At Last (2) - ThomAra

1.1K 49 2
                                    

ARA'S POV

"Thalia, Francis, go to tita Mika and tita Carol muna sa labas." Sabi ko sa kanila.

Francis: But mommy pano po yung check-up?

Me: Later na baby, I'll talk to the doctor muna.

Lumabas narin sila ng room and then ni-lock ko yung pinto para walang sagabal. Hindi ko aakalain na ngayon agad kami magkikita, hindi ko nga alam kung anong sasabihin ko eh.

"T-Thomas.." Nagulat ako ng bigla niya ako yakapin. Naramdaman ko naring umiiyak na siya dahil sa mga luha niyang bumabagsak sa damit ko.

Thomas: Ara, where have you been? I looked for you everywhere! A-and then please explain k-kung bakit Torres yung mga batang yun? Ba't ka nila t-tinatawag na mommy?

Maybe eto na nga yung tamang pagkakataon para dito..

Me: Thomas. Anak natin sila. Remember that night? Yes, nagbunga siya sa kambal. I-I'm sorry kung hindi ko sinabi sayo at iniwan lang kita sa ere.

My tears are starting to form..

Me: K-kasi natatakot ako, hindi na nga ako tinanggap noon ni mama at baka hindi mo rin ako matanggap kasi diba usapan natin na engage palang dapat tayo nun? Maghihintay pa tayo ng years after ng kasal? At baka rin kasi hindi mo sila panindigan.. I-I'm so sorry. (sniffs) Pero okay na kila mama ngayon.. Naghihintay lang kasi ako ng tamang oras para masabi ko sayo.

Me: Nung nasa Australia kami? Hindi naging madali para sakin yun. Kasi w-wala ka sa tabi ko, kada araw namimiss kita.. Nam-miss ko presence mo. Minsan nga n-naiisip ko pa. Mapapatawad mo kaya ako? After kitang iwan? Kahapon umuwi kami kasama si Mika at Carol kasi nagpplano na ako na kitain ka para masabi ko ang lahat, hindi ko lang inaasahan na makita kita agad ngayon.

Me: I'm sorry talaga Thomas. (sniffs)

Yumuko nalang ako at pinunasan mga luha ko.

"Ara?" He lifted my chin then cupped my face.

Thomas: Syempre, mapapatawad kita.. I'm happy nga na binalikan mo ko, at sinabi mo sakin yung totoo. Kasi diba? Pag marunong ka magmahal, dapat marunong ka rin magpatawad? I still love you Ara.. Mahal na mahal kita..

Me: I love you too Thomas..

THOMAS' POV

"Mom? Why is the doctor with us?" Naka-ilang tanong na yung kambal namin kay Ara, pero hanggang ngayon 'di parin namin pinapansin. Sa halip ay tumatawa at napapangiti nalang kami.

We reached their condo at pumunta na kami sa unit nila, wala sina Mika ngayon dahil sabi niya mag-enjoy daw muna kami.

"Kids?" Sabi ni Ara at naka-upo si Thalia at Francis sa sofa.

"This guy?" Tinuro niya ako at ngumiti. "Siya yung daddy niyo."

Napanganga sila at bigla ako niyakap, lumuhod naman ako at niyakap sila ng mahigpit.

Thalia: DADDY!!! WHERE DID YOU GO PO BA? SABI NA EH, DIBA FRANCIS? WE HAVE A DADDY! HINDI LANG CLASSMATES NATIN. HMP!

"At last, I'm home..." I smiled then hugged them more tightly.

***

Writer's Note: Another ThomAra fanfic for ya'll 😚 If you have suggestions and comments feel free na ilagay sila sa comment bar, r-reply-an ko sila and I'll do my best to grant your requests. 💚

DLSU One ShotsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon