Sige

1 0 0
                                    

Eto na

Bibitawan na kita.

Kung yun ang magiging dahilan ng ngiti sa 'yong mukha

Ng saya sa 'yong mga mata.

Sige, bibitawan na kita

Kung dun ka magiging masaya

Kung mabubuo kang muli sa piling n'ya.

Hindi na ako mag aalinlangan

At bibitawan na kita.



Oo, masakit. Sobrang sakit.

Pero mas masakit kung kasama mo yung taong mahal mo

Pero alam mong pilit.



Kaya sige, maglakad ka na.

Maglakad ka na palayo sa akin.

Yung kahit mga mata ko

hindi ka na kayang tanawin.




Sige na, lumayo ka na.

Hangga't hindi pa tuluyang lumalabas aking luha.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 27, 2016 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Untold Feelings: Unspoken WordsWhere stories live. Discover now