Authors P.O.V
November 2 2002
May isang babae na nagngangalang si jenie, ay nanganganak kasama ang asawa niya na nakakapit sa kanyang kamay"Misis, iri! Kaya mo yan" sabi ng doktor
"Ahhhhhhhhhhh!!" Sabi ni jenie nanganganak. Iniri niya ito ng buong lakas niya.Biglang nandilim ang paningin ni jenie...
Nagising si jenie dahil sa liwanag.
"Nasaan na yung anak ko?" Sabi ni jenie
"O! Gising ka na pala, ito na yung anak natin! Napaka ganda niya noh?" Sabi ng kanyang asawa.Ibinigay na niya ang bata sa kanyang nanay.
"Napaka ganda mo~ ano ba magandang pangalan? Hmmmm" sabi ng babae na nag-iisip ng pangalan ng kanyang anak.
Biglang pumasok ang kapatid ni jenie.
"Pano kaya kung.... stephanie?" Sabi ni jenie
"Ampanget naman! Maganda siguro kung Alejandra Avy Kim! Oh diba parang kasabayan nila Athena o kaya ni Aphrodite" sabi ng kanyang kapatid.
"Pwede! Ang galing mo! Api-" biglang napatigil siya dahil sa nakadikit sa kanyang kamay .
"Wag ka nga muna malikot!" Sabi ng kanyang kapatid.
7 years later...
Avy's P.O.V
Ang ganda naman dito~ wahhhhh! Yung banyo ang gandaaa~ 😍 buti pinatira kami dito ni tita! Awiiiiiiii~ hallo! Ako nga pala si Alejandra Avy kim! Avy nalang! Half korean half filipino~
"Nak, labas ka makipagkaibigan ka sa mga bata" sabi ni mama
"Sige po" nagpaalam ako kay mama
May bata! Makipag kilala kaya ako? Kaso nakakahiya eh. Hmmmm, sige na nga.
"Hello~" bata ko sa batang lalaki
"Hi! Ano pangalan mo?" Tanong niya sakin
"Ako si avy, 7 years young, Philippines. ikaw ano pangalan mo?" Tanong ko sakanya
"Ako nga pala bwi" sabay ngiti niyang sabi.
"Anla. Ang cute naman ng pangalan mo. Hihihi" sabi ko sakanya
"Cute naman talaga ako eh" sagot niya sabay pogi sign. Ew.
"Hindi ka ba nandidiwi sa thinabwi mo?" Sabi ko sakanya. Ang hangin niya kasi eh.
"Halikan kita dyan eh" sabi niya habang palapit siya ng palapit sakin.
"MAMAAAA! MAY RAPIST OH!" sigaw ko para lumayo sakin yung rapist na yon.
"Hoy! Hindi ako rapist. Di ka naman maganda" sagot niya.
Pakiramdam ko wala ako sa tamang katinuan. Gusto ko siyang sapakin. Bigla nalang lumapit si mama at ang nanay ni bwi na may gulat sa kanilang mga mata.
"Bakit mo sinuntok yung bata, anak?" Tanong sakin mama.
"Ah- eh muntik niya na akong marape eh" sabi ko habang umaarteng kunyari umiiyak ako.
"Ano?! Hindi yan magagawa ng anak ko!" Sabat nung nanay ni bwi
"Pasensya na po. May saltik kasi sa utak tong anak ko eh"
Lumuhod sakin ang nanay ni bwi.
"Wag mo ng gagawin yun ah. Masama yun" sabi niya sakin sabay ngumiti. At dinala si bwi pauwi ng kanilang bahay.
Hinila na ako ni mama papasok ng bahay namin. Anla? Baka sermonan na naman ako. Huhu
"Bakit mo naman sinuntok yun alejandra?!"
"Sorry, ma"
"Oh siya sige tumuwad ka" anlaa di ko naman sinasadya eh
"Tuwad?"
"Oo. Tuwad. Babalik ako saglit lang" umalis si mama para kunin yung tsinelas na ipapangpalo sakin.
Dapat makatago ako. Ayaw kong mapalo. Huhu. Saan ba ako pwede magtago? Ah, kung sa aparador kaya?
"ASAN KA NA?!" Sigaw ni mama. Huhu. Naiiyak na ako.
"Lumabas ka diyan" rinig siguro hanggang kabilang bahay yung sigaw niya.
"Lalabas ka o lalabas ka?" Nagulat ako bigla nung binuksan ni mama ang aparador.
"Mama, di ko nama sinasadya eh. Huhu"
"Hay nako. Wag mo ng uulitin yan. Nako masama yan"
"Opo"
---
Author's P.O.V"Ma, saan ako mag-aaral?" Tanong ni avy sa kanyang ina.
"Sa clark horrison school mag-aaral kasi nandon din naman si bwi" sagot ng kanyang ina
"Maganda ba dun?" Tanong ni avy.
"Oo naman, nak"
---
Ilang taon narin ang lumipas. At naging magkaibigan sila bwi at avy. Para silang naging magkapatid. Umaga, hapon, at gabi. Walang sawa sa paglalaro. Sabay na silang lumaki.
" Noo, may ibibigay sana ako sayo" hindi pinapahalata ni V na kinakabahan siya.
"May ibibigay lang ako sayo" dugtong pa ni V sabay abot kay Avy ng isang papel
"Ano to, supot?"
"Hindi mo ba alam kung ano yan? Nakaka awa ka naman" pilosopong sagot ni V
Pano kung death threat to? Baka naiingit na siya sa kagandan ko? Anla pano na 'to? Mababawasan ng maganda sa mundo. Sa isip ni Avy
"Nabasa mo na?"
"Ah-eh ha ha sa bahay ko nalang babasahin " Ano ba dapat kong sabihin?
"Ah sige sige" sabi ni v.