Crush Stories

20 0 1
                                    

"Nilisang Tagpuan."

Nakita kita
Sa lugar na madalas natin puntahan noon
Nakatayo ka, parang may hinihintay.
Nilapitan kita at tinanong,
"Hello, kumusta ka na?"
Nagulat ka nang makita mo akong nakangiti sa'yo.
Sumagot ka't nagtanong,
"Ayos lang ako. Bakit ka napa-rito?"
"Bakit ako ang tinatanong mo? Alam mong noon pa, madalas na 'kong mamalagi rito.", aking sagot.
Wala kang imik, habang nakangiti pa rin ako sa'yo.
Walang pa rin kupas ang 'yong kagandahan,
Nakakatunaw pa rin ang iyong ngiti.
"Simula nung araw na sinabi mo sa'kin na hindi mo na 'ko mahal, dito mismo sa lugar kung nasaan tayo. Araw-araw pa rin akong pumupunta dito. Umaasa na baka isang araw, bumalik ka at sasabihin mo sa'kin na mali ang naging desisyon mo.",dugtong ko.
Tinignan mo 'ko sa'king mga mata at nagtanong,
"Pagtapos ng mahabang panahon?"
"Oo......"
Nang biglang may tumawag sa pangalan mo.
Isang lalaki.
Matipuno.
Gwapo kung ikukumpara sa'kin.
Pinakilala mo siya, "Si ____ nga pala, boyfriend ko."
Nagmamadali siya at niyaya ka na niyang umalis.
Nagpaalam ka na.
Nagpaalam ka na naman.
Sa pangalawang pagkakataon,
Sa mismong lugar kung saan mo 'ko iniwan noon,
May kasama na ngayon,
Habang pinapanood kitang lumakad papalayo
Habang kasama mo siya
Hawak ang 'yong kamay,
Na minsan ko rin naranasan.
Wala akong ibang naririnig kundi ang lakas ng tibok ng aking puso.
Ang ating tagpuan,
Ngayon ay inyo nang tagpuan
Pero okay lang.
Nakita ko na masaya ka,
Nawala na ang lungkot sa'yong mga mata na nakikita ko noon kapag hinahalikan kita.
Mas lalo ko napag isip,
Na tumigil na,
Sa paghihintay,
Dito sa ating tagpuan
Sa paghihintay,
Sa'yong pagbabalik at...
Sa paghihintay sa panahon.
Sa panahon ng pagharap sa natitirang pag-asa na baka puwede pa.
Baka puwede pa.

Hindi ko man lang natapos ang sasabihin ko noong nagkita tayo doon sa dati nating tagpuan.
Ngayon tatapusin ko.
Sana mabasa mo.

"Oo......
palagi akong nandito. Palagi akong naghihintay dito.
Palagi akong umaasa na baka dumating ka kahit wala naman tayong napag-usapan
Dahil wala na nga.
at kung darating ka...
Handa akong patawarin ka.
Handa akong kalimutan lahat ng masasakit mong nagawa.
Handa akong mahalin ka nang mas higit pa.
Handa akong paulit-ulit na masaktan, basta ikaw ang gagawa.
Ang tanga ko, 'di ba?
Pero wag mo nang intindihin at isipin pa
dahil nagbago na,
Nagbago na dahil hindi ko na naramdaman na kailangan pa kita at kailangan mo pa 'ko.
Nagbago na nang makita pa kita,
Na masaya na sa iba.
Na kaya mo pa rin lumakad papalayo sa'kin nang di lumilingon pabalik.
Nagbago na, nang hindi ko na nakita ang lungkot sa'yong mga mata nang makita kita.
Wala nang dahilan para maghintay pa 'ko.
Hindi ako masaya dahil masaya ka na.
Masaya na 'ko dahil nalagyan na ng sagot ang mga tanong.
Salamat dahil ginawa niyong tagpuan ang ating naging tagpuan.
Salamat at nakita kitang muli.
Sa ating naging Tagpuan.
Ngayon wala na 'kong dapat pang hintayin
Sa ating Tagpuan.
Dito sa ating tagpuan."


Hayaan mo muna ako...
Hayaan mo akong mahalin ang sarili ko.
Hayaan mo muna ako...
Hayaan mo akong hanapin ang sarili ko.

Hayaan mo muna ako...
Hayaan mo akong magmahal ng iba
Hayaan mo akong magmahal ng hindi ikaw ang iniisip
Hayaan mo akong maging madamot 'pagkat nais kong ipagdamot sa'yo ang pagmamahal na noon ay kusang loob kong inaabot sayo.

Nais kong makalimutan ka.
Nais kong hindi ka na maalala, maging ang mga alala ng kahapon.
Nais ko na maging isa na lamang itong masamang panaginip.
Nais kong magkita tayo sa dulo ng daan na pareho tayong masaya at may ngiti sa labi kahit na hindi tayo ang magkasamang tumahak nito.

Pero huwag kang mag-alala...
Hindi ko pinagsisihan ang tayo.
Hindi ko sinumpa ang noong tayo.
Hindi kita sinisisi.
Hindi ako galit.
Wala akong sama ng loob.
At higit sa lahat, Magiging Masaya ako...


  Nagkakilala,
Kinaibigan,
Nahulog,
Sinalo,
Minahal,
Nahulog,
Naiwan,
Nasaktan nga ba talaga?
O ninanamnam mo ang nilaga?
Lutong dala-dala ng 'yong amiga,
Babad sa lason, babad sa pampurga.
Kutsara, platong pampulutan ay sisig,
Pitsel, baso, alak, at chaser na tubig;
Pait ng kwento galing sa mga bibig,
Pagliliyab ng mata sa bawat titig.
Mga sarili ay di na naririnig,
Binalot na ng poot at panginginig.
Umiyak at nagluksa ngunit saglit,
Pagkat matagal mo ng iwinaglit.
Pagganti ay nilimot, pero bakit?
Impluwensya, puso'y nabalot sa inggit.
Dati-rati'y pag-asa mo'y galing sa langit,
Ngayon, gusto mo ng mahawa ng sakit.
Nadapa,
Bumangon,
Tumingala,
Nangarap,
Lumutang,
Lumipad,
Nagtagumpay,
Ngunit sa pagtupad ay may nakikisabay;
Sa bawat kampay mo'y kagat ka ng anay.
Mas galit pa sa'yo, talo pa ang 'yong nanay,
Sa ginagawa mo, naaaliw lang silang tunay.
Doon ka sa kilala ka, at sa'yo'y magpapangat,
Huwag sa talangka, na sa'yo'y magpapabigat.


  Sa pagbitaw mo sa kamay ko, binitawan mo na rin ang mga pangako natin. Ang mga pangarap natin, mga pangarap at pangakong alam kong hindi na natin matutupad ng sabay. Binitawan mo ang mga katagang pumatay sa puso ko, "Pwede nating tuparin ang mga pangarap na pinangako nating gawin. Sa iba"


  Akala ko may nararamdaman ka na sakin.
Akala ko mahal mo ako.
Akala ko nahulog ka na rin sakin.
Pero sa huli, AKALA lang pala yon


  Kapag masakit na talaga..

Pagisipan mo kung bakit ka nagii-stay pa rin.
Kung dahil sa love pa ba? O fear of losing someone?
At oo, magkaiba yun.


  I have a boy. I have a friend. UGH! Walang ganun!   I have a friend. I'm in the ZONE. UGH! Masaket!


  Sa paglipas ng panahon, isa lang ang natutunan ko. Pahalagahan ang nandyan, at kalimutan ang nang-iwan.  


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 22, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Crush HugotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon