Torpe [One Shot]

632 23 33
                                    

/AN :    Hello! First story ko po ito.. So Sorry kung pangit ^__^  Thanks :)) 

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"OMY! Ayun si Nick oh! Ang gwapo !" 

" Oo na! araw-araw mo na lang yan sinasabi.."

"Ang gwapo niya kasi eh ^__^ "

"Oo na nga"

"Tapos alam mo ba.............."

Blah,blah .. nakakaasar! Ang aga-aga puro Nick ang sinasabi.. Hindi ba pwedeng ako? ...

Bestfriend ko nga pala yun. Si CIndy, sa totoo lang dati ko na siyang gusto .. mali pala matagal kona siyang Mahal.. Pero hindi ko inaamin .. Torpe ako. 

"Tara na nga punta na tayo sa classroom" sabi ko nalang puro Nick ang naririnig ko eh. Lalongnasisira araw ko.. Inis!

------

Nagstrum na lang ako ng gitara.. sabay kanta ng

"Mahal kita pero hindi mo lang alam"  paulit-ulitko un kinakanta, Para sa kanya un .. Bakit ba kasiang Torpe ko.. Sh*t !

~Ding Dong! ~Ding Dong! ~

"Sandalii ! " sabi ko na lang .. panira nag mo-moment ako eh..

Pagbukas ko ng pinto .. Biglang may yumakap sakin..

" Whaaaaa! Nathan! "  Sino pa ba ? Si Cindy!

"Oh? Bakit? "

" Tinanong ako ni Sky kung pwede akong ligawan..!!!!"

"Oh? Gagawin ko? " Sarcastic kong sabi

"Sama mo naman! " sabi niya

"Ano ba gusto mong sabihin ko?" Tanong ko sa kanya. Kabadtrip !

" W-w-wala na-naman.." sabi niya

Lumakad na siya papalayo, Tapos huminto siy, mga 10 steps na layo sakin.. sabay sabing..

"Sorry sa abala! Gusto ko lang naman sabihin sayo ... Tska 'Oo' ang sagot ko.. sorry ulit " Sabi niya at tuluyan ng naglakad papalayo sakin..

Umakyat ako sa kwarto ko.. At sinuntok ko ung pader! Kainis!

"Bakit? kasi ang torpe ko!!!" 

Naupo lang ako sa kama ko.  Naramdaman ko na lang na basa na ung pisngi ko..

-----

Ilang weeks na nung nagyari un. Pero ngayon hindi niya na ako kinakausap . Kalat narin sa school na nanliligaw na si NIck kay Cindy ..Pagnakikita ko sila.. Crap!

Dumaan sila sa harap ko. Pero hinawakan ko ung braso ni CIndy . Tumingin siya sakin .

" Oh?" sabi ni Cindy

"W-wa-wala !" Sabi ko 

Lumakad na sila papalayo . Ang sakit makita ang mahal mong may kasamang iba !

------

Parang hindi na kami magkakilala ni Cindy, Hindi niya na ako kinakausap eh..

Pumunta ako sa tambayan namin ni Cindy . Wala namiss ko lang talaga siya ng sobra , nakikita ko lang siya, Lagi naman niya kasama si Nick.

Nandito nga pala ako sa park, May puno dun sa punong yun may pangalan naming dalawa. Pumunta ako dun. Nagulat na lang ako ng may tao.. babae.. Si...Si..

"Mahal Kita Nathan!"  sabi ni Cindy,

"C-Cindy? " sabi ko.. Lumingon siya .. Gulat na gulat

"Na-na-narinig m-mo?" sabi niya habang umiiyak..

" oo , Ma-mahal mo ako?" sabi ko

"OO! MATAGAL NA KITANG MAHAL, MANHID KA LANG! NAKAKAINIS KA ! ANG SAKIT KAYA! MAHAL KITA NATHAN !" Tapos tumakbo siya.. siguro mga ilang segundo bago ako sumunod narin ako.. 

Nandito na kami sa kalsada .

"CINDY !!!!!!!!!"

Bigla siyang tumawid at saktong may bus.. At.. At...

Nasagasaan siya... Lumapit ako sa kanya.. Dumadami ung tao

"C-cindy ! Dapat Hindi ka tumawid! "

"ha.. ha..A-a-ayos l-lang .. ma-ma-saya a-ako na-sa-bing K-ong .. M-MAHAL KI-TA !! " Tumulo ung luha niya

"Mahal kita Cindy! Mahal na mahal .. kaya wag mo akong iwan"  Tumulo narin ung luha kol"

"Ma-sa-y-ya a-kong ma-la-man y-yan .. A- ang tor-pe m-o k-kasi e-h.. "

"Mahal kita... Mahal kita , wag mo akong iwan" sabi ko

Pero ngumiti lang siya at pumikit siya, may tumulong luha sa kanyang mata

"CINDYY!!!!!!!!!!!"

---------

Isang taon na at ngayon ang death anniversary niya. Masakit parin . Ang sakit mawalan ng taong mahal . Ang tanga ko lang kasi eh . Sinayang ko ung pagkakataon . Sana kung umamin ako edi masaya kami ngayon . Pero huli na ang lahat . wala na siya .. I LOVE YOU CINDY ..

- END -

Torpe [One Shot]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon