Chapter 3 - Thinking of you.

3K 82 26
                                    

WHAHAHA. Sorry super duper tagal ko magupdate. >.< pero nainspire ako nung may nagadd sa reading list ng story ko kaya eto na ung next chapter. :p

 Dedicated to LoveSamson >:D< sa kanya po ako nainspire para magupdate ng story. :)))

♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥

Chapter 3 - Thinking of you

"Girlfriend" -kevin

Sabrina's P.O.V.

Nagtilian ung mga nakapalibot na istudyante samin. Napakachismosa naman nila nakakahiya tuloy. Sila Ella, Jessy at Racquel nagulat sa sinabi ni Kevin.

"HA?! Uhm." natigilan ako sandali dahil hindi ko pa din alam kung bakit kelangan nea sabihin un. May gusto rin kaya sya sakin? Aw. :""> kinikilig ako.

"hm. Oo, Pwede ba?" ay syemaaay. Ano ba ung sinabi ko. Nadala na ako sa emosyon ko at hindi ko na inisip ang pride ko.

Lumapit sya sakin at bumulong sa kaliwa kong tainga. Eto na ba yun? Hahalikan na nya ba ako sa pisngi. Wala na ako pakialam kung nakatingin sila sa amin. basta kinikilig ako ngayon. 

" Biro lang. Sige pinapatawad na kita sa ginawa mo sakin. Quits na tayo" then nag-smirk sya.

Naglakad na sya palayo habang ako napinagmamasdan lang siya. Bwisit yun. Nagsimula ng magtanungan yung mga taong nasa paligid ko kung ano ang ibinulong sa akin ni Kevin.

"Sabrina! Anong sabi sayo? Kayo na agad-agad?! Walang kahirap-hirap?!" tanong ni Ella.

Hindi ko siya pinansin dahil sa inis ko naisip kong pigilan sya sa paglalakad. Kinuha ko ung sapatos ko at binato ito sa kanya.

"BOINK*

"Ay Sht!" Napahawak sya sa ulo niya at humarap sa akin.

"Problema mo?"

"Ako wala, ikaw ang meron!!" lumapit ako sa kanya at kinuha ung sapatos ko.

"Kaya ka siguro hindi pinapansin ni Erica dahil sa ugali mo!" ngumiti lang sya ng nakakaasar sa sinabi ko.

"Hindi totoo yan. Actually, we're dating."

Nalungkot ako bigla sa sinabi niya. Hindi ko alam kung bakit pero sumakit ung puso ko. Alam ko namang wala na ako pagasa sa kanya.

 "Kelan pa?" tanong ko.

"Bakit interesado kang malaman? Mind your own business!"

 Umalis na sya ng tuluyan at ako? Naiwan sa gitna ng corridor pinagtitinginan pa din ng mga istudyante.

"Sabrina!" sigaw ni Jessy, Ella, at Racquel.

"Sorry ah. Dahil samin nagaway pa kayo ni Kevin" sabi ni Ella na halatang halata ko sa mukha niya na nag-aalala siya sakin.

"Bakit ka nagsosorry? Buti nga un at alam na ni Sabrina ung totoong ugali ni Kevin dba Sabrina?" sabi naman ni Racquel.

"Hindi. Okay lang ako. Baka badtrip lang sya kaya sya masungit. Kasalanan ko din naman eh. Haay." napakatanga ko talaga.

"Uy hindi ah! Wag ka nga magisip ng ganyan. Sabrina, iba na yan ah. Gusto mo na ba sya?" tanong ni Jessy.

 "Ano? Hindi ah. Crush ko lang sya. Crush lang dahil marunong sya sumayaw.period." 

Grabe nabigla ako sa tanong ni Jessy ah. Hindi naman talaga eh. Hindi. :0

♥~♥~♥

Kevin's P.O.V.

Habang paalis na ako bigla nalang may tumama sa ulo ko. Sapatos pala ni Sabrina.

"Ay Sht!" napahawak ako sa ulo. Takong kasi ng sapatos nya ung tumama sa ulo ko eh.

"Problema mo?"

"Ako wala, ikaw ang meron!!" lumapit sya sakin para kuhanin ung sapatos na binato nya.

"Kaya ka siguro hindi pinapansin ni Erica dahil sa ugali mo eh!" Nasaktan ako sa sinabi nyang un alam ko namang wala akong pagasa kay Erica e. Bakit kelangan pa nya ipagsigawan.

 Nakakainis talaga. Sasabihin ko nalang na we're officially dating na kami kahit hindi. Pero ipapakita ko sa kanya in the future na masaya kami ni Erica as a couple. Hindi ako susuko sa kanya. Mahal na mahal ko sya.

"Hindi totoo yan. Actually, we're dating."

Nakita kong nalungkot sya sa sinabi ko. Problema ng babaeng ito.

"Kelan pa?" tanong nya.

"Bakit interesado kang malaman? Mind your own business!" 

Tinapos ko na agad ung usapan baka lumala pa eh. Ang dami tanong hindi naman kami close.

Nakauwi na ako ng bahay. Hindi na ako kumain, nawalan na ako ng gana sa nangyari kanina. 

"Hindi daw ako pinapansin ni Erica ha? Papatunayan ko sa kanya na hindi totoo mga sinasabi niya."

♥~♥~♥

Sabrina's P.O.V.

Maaga pala pasok bukas makatulog na nga. Humiga na ako at pinikit ang aking mga mata pero isang oras na ang nakakalipas hindi pa rin ako makatulog. Lagi lumilitaw ung image ni Kevin sa isipan ko. O.o

 "Okay. Tama na! Matutulog na talaga ako." 

(0.-)

(-.-)

(-______________-)

(>______<)

(O___________O)

"Kyaaaaaa! Ayaw magpatulog ni Kevin!" tumayo ako sa pagkakahiga ko at umupo sa bed ko.

"aish. Makapagfacebook na nga lang muna." kinuha ko ung laptop ko sa may table ko at binuksan ito.

Connecting Wifi...

Pagkalog-in ko sa FB ko, si Kevin agad nakita ko sa home ko. Nagstatus sya.

"Thinking of you.."

kdie. Dapat hindi nalang ako nagFacebook kung ganito lang bubungad sakin. Alam ko naman si Erica un eh.

"5 minutes ago?" aba online pa sya. Bakit kaya gising pa to.hmp. Baka kachat niya ung Erica na un.

hmm. Wait ano kaya itsura nung Erica na yun? Search ko kaya sa Friends ni Kevin...

♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥~♥

ayan. Ang curiousity ni Sabrina lumarga na naman. XD hanggang dito muna. :)) maikli ba? may part 2 pa po yan ah. :))) medyo busy lang po sa school eh. ^__^

libre po magsuggest kung ano gusto nyong next na mangyayari. THANK YOU. 

Vote and Comment if you like. Feel free. :)

It's only a CRUSH but you call it LOVE (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon