"Nako, siguradong 'andun na si Ms. Leaño sa classroom! Masungit pa naman 'yon." Ninenerbiyos na sabi ni Sam habang tumatakbo kami.
Onting hakbang nalang ay nasa tapat na kami ng classroom namin. Sumilip pa muna si Sam kung 'andun na nga talaga si ma'am.
"Patay!" 'Yun nalamang ang nasabi niya.
Agad naman akong nakaramdam ng nerbiyos.
Unti-unti kaming pumasok ni Sam.
Gulat nalang ako ng makita kong tumitirik nanaman ang mata ni Ms. Leaño.
Ganon lagi si ma'am kapag may nalalate o kapag naman nagagalit siya.
Napakasungit ni ma'am lagi siyang namamahiya! Kapag siya ang nabara, hahanap at hahanap siya ng mga kamalian mo.
Ayoko pa naman sa lahat ay yung ganong guro!
"Whaat the?! Naisipan niyo pang pumasok!" Galit na sabi ni Ms. Leaño.
'Di naman kami kumibo ni Sam, dahil baka mag-init ang pareho naming ulo eh... dumiretso nalang kami sa upuan namin at tsaka umupo ng parang walang narinig.
"Dahil sa ginawa ninyong pagka-late ng 10 mins. sa subject ko ay zero agad kayo sa gagawin naming quiz mamaya!" Galit na sabi ni Ms. Leaño.
'Badtrip! Kay pangit na nga eh! Ganoon pa yung ugali!'
"Anong binubulong bulong mo dyan Mr. Neill ha?!" Sigaw ni Ms. Leaño sa 'kin na ikinagulat ko naman.
'Tsk! Narinig niya pa 'yun?'
"Dahil gwapo ka naman Mr. Neill pagbibigyan muna kita! Dahil na rin good mood ako ngayon!" Sabi ni Ms. Leaño.
May mga humagikgik naman akong mga kaklase.
'Good mood pa siya niyan?'
'0' <----- Ako.
'Nga pala may halong kaartehan si ma'am.
"Shut up class!" Sigaw ni Ms. Leaño sa mga humagikgik.
Discuss.
Quiz.
"Okay class, who got 50?" Sabi ni Ms. Leaño pero wala namang sumagot.
"49? 48? 47? 46? 45?" Halatang inis na sigaw niya dahil wala pa ring sumasagot.
"So, lahat ng 'di bababa sa 35 lamang ang kukunin ko! Pass it now!" Sigaw ni Ms. Leaño.
Halos lahat naman ay nakapagbigay ng papel, means 35 pataas ang scores nila.
Magaling mag-discuss si Ms. Leano, maiintindihan mo talaga ang mga itinuturo niya.
Nang makuha na ni Ms. Leaño ang mga papel ng pasado ay tsaka siya umalis.
"Arvee, grabe naman si Ms. Leaño! Zero agad tayo!" Naiinis na sabi ni Sam.
"Kagagawan mo 'to eh!" Natatawang sabi ko.
"Sorry na pre! Pwease!" Nagpapa-cute na sabi niya na humawak pa sa mga braso ko.
"Hahaha"
Nagtawanan lang kami.
Nang matapos na lahat ng mga subjects ay sinilip ko ang relo ko.
Time check: 3:17 pm.
Pumunta naman yung sipsip kong kaklase sa harapan.
"Guys guys, 'wag munang uuwi! Remember yung papanoorin natin sa gym?" Sabi ng sipsip kong kaklase.
"Pumunta na kayo roon at maiwan muna at maglinis ang mga cleaners!" Dagdag pa niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/87751153-288-k177441.jpg)
BINABASA MO ANG
The Playboy Meets Ms. Heartbroken
RomancePaano kung ang Playboy ay makilala si Ms. Heartbroken. Paano kung mahulog ang PB kay Ms. HB na takot nang muling umibig?