Day 1
"Oh eto pa! Dalhin mo 'to!" Sabi ni lola sabay lagay ng isang plastic ng pan de coco sa bag ko. Ito pala yung binili niya kanina sa bakery.
5 na ng hapon, maya-maya lang aalis na ako papuntang airport. Mahirap na malate no. Mamayang 10pm na yung flight ko papuntang Korea.
K-O-R-E-A!!! Oo tama kayo ng basa.
Nanalo ako ng 5 days Trip to Korea sa sinalihan kong raffle sa grocery store. Binigyan nila ako ng roundtrip plane ticket tapos free na yung hotel plus may free na din yung food sa hotel, at merong 20k na pocket money.
Actually, tatlo kaming nanalo, yung isa, trip to Singapore. Yung isa naman, trip to Hongkong. Sana trip to Hong Kong nalang ako. Eh kasi naman, meron kayang DisneyLand doon! Sayang!!! Pero okay na din, maganda din namans siguro sa Korea. May maganda kayang lugar dun? Hmm? Eh kasi nakikita ko sa mga drama, mga tao lang ata yung magaganda dun eh, hindi naman yung lugar. Tss.
"Angela! Tara na! Naghihintay na yung taxi sa labas!!!" Tawag ni Lola. Taxi? Tumawag na siya ng taxi? Eh mas excited pa yata 'tong si lola kesa sa'kin eh. 'Di naman siguro masyadong halata. Akala mo siya yung aalis eh no?
"Mag-ingat ka doon ha? Tsaka eto limang libo, pandagdag mo sa baon mo." Sabi ni lola sabay abot sakin ng pera. Kakababa lang namin ng taxi dito sa airport. Hinatid niya kasi ako.
"La, wag na po. Sa inyo nalang yang pera. Okay? Mag-iingat ako, promise! Babye na La!" Kiniss ko si lola sa noo tapos naglakad na ako papasok ng entrance habang nagwawave sa kanya.
Kung nagtataka kayo kung bakit si lola ang kasama ko, ganito kasi yan...
Yung nanay ko, namatay nung pinanganak niya ako. Bale si lola, nanay siya ng nanay ko. Yung tatay ko naman, nagpaalam daw para magtrabaho sa ibang bansa tapos hindi na daw nagparamdam. Nalaman nalang ni lola na may iba na palang pamilya yung tatay ko nung time na hinanap niya yung tatay ko noon kasi magsisimula na akong mag-aral.
Sa awa ni papa God at sa araw-araw na pagnonovena at pagrorosaryo ni lola, eto ako ngayon... dalawang taon nalang, gagraduate na ako sa college. Buti na lang, grumaduate akong Valedictorian sa highschool kaya full-scholar ako ngayon sa college. Tsaka malakas din yung kita ng Sari-sari store at karinderya ni lola no, kaya madami-dami din akong pambaon minsan. Hahaha!
"Angela Velasco." Sabi nung babaeng nagbibigay ng boarding pass.
"Opo." Sagot ko.
*
After...uhm...um...ilan ba? 6 kasi kanina nasa airport na ko tapos 10 na. Okay, after 4 hours, boarding time na!
WAAAAH IM SO EXCITED AND I JUST CAN'T HIDE IT!
"We have just landed at Incheon International Airport." Dinig kong anunsyo ng Stewardess.
Haaay nakakaantok! *yawn* kakagising ko lang kasi. Natulog lang ako simula kanina. Eh pa'no ba naman, first time kong makasakay sa eroplano HAHAHA ayun nahilo ata ako, hindi ko napansin na nakatulog ako. Buti saktong nagising ako nung nagland na yung eroplano.
Nagpunta muna ako sa Money Changer dito sa airport para papalitan yung pera ko ng Korean Won.
WAAAAAAH WAIT LANG!!! Umupo ako sa tabi tapos binuhos ko yung laman ng bag ko, tapos kinalkal ko na din pati yung maleta...
DITO KO LANG NILAGAY YUN EH!!!
HALA SIGE KALKAL!!!
EH BAKIT GANUN?
BAKIT WALA?! T____T
WAAAAAH!!! hala bakit pumapatak na yung luha ko? Eh kasi naman!!! Ang alam ko, dito ko lang nilagay yun sa bag ko. Yung pera ko!!! Waaaaah nakalagay pa yun sa puting envelope eh!!! Waaaaaaah!!! NAWAWALA YUNG ENVELOPE!!! WAAAAAH! DUN NAKALAGAY YUNG PARANG STAB NA IPAPAKITA PAG NAGCHECK-IN SA HOTEL EH!!! WAAAAH SAAN AKO MATUTULOG NITO?! WAAAAAAAAAAAAAH!!!
BINABASA MO ANG
12 Hearts For Christmas (hiatus)
FanfictionWhat if you'll get stuck inside EXO's dorm for 5 days? Pero ang buong akala mo, mga normal lang silang tao na sadyang biniyayaan lang ng bonggang X and Y chromosomes ng kanilang mga magulang. Paano kung mainlove ka sa...hindi lang isa, hindi lang da...