EKSENA

8 0 0
                                    

Nang una kang makita at makilala ay parang isang eksena sa pelikula.
Ang aking puso ay di maawat sa pagtibok - pagtibok na animo'y parang gustong kumawala mula sa aking dibdib.
Para bagang may isang ilaw na nakatutok para lamang sa iyo na naging sanhi ng aking pagbibigay atensyon.
Parang eksena sa Romantikong pelikula na pagkakita ng mga bida ay ang paligid ay parang nagslow-mo at ang oras ay tumigil.

Makalipas ang mga araw at tayo ay nagkamabutihan at binigkas mga salitang gustong marinig mula sa isa't-isa.
Ang pagpapahayag sa mga damdamin na matagal na itinago mula ng unang magkakilala.
Ang aking kasiyahan ay naguumapaw sa tuwing tayo ay mgkapiling di alam kung ang kasiyahang ito ay dapat bigyang kahulugan o etiketa ang ating magkaayon na pangunawa.
Ako'y naging kuntento sa kung saan at anung meron tayo.

Ngunit gaya ng isang isang storya ang kasiyahang iyon ay panandalian lamang dahil ika'y kailangang lumisan!
May lumbay at pagaalinlangan akong nadama nang ikaw ay tuluyang lumisan na.
Ang mga araw na wala ka sa aking piling ay puno ng takot at alinlangan.
Ang syang tanging pinanghahawakan ko lamang sa iyong paglisan ay ang pangakong ang pag-ibig ay di magbabago at muling magbabalik sa aking piling.

Nang mabalitaan ang iyong pagbabalik, masayang tumakbo-mabilis na tumakbo upang makarating agad sayo.
Ang akala ko'y masayang pagtatagpo ay isa palang masalimuot na eksena.
Ang pagtatagpo na aking mataimtim na hiniling kay bathala ay puno ng pananabik.
Ngunit ang aking nasaksihan ay isang mapait at masalimuot na eksena.
Ang mga bisig na dapat ay saakin nakapalibot at mga matang puno ng pagmamahal na dapat ay sa akin nakamasid ay sa iba nakatuon.
Madaming katanungan ang paumalibot sa aking isip.
Anong nangyari sa atin Irog?
Ang mga matang puno ng pagmamahal na sa akin lamang itinutuon dati ay wala na!
Na sa iyong pagbabalik ang mga braso na dati'y sa akin nakapalibot nagbibigay lakas at nagaalis ng pagduda ay nasa iba na nakapalibot.
Ang akala'y sa iyong pagbabalik ang Huling Yugto ng ating Storya ay TAYO ang bida.
Bakit ngayon ang aking nasaksihang eksena ay IKAW at SYA???
Irog, saan na ang pangakong ang Pag-ibig ay di magbabago???

POEMS-TULAWhere stories live. Discover now