Prologue

8 2 1
                                    


Prologue

Andito ako ngayon sa park. Im sitting down on the bench while watching two kids play. Naglalaro sila ng may babae at lalaking may edad na ang tumawag sa batang lalaki. Lumapit naman siya sa kanila. Niyakap siya ng daddy niya at hinalikan sa noo.



Napangiti nalang ako. Ano kaya ang feeling na magkaroon ng anak? Masaya? Nakakapagod? I dont really mind. Basta masaya ako pag nakakakita ng masayang mga bata.



Nakita kong nagpaalam na yung batang lalaki dun sa batang babae. Ang cute lang. Kasi kiniss niya pa talaga sa cheeks. Parang alam ko na ang future nila ah. Childhood lovers. Hehe.


Nang makaalis na yung batang lalaki at mga magulang niya, dumating na yung kanina ko pang hinihintay. Ngumiti ako ng pilit.


"Sorry I was late. Traffic kasi eh..." Lie. Another lie. Paano magiging traffic kung kanina pa maluwag ang daan? Kita ko mula dito ang kalsadang walang masyadong sasakyan ang dumadaan. Nasa center ng Manila ang traffic, malayo yun dito. Kaya paano siya matatraffic. I sighed mentally.




"Okay lang. Kararating ko lang din naman." Actually no. I waited for 1 and a half hour.



Napabuntong hininga naman siya at napaiwas ng tingin sakin. I smiled bitterly. Alam ko na ang sasabihin niya. Ano pa bang bago?



"Babe, let's break up. I'm tired of this relationship." I grinned widely at him.



"Okay." Sabi ko nalang at tumayo na. I smiled sweetly at him before saying, "Haha! Nakakapagod naman talaga ang relasyong to. Pagdate natin, maghihintay ako ng tatlong oras. At pag break natin, an hour and a half. Nakakapagod talaga." Umiling ako at naglakad na palayo. Kasi tumulo na naman ang luha ko.



Ano ba yan! Makikipagbreak na nga lang, tatawagin pa akong babe! Psh! Makapal din ang mukha. Tired daw? Ako pa niloloko niya? Eh alam ko namang may iba siya.



Four months kaming nag tagal and I know two months after our relationship meron nang sabit. Hindi ko lang sinabi. Baka kasi natukso lang diba? Pero mali ako. Kasi hanggang ngayon, nagkikita pa rin sila.



Paano ba yan Keira Soo? Your heart now has 7 scars. Kaya pa ba?



Sana nga...



• • • • • • • •

Erkey. Another worthless story. Pag may kwenta paki vote naman T^T. Pag wala, edi wag! NYAHAHA!

A Heart Full Of ScarsWhere stories live. Discover now