Brent's POVNagpaalam na ko kay Fern na aalis na ko at pupunta sa [Plegia's Forest] tumango lang siya sakin at pinaalis na ko.
Bago ako pumunta dun pupunta muna ko sa isang npc dito para makabili ng potions. Habang naglalakad ako napansin kong madami-daming tao nadin ang naglalaro neto tapos second day palang, paano na kaya kung makamonths na to.
Nakakita ako ng isang shop sa street na to, pumasok ako dito at nakita ang isang merchant. Inobserve ko naman siya at di katagalan lumabas ang information tungkol sa kanya.
Merchant (NPC)
Buy
SellIto yung lumabas sa vs ko, pinindot ko naman ang buy at lumabas ang mga items na pwedeng bilhin. Bumili ako ng 6 na medium hp potion at 4 na medium mp potion
Medium Hp Potion x6
Medium Mp Potion x4Total: 500 Copper
Binayaran ko naman ito pero ngayon namumulubi na ko wala na kong kapera-pera para makabili ng ibang gamit
Naisipan ko nang pumunta muna sa Forest kung saan yung winged beast. Pwede din akong magpalevel dun kasi maraming weak na mobs. Hindi ko muna inequip yung armor na binigay sakin para di ako makaagaw pansin, pumunta ako sa isang lugar kung saan walang tao at doon ko inequip yung armor
3rd Person's POV
[Plegia's Forest]
Sa paglalakad ng isang binata nakakita siya ng isang hayop, isa itong hellhound at level one palang. Winalang bahala nalang niya ito at iwinasiwas ang kanyang espada patungo sa hellhound.
Hellhound defeated you got pelt x2
Ito ang lumabas sa vs ng binata. Napaisip naman siya "Ok pala to, ang imba ng set ko pati weapon. Kakalabanin ko nalang yung alam kong kaya ko para mabilis ako maglevel up" Naisipan niyang kalabanin ang mga level 5 naman katulad ng Garuda, Chako, at Leedle para mabilis siyang makapaglevel.
Lumipas ang 30 minutes at level 15 na si Calyxto. "Ayos to ah andami ko ding nakukuhang drops, pag eto nabenta ko sa merchant magkakaron ako ng maraming pera" isip ng binata
Nagpatuloy siya sa kanyang pakikipaglaban, marami din siyang nakalaban na lvl 10 katulad ng mga Mooth, Albino, at Nepheel na mga mukhang hayop. Naging level 25 na siya at nakakuha nang isang loot. Tinatawag itong [Spider's Ring], accessory o item drop na nakuha niya sa [Nepheel]. Meron itong buff na +3 sa agi stats ng player na may suot nito. Sinuot ito nang binata at nahalata nga niya na bumilis siya kumpara sa dati.
Dahil sa sobrang saya niya hindi niya napansin na nasa pinakamalalim na siya ng forest. Sa gitna ay may makikitang malaking nest na inuupuan ng isang malaking ibon na natutulog. Nakuha nito ang interes ng ating bida kaya naisipan niya na obserbahan at tignan ang info nito.
Winged Beast (Field Boss)
Level 38
Hp: 25000
Mp: 15000
Skills: Scratch
Sharp Wings
Desolate Cry (AOE)
Drops: ??"Nalintikan na ang lakas neto, kung umalis nalang kaya ako para di ako makita, pero eto yung kelangan kong patayin eh, kundi magfafail ako." sabi ng binata. Dahan dahan siyang umalis ngunit sa masamang palad nakaapak siya ng isang stick na dahilan ng pagkagising ng ibon
BINABASA MO ANG
Time Paradox Online (PH Server)
Science FictionWhat is Time Is it seconds, minutes, hours we don't know It will remain as a mystery, a paradox for us In our world we can't reverse it But here we can relieve it Genesis a world full of fantasies you never thought exists Want to have an adventure...