Chapter 2 = Cry

34 0 0
                                    

CHAPTER 2

DYLAN'S POV

"Bakit ba kasi ang manhid manhid niya? Lagi akong nag papa-pansin sakanya,  pero hindi naman niya ako napapansin, at hindi niya din ako kayang mahalin. Bakit ganun?" parang tanga akong nakikipag usap sa sarili ko. Wala akong kasama ngayon, lahat sila may kanya kanyang mundo.

Pati nga yung mahal ko eh, nabubusy na din sa taong hindi naman siya gusto, at nakakalimutan na niya ang taong tunay na nagpapahalaga at nag mamahal sakanya,

Haaay. Bakit ba ang drama ko? parang bakla naman tong ginagawa ko! Tama na nga to! Hindi pako nag papakilala eh,

'Ako nga pala si Dylan Ferrer, 15 years old, and classmate ko si Lovely.

Siguro naman alam niyo na kung anong papel ko sa buhay niya,

Ako lang naman ang pinaka LOYAL sa lahat ng kaibigan niya, OO kaibigan niya ko, at nasasaktan ako pag pinapamukha niya saken na hanggang kaibigan lang talaga ang turing niya saken, at wala nang lalagpas pa don, 

Pero sobrang sakit lang talaga na hindi ko maamin na MAHAL KO SIYA, Oo mahal ko siya pero hindi niya yun alam kasi naka focus siya sa iba, at yung "iba" na tinutukoy ko ay kaibigan ko pa! Mahal na mahal ni Lovely si Nash na kasalukuyang karibal ko. 

Ewan ko ba kasi sa babaeng yun kung bakit gustong gusto niya si Nash, eh alam naman niya, at maliwanag naman sakanya na may ibang mahal ang taong gusto niya. Sinasaktan niya lang ang sarili niya sa katangahang ginagawa niya, pero mas sinasaktan niya ako, kung alam niyo lang lahat ng pinag-dadaanan ko.

~

Bakit kasi si Nash pa?

Eh pwede naman kasi ako. </3

~

LOVELY'S POV

"Hey shein, Oh my gosh, How are you? I missed you so much." sabi nung babaeng umagaw sa mahal ko at niyakap ako, sempre niyakap ko din naman.

Kahit gaano pa kasakit ang ginawa niyang pag-agaw sa mahal ko, kahit papaano namiss ko tong bruhang to, sempre naging bestfriend ko din naman siya eh.

"Babae ka ah! wag mokong inglishin baka upakan kita diyan, sempre namiss din kita! sino ba naman ang hindi maka miss sa isang babaeng kaga-----"

Napatigil ako sa pagsasalita nang biglang napa 'Siya-ba-yun look' si Xandra, at napatingin naman ako dun sa tinitignan niya.

Si Nash pala <//////3 

"NAAAAASH" biglang sigaw ni Xandra, at napatingin naman si Nash sakanya na napa 'Shit-its-you look'.

Biglang tumakbo si Xandra kay Nash, at Niyakap niya.

Niyakap niya.

Niyakap niya.

Niyakap niya.

"Wow Xandra, ITS YOU!" manghang manghang sabi ni Nash.

Sobrang saya nila tignan, bagay na bagay talaga sila para sa isa't isa, pero letche! mag kamatayan na bago ko ipaubaya si Nash ko sa babaeng yan.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 15, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Friend ZonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon