One Sided Love

22 1 0
                                    

Ravina POV

Palubog na ang araw, ngunit kasama ko parin si Ally.

Ally, ang taong mahal ko.

Napangiti ako ng hawakan nya ang aking kamay.

"Ang lambot nang kamay mo"- nakangiting kumento nya habang pinaglalaruan ang kamay ko.

Bahagya akong namula sa sinabi nya.

"Ravina, ang swerte ko sayo"- saad nya sakin, at ibinaling ang tingin sa malayo.

Natahimik ako sa sinabi nya,

Hindi ba't mas maswerte ako sayo?

Kasi dumating ka sa buhay ko?

"Mahal na mahal kita Ravina Demestre!"- mga salitang binitawan nya na ikinapula nang aking pisnge na animo'y mansanas.

Pwede ba akong humiyaw sa kilig at tuwa?

Hindi pa opisyal na kami, pero hulog na hulog na ako saknya.

Mga matatamis nyang salita, at sakanyang taglay na galing sa pagpapakitang mahalaga at mahal nya ako.

Hindi ako umimik nang ilang sandali.

"Ally? Huwag kang mapapagod na mahalin ako ah?"- nakayukong tanong ko.

Nabigla ako nang hawakan nya ang baba ko at tinignan sa mata.
Ang amo nang mga mata nya. Animo'y tupa kung ikukumpara.

Hanggang sa naibaling ko ang tingin ko sa mapulang labi nya,

Napalunok naman ako nang maisip ang bagay na 'yon. Para akong napaso sa sobrang init. Ang init. Bakit ba ang init sa pakiramdam?

Napailing ako sa ideyang nabuo sa isip ko.

Napaiwas ako nang tingin saknya, at ibinaling nalang sa mga nagdaraanang mga tao sa paligid namin.

Ngunit sadyang mapagbiro nga talaga ang tadhana, nang may makita akong dalawang magkasintahang naglapat ang mga kanilang labi.

Napapikit nalang ako sa nakita kung 'yon.

Bakit kasi sa public nyo pa ginagawa ang bagay na hindi pwedeng makita nang iba at nang mga bata?

Nakakainis. PDA ba sa public? Sige, ang sarap lang nilang batukan.

"Hahaha, inggit ka no?"- natatawang kumento sakin nang katabi ko.

Napairap naman ako sa tanong nya, "Inggit mo mukha mo!"- sagot ko.

"Hahahaha joke lang. Nagbibiro lang ako. Ito naman."- ngiting pilyo na sagot nya.

Sinapak ko nga, "Aray!"

Binelatan ko nalang sya. Umiiral na naman kapilyuhan nya.

"Alam mo---"

Pinutol ko agad ang sasabhin niya, "Tanga, hindi ko pa alam. Sasabhin mo palang diba?"- irap na sagot ko.

"Alam mo---"

"Ayan kana naman sa alam mo, kung dineretso mo nalang. Para kang abnormal ally! Paligoy-ligoy kapa, eh yun din naman ang punto mo"- paninermon ko saknya at binatukan.

"Grabe ka talaga. Kababae mo'ng tao, para kang-- tomboy ka ba?!"- biglaang tanong nya na ikinalaki nang mata ko.

"Seryoso, ilan bang anak gusto mo?"- nakangising tanong ko, parang aso lang. Fyi, hindi lang lalaki ang ngumingisi pati kaya kaming mga babae, pati aso. Hahahaha.

"Linya naming mga lalaki yan eh."- sabay pitik nya sa noo ko.

"Odi lamunin nyo. MABIBIYAYAAN NA LAMANG NAMIN KAYO NG ANAK! Oh wag ka, bagong linya ng babae yan."- sabay hampas ko sa braso nya.

"Hahahaha ang galing. Tss. Kawawa naman akong magiging boyfriend mo. Kakahampas mo. Lasog lasog na siguro ako kapag nagpakasal na tayo"- natatawang batid nya. Namula naman ako sa sinabi nya.

Kapal din neto eh. -____________-


*MAKALIPAS ANG ISANG LINGGO*

Napagdesisyonan ko nang sagutin sya ngayong araw. Wala eh, hulog na hulog na ako saknya.

Nasa labas ako nang classroom ngayon, inaabangan sya.

Dati kasi, palagi nya akong sinusundo pag uwian na.

Pero ngayon? Hindi ako sanay na walang naghihintay sa akin.

Ilang studyante na ang napadaan ko, pero wala parin'g ally na dumadaan sa classroom namin.

"Oh Ravina? Bakit hindi kapa ba uuwi?"- tanong sa akin nang isa sa mga ka-schoolmate ko.

Napayuko ako, ano na bang oras? 4:30 pm na.

3 pa ang uwian namin knina. Mahigit isang oras at kalahati akong naghintay.

Kaso walang Ally na dumating.

Nagpagpasyahan ko nang umalis nang may isang boses akong nakilala.

Isang boses na kanina ko pa hinihintay.

"Mahal parin kita mylene! Ano ba! Mylene! Pakinggan mo namana ako!"

"Pakinggan?! Ilang beses na kitang pinakinggan ally! OO MAHAL PARIN KITA. PERO PAANO YUNG NILILIGAWAN MONG SI RAVINA?! Potakte naman ally!"

"HINDI KO SYA MAHAL. AT HINDI KO SYA MINAHAL. KAYA'T HANDA AKONG ITIGIL ANG PANLILIGAW KO SAKANYA. GINAWA KO YUN KASI HINDI PARIN KITA MAKALIMUTAN MYLENE!"

Mga linyang nagpabagsak nang tuluyan sa mga luhang kanina pa nagbabadyang umiyak.

Bakit?

Bakit ally?

Bakit mo ko sinaktan?

Bakit ako pa?

Akala ko iba ka saknila.

Pero ano? Katulad ka rin naman pala nang iba.

Katulad ka rin nilang manloloko.

Pinaglaruan mo lang ako.

Akala ko mahal mo ko.

Akala ko ako lang.

Nag effort kapa nga hindi ba?

Pero ano?

Isa lang pala yan sa pagkukunwari mo?

Wow. As in wow.

NAPANIWALA MO AKO.

Kung kailan mahal na kita't hulog na hulog na ako sayo, doon ko naman nalamang HINDI MO NAMAN PALA AKO MAHAL O MINAHAL.

Nagkamali pala ako,

AKALA KO MAHAL MO AKO, IYON PALA AKO LANG PALA  ANG NAGMAMAHAL SAYO.

Para akong binuhusan nang malamig na tubig sa lahat nang pangyayareng ito.

Sa simula't sapol, AKO LANG PALA ANG NAGMAMAHAL SAYO!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 26, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Sided LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon