobrang bait nila. Naiintindihan ko naman sila dahil gusto lang nila yung makakabuti sa future namin.
And dahil dyan, lumaki akong mahiyain at hirap na makihalubilo sa iba. Pero hindi sa magulang ko yung problema. Nasa sarili ko.
Hindi ako ganun kagandahan. Medyo maitim din ako. Tapos may mga pimples din ako sa mukha. Tapos may pagka nerdy pa ko. Siguro naman alam ninyo na kung ano kalalabasan nun. Common na siyang makikita kahit saan. At yung mga taong yun, sila yung mga taong madalas nalalait at kasama na ko dun. Depende na lang kung marunong magdala ng itsura yung taong yun. Sa kaso ko nga lang, hindi ko siya nadala kaya lumaki akong takot makihalubilo kasi ayokong malait and majudge dahil lang sa itsura ko.
Ordinaryong estudyante.
Hindi sikat at hindi rin naman nalalaos.
Pero ang madalas lang ay kami ng mga kabarkada ko ang madalas ijudge dahil lang sa itsura namin. Sa klase kasi namin, halos lahat sila magaganda at pogi. Eh kami ba? Hindi naman. Simpleng tao lang kami na gusto lang makapagtapos ng pag- aaral at hindi maghangad ng kasikatan sa school namin.
Pero move on na tayo. Baka humaba pa tong kwento sa haba ng kadramahan ko sa buhay.
Sa ngayon, malapit na magseptember. Marami pa kong hahabulin para sa Science Fair namin sa school. September na yun pero hanggang ngayon hindi pa namin alam kung ano yung ilalagay namin ng mga kagrupo ko sa SciFair namin. Nagpatulong na kami sa research teacher namin and napunta kami sa topic na paggawa ng handmade paper gamit yung mga diaper. Corny no? Pero well, kung para sa grade, Go lang ng Go.
"Haaaaaay.."
Napabuntong hininga na lang ako habang nakikinig sa teacher namin sa last subject. Ang dami ko pa kasing iniisip eh. STRESS. Yan lang yung nasa utak ko, sa sobrang dami ng kailangan kong gawin. Pero minsan naman nawawala yan dahil sa katabi ko.
"Baho ah"
"Wow naman ah! Hiyang hiya ako sa hininga mo."
Yung kinausap kong yan, siya yung pinakaclose ko sa barkada namin. Siya si Cielo Cruz. Sa aming magkakabarkada, parang siya na yung tatawagin kong Casanova Princess sa dami ng lalake nyan.
Alam ko na kung ano nasa isip ninyo. Iniisip ninyo sobrang ganda niya tama? Pero halos pareho lang kami. Baka nga mas maganda pa ko eh. HAHAHA. Pero realtalk yan. Siguro dinadaan niya sa mga comedy niya kasi siya talaga yung nagpapatawa saken lagi. And sobrang bait niya kaya siguro maraming nahuhulog sa kanya.
Buti pa siya. Haaaaaaaaaay...
Bukod dun, hindi naman niya nakakasama yung mga lalake niyang yun. Sa text and call niya lang nakakausap yung mga "boyfriend" kuno niya. Kumplikado no? Pero buhay niya yan. Wala tayong magagawa. Dun siya masaya. At saka hindi pa naman siya naiinlove sa kahit isa sa mga lalakeng yun. Trip niya lang talaga. Bad niya no? Pero sa kanila lang, samen hindi HAHAHA.
Minsan nga naiinggit ako sa kanya eh. Sobra. Kahit alam kong mas maganda naman ako sa kanya KAHIT PAPAANO.
Well.
Ehem.
Pero seryoso, buti pa siya nararanasan niya yung feeling na may nagkakagusto sa kanya at saka yung may naghahabol sa kanya. Eh ako ba? Kahit isa wala.
"Beeeeeeeeeeeee! Ang pogi ni TOP!" sabay hampas pa saken nitong baliw na to pagkalabas namin ng room. Kakatapos lang kasi ng klase namin.
Nawala tuloy ako sa iniisip ko. Ano nga ba yun? Eh? Hayaan na nga natin.
Yung baliw na nanghampas saken kanina, isa rin yun sa mga kabarkada ko. And to be frankly, sa aming magkakabarkada, siya yung medyo walang itsura kasi nga medyo chubby siya and maitim din siya gaya ko. And again, same with me, may mga pimples din siya. Pero kahit ganun siya, mahal na mahal naman namin siya ng mga kabarkada ko. Sobrang bait kasi niya. As in SOBRA.
Michelle Rodriguez name niya. Pang pretty no? Pero maganda naman siya. Sobrang ganda ng loob niya. Mas iniisip niya yung iba kaysa sa sarili niya. Kaya sobrang swerte ng taong mamahalin niya sa sobrang bait niya. Kaso nga lang mas mahal niya yung mga korean kaysa sa lovelife. HAHAHA. Maka KPOP tong babaeng to eh. Kaya nga hinampas ako kanina eh. Ang pogi daw ni TOP. LOL. Mas pogi pa ko dun. Tawag ko sa kanya? KPOP Princess. Sa dami ng alam niya sa mga KPOP idols.
Palabas na kami ng school.
Pero pakiramdam ko yung utak ko naiwan dun sa sobrang dami ng kailangang gawin ko mamaya. Walang tulugan to. Hayst.
"Walang forever! Iiwan ka rin nun!" - Michelle
"Magbibreak din kayooooo!" - Cielo
Sobrang ingay ng mga kasama ko no? Ganyan sila kapag nang aasar. And kung curious kayo kung sino inaasar nila, walang iba kundi yung isa pa naming kaibigan.
Athena Marie Jimenez, the Emo Princess. Sobrang tahimik nyan kapag wala sa mood. Tapos siya yung babaeng akala mong laging may red days sa sobrang sunget. Pero kung nasa mood siya, sobrang baliw din nyan tulad namin. Kung naguguluhan kayo sa ugali ko, mahiyain ako kapag ako lang pero kapag kasama ko na sila, you don't know me anymore, sa sobrang laki ng difference. HAHAHA. Balik tayo kay Athena, sa aming apat, siya yung may pinakastable na lovelife. Kung si Cielo iba- iba, kami ni Michelle wala, siya lang yung may pinakamatagal na relationship kahit magkalayo sila nung syota niya. Mahal naman nila yung isa't isa eh. Kaya bahala na sila. Masaya silang ganyan eh.
Tuwing uwian magkakasabay kami lage lumabas. Kahit iba-iba kami ng uuwian, sabay sabay pa rin kami. That's what friends are for. <3
Sa ngayon, ganun pa lang yung story ko.
Simple lang.
Kaibigan at pamilya masaya na ko.
Pero minsan hinahangad ko rin na magkaroon ako ng lalakeng mamahalin ako. Hindi nawawala sa isip ko yun kapag ako na lang mag- isa.
Sobrang saya siguro sa pakiramdam yung may taong laging mag aalala sayo.
Yung taong magpapasaya sayo araw araw.
Yung taong dadalhan ka ng pagkain kapag gutom ka.
Yung mag aalaga sayo kapag may sakit ka.
Yung poprotektahan ka kapag di mo na kaya.
Yung taong sasaluhin ka kapag bumagsak ka na.
At yung taong mamahalin ka ng sobra.
Sa tuwing mag- isa na ko, naiisip ko lahat yan. Umaasa ako na sana dumating na yung taong yun sa buhay ko.
Sa totoo lang, desperada na matatawag ko sa sarili ko eh. Handa ko ng gawin lahat basta may magmahal saken. Babae ako, oo. Pero dahil nga desperada na ko, kahit ako yung dapat hanapin, ako na yung humahanap kasi gustong gusto ko ng magkaroon ng lalakeng mamahalin ko.
Nakakaawa ako no? Wala eh. Lumaki akong walang taong nakaka appreciate saken bukod sa pamilya at mga kaibigan ko. Oo, masaya ako na sila lang. Pero hindi mo maiiwasan saken na maghangad ng ibang kasiyahan na tanging yung taong lang yun makakapagbigay.
Sana dumating ka na. Sana.
YOU ARE READING
Last Teardrop
Teen FictionA story that can give you the true meaning of love, pain, sacrifice and happiness. This story can make you feel the feeling of being betrayed and being loved. You can realize something when you read this story which anyone can relate.