Prologue

16K 211 123
                                    

I dedicate this Prologue to my friend, ThisIsRajuma. Read her story.. kikiligin kayo sa kakatawa.  Click niyo lang sa external  link sa may right side. :)

 First Time to write a story.  I hope you'll like it.  Goodluck sa akin.XD

♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥

Prologue

" Okay lang na madaming crush basta isa lang mahal mo. "

'Yan ang palagi kong sinasabi sa mga kaibigan ko tuwing sinasabihan nila ako na madaming daw akong crush.

Ano nga ba ang ibig sabihin ng crush

Ang alam ko lang ay ito ung tipo ng taong hinahangaan mo dahil magaling siya sa ibang bagay, may talento siya o dahil sa isang simpleng dahilan na gwapo siya.

Oo. isang paghanga lang ang crush. Paghanga lang... pero bakit sa dinamidami ng crush ko iba ka sa kanila?

masaya ako kapag kasama kita,

nag-aalala ako kapag nagkakasakit ka,

hinahanap-hanap kita palagi dahil gusto kitang makita,

hindi ako nakakapagfocus sa ginagawa ko dahil laging ikaw nasa isip ko.

at higit sa lahat

nagseselos ako kapag may kausap kang iba.

Oo, iba na tong nararamdaman ko para sa kanya pero kailangan kong pigilan kung anuman sinasabi ng puso ko dahil alam ko naman na may iba na siyang nagugustuhan.

Hi. Ako nga pala si Princess Sabrina Perez. 16 years old isang freshman college student at nag-aaral ng Doctor of Veterinary Medicine. 

N.B.S.B. ako or No Boyfriend Since Birth.

Hindi ko pa nararanasan magmahal kaya hanggang crush lang ako. Kaya nga madami akong crush eh. 

Sabi nila masaya daw magkaboyfriend kasi may inspirasyon ka.

At sabi naman ng iba panggulo at nakakasira lang sila sa buhay natin.

Tanong ko:

Masaya bang magmahal?

Masaya bang magmahal sa isang taong alam mo na mahal ka din niya hindi bilang isang kaklase o kaibigan kundi isang espesyal na tao at bahagi ka na niya sa kanyang puso?

Mararanasan ko din yan. Maghihintay lang ako dahil naniniwala akong

True Love WAITS.

CRUSH is an unexplainable meaning because you are the one who can explain it in your own words.

♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥

It's only a CRUSH but you call it LOVE (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon