Brianna has every reason to be as cold as ice.
Walang sinuman ang pinapayagan niyang makalapit o maging malapit sa kanyang puso , para na rin walang makapanakit sa kanyang damdamin.
Ngunit nagbago lahat yun ng makilala niya ang isang lalaking magpapabago sa pananaw niya magpaparamdam sa kanya ng isang bagong damdamin, si TALLiS.
Subalit sadya nga yatang mapagbiro ang tadhana , ito rin pala ang lalaking gusto at nakatakdang pakasalan ng kapatid niyang si Odrea.
Pero sabi nga nila kapag gusto mo ang isang bagay o tao gagawin mo lahat makuha lang yun.
Inakit niya ang binata, hanggang dumating na sa puntong kinailangan niyang gawin ang isang bagay upang maging ganap itong maging kanya.
Isang bagay na walang ibang pagpipilian ang binata kungdi pakasalan siya . Isang kasal na punong-puno ng galit .
Makakaya ba niyang tumagal sa isang pagsasamang siya lang ang nagmamahal ? Matitiis niya ba ang pait sa kaalamang siya nga ang asawa ngunit ang puso nito ay pag-aari pa rin ng iba ?