Amber's POV
Kakatapos ko lang mag lunch ngayon pero eto nanaman sila nanggugulo...
"Hoy! Ampangit mo naman. Ang pangit talaga" sabi sa akin ni Mae na bully sabay tawa kasama ang kaniyang mga chapperone slash alipores. Hahaha. Ang bad ko...
Duh. Nerd ako pero tao din naman ako noh. Porket nakasalamin, pangit agad? Tss.
Pinagtitinginan kami ng mga dumadaan pero lahat sila takot dito, kahit mga grade 6 takot. Tss.
Mga bata talaga ngayon oh. Basta hindi ko na sila papatulan. Bahala sila dyan.
Naglakad ako a--- "Aray!"Tss. Batuhin ba naman ako ng notebook.Hindi dapat ginagamit ang mga notebook sa pambubully. They are from our fellow trees kaya.
Hahaha...
"Ayan kasi. Alam mo, wag mong tatalikuran si Mae. You bitch." Sabi nung chapperone nya na mukhang espasol na Alisa ata ang pangalan.
Aba! Alam na nila ang word na bitch.
Tss. Napaka immature talaga. Bahala kayo dyan...
Basta ang alam ko eto yung mga pangalan nila
Mae
Alisa
Hana
Nina
Panna LinAt grade 5 silang lahat...
Yan, sila ang mga legendary bullies dito sa school at si Mae ang leader nila. Ba't di sila nakikick out? Simple lang. Mayaman eh, sipsip sa mga guro. Pero kahit na 'no. Mayaman din kami pero hindi naman tama na gamitin ang pera sa mga gantong bagay.
Kring!
Ah. Saved by the bell.
Ayun so pumunta na ako ng klase. Nga pala July ngayon. Kakastart lang ng klase last month. Ang classroom namin ay sa fourth floor kasi grade 4 palang ako. Bali grade 1 sa 1st floor, grade sa 2nd and so on hanggang 6th.Pagdating ko sa tapat ng room ng 4 - Diamond ay pumasok na ako. Ayun sumubsob nalang ako sa table ko.
Ang mga section dito ay... Eto in order from highest to lowest.
Diamond
Sapphire
Emerald
PearlSo ayan. Dumating na yung teacher namin, si Mrs. Calisto. Kaibigan ko naman yan.
Hindi na ako makikinig kasi alam ko na yang mga yan. Paano? Sa ibang bansa ako nag - umpisang mag - aral eh.
Ayan dinadalaw na ako ng antok. Zzzzzzz
.
.
.
.
.
.
.
.
.Naalimpungatan ako ng may tumatapik sa lamesa ko. Oh. Dalawang subject na pala ang nakatulugan ko at pangatlo na ang subject naming ito, Math. Yung teror teacher pla namin. Nice. Nalampasan ko rin pala yung break time.
"Ms. Sison, bakit ka natutulog sa klase ko? Lagi ka nalang ganyan. Hindi ka ba natutulog sa bahay nyo? Tss. Solve the problem on the board. Now!"
Tss. Pagtawanan ba naman ako ng mga kaklase ko. Pero sanay na ako dyan. So ayun naglakad ako papunta ng blackboard. Nasa may likuran kasi ako nakaupo kaya medyo malayo -
[3x (4yz+68x-9z+79y)82a+b]
Ah! Madali lang pala. Akala ko talaga machachalenge na ako sa school na ito. Tss.
Pero yeah. Ang advance ng school na ito. Ay hindi pala. Yung highest section lang yung inaadvance nila. Sa pagkakaalam ko, pang grade 7 na itong sinasagutan ko.
In less than 15 seconds nasolve ko na yung algebra problem sa board. Yung mga kaklase ko? Nganga. Hahaha. Napakapriceless ng mga mukha.
"Very good Ms. Sison. Antalino mo talaga at napapahanga mo parin ako. Pero di ka pa rin excused. Go to the detention office now!"
Tss. Bigla na lang ako napasimangot. Argghhh! Basta lumabas na ako ng room. 3 lang kasi ang buildings dito sa school. Yung mga classrooms, yung mga faculty room, detention, principal's office at iba pa tsaka lastly yung canteen at school supplies store. So bumaba ako at lumabas dun sa building at dahil parang pa triangle yung mga buildings dito, naglakad pa ako sa field.
May nakita akong nalipad na paru - paro pero parang may mali eh. Nagulat ako ng bigla itong dumapo sa balat ko. Dahil sa gulat, nalamukos ko ito at napag - alamang camera ito. Sino naman kayang gumawa nito? Ba't ako binabantayan nito?
Ay, hindi. Baka naligaw lang yon.
Pagdating ko doon, Naupo ako sa sofa. Tss. Lagi naman akong nadedetention. Hindi nila ako ineexpell kasi kailangan daw ako sa mga contest...
Papakilala pala ako.
I'm Amber Pilar O. Sison.7 years old. Grade 4 student na ako. Naaaccelerate kasi ako lagi. Sa ngayon, two years na ang acceleration ko but who cares? Duh. Ako ang pinakamatalino sa klase kahit ang bata ko pa lang.
Biglang dumating si Ma'am Guen, guidance counselor. Kakausapin daw ako ng headmistress namin.
Sinundan ko naman yung guidance counselor. Naglakad kami at umakyat dahil sa top floor ng building na ito ang headmistress' office.
Hmmm. Ngayon lang ako pinatawag ng headmistress ah. Kahit pag inaacelerate ako hindi eh. Hindi siya masyadong nagpapakita. Si guidance counselor palang ata ang nakakakita sa kanya.
Ano kayang balita?
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
Sorry ang ikli. ..
YOU ARE READING
Be the Change
Adventure"Since I was young, I am bullied But why? If you are thinking about it, yes, I am a NERD. But who cares? We also have our own OWN FEELINGS OWN MIND OWN LIFE AND LOVE So if you have any insecurities, don't blame others for any of that, just be yours...