Sir, YES, sir!

291 5 12
                                    

Dedicating this story to YuriXConrad coz I feel like he's out of place when our friends are always talking about ROTC. Still love you dearrr. Dont worry! ;)

____________

Natapos ang unang semestre at magkakakilala na kaming mga kadete sa unit namin ng ROTC. Sa mga hindi nakakaalam kung ano ang ROTC, ang ibig sabihin nito ay, Reserve Officers Training Corps. Kami yung mga naka-reserba kung sakali mang magka-giyera sa ating bansa. Dati, mandatory ito sa mga lalaking nasa kolehiyo pero ngayon, desisyon na ito ng estudyante kung kukunin ba niya ito sa kanyang NSTP (National Service Training Program).

Marami kaming magkakabatch pero may mga ilan din sa'ming mga upperclassmen pero di na rin halata marahil ay itinuturing na rin namin silang mga ka-batch namin.

Nakaupo kami sa isang malaking shed na tinatawag naming grand stand. Kasama ko ang kaibigan kong si Rica at Kate.

"Sana magka-platoon ulit tayong tatlo," wika ni Rica habang nag-aayos ng kanyang buhok para i-boknay.

"Oo nga eh. Si sir Brillantes pa rin kaya platoon leader natin, Nel?" tanong sa akin ni Kate na nakasalumbaba.

Tiningnan ko siya, "aba malay ko. Sa tingin ko, hindi na gawa na-train na nila yung mga COCC last sem eh. Baka head na talaga natin sila tapos ang maghahandle na sa atin ay yung mga COC na ngayon." sabi ko.

Umakyat sa grand stand si Sir Molino at nagpaliwanag kung ano ang aming gagawin.

"Lahat ay pumunta sa damuhan at luminya according sa height! Hiwalay ang babae sa lalaki! Nakuha?"

"SIR YES SIR!" sigaw ng lahat. At nagsitakbuhan papunta sa damuhan habang nagbibilang si Sir Molino hanggang sampu.

Pinagbilang kami ng 1 to 8. Ang 1 at 2 ay Alpha first & second; 3 at 4 ay Bravo first & second; 5 at 6 ay Charlie first & second; at ang huli naman na 7 at  ay Delta first & second. Sa kasamaang palad, magkakahiwalay na kami ng platoon nina Rica at Kate. Ako ay Bravo 1st, si Rica ay Alpha 2nd, samantalang si Kate ay Alpha 1st.

Pinag-form kami. Nine man frontage. Ako ay 1st element of the 2nd squad. At mukhang sa akin ang huling bilang. Nagtuntong sa kanan kami, at humanda harap. Lumapit sa amin ang magsisiyasat. Tama nga ako. Mga COC ang maghahandle sa amin. At ang napunta sa amin ay si Sir Ramos.

Napansin kong nagtinginan ang aking mga katabing babae at parang mga kinikilig. Oo, gwapo si Sir Ramos. Ang mga mata niya ay parang kay Lee Min Ho ng Boys Over Flowers at malakas ang charisma niya. May dimples siya at naka-braces. Maganda ang tindig at matangos ang ilong, subalit ayon sa aking ilang mga kaibigan, suplado raw siya.

"Isahang bilang," panimula niya, "NA."

Nagsimula ang bilang sa kanan at matatapos sa akin. "Labing-apat!" sigaw ko, "Ginoo, labing-apat, huling bilang, ginoo." sabay sumaludo.

Sumaludo siya pabalik at sinimulan na ang pagsisiyasat isa-isa sa amin.

"Shet, ang gwapo talaga ni sir." malakas na bulong ng katabi ko sa kaliwa. Oo nga. Sabi ko sa sarili ko. Aminin kong crush ko rin si sir tulad ng ibang babae.

Habang papalapit na siya sa akin (dahil ii-inspect niya ako), bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi yun drama lang kasi, medyo siya nakakatakot pag napagalitan ka.

Nang paglapit niya sa akin, "Ramos! Attendance nalang yan!" bulyaw ni sir Brillantes. "Bilisan nyo kumilos at marami pa tayong gagawin!" sigaw muli ni sir, pero ngayon, lahat ng COC ang pinaparatingan niya nito.

#CadetZonedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon