Sa hindi inaasahang pagtatagpo nang mga mundo,may minsan lang na nagdugtong,damang-dama na ang ugong nito.
Tadhana nga ba?o sadyang isinilang ka para sa akin?
Noon akala ko napakalaki ng mundo,ngunit hindi pala nagkamali ako,dahil natagpuan kita.
Napakaswerte ko dahil sa dinami-dami nang tao sa mundo ay pinagtagpo tayo,ibinigay ka sa akin ng panahon,inilaan ka sa aking nang Panginoon.
Nagmahalan tayo na puno ng panghuhusga ng ibang tao,kaliwa't kanan na pangungutya,iba't-ibang masasakit na salita na unti-unting pumapatay sa pagkatao nating pareho.
Ngunit isang bagay lang ang sigurado ako,mahal mo ako,at mahal na mahal naman kita kaya ipaglalaban ko ito.
Umabot sa dalawang taon ang pagmamahalan natin nang sinubok tayo ng panahon,naging marupok ako,naging mahina ng sinubukan kong makipagbalikan sa taong dati ay minahal ko.
BINABASA MO ANG
A Letter From Her To Her
PoezieThis story is my favourite lovestory ever. Our Lovestory