Christmas BEBE

77 8 0
                                    

Christmas BEBE

-------

“Hey! Excited na talaga ko sa Christmas”

“Yeah ! ako nga din e”

“Sana Christmas na !!!”

Hayyy! Panlabing walong beses na pagbuntong hininga ko na to..

Paulit ulit nalang tong naririnig ko sa mga classmates ko..

Christmas ! Christmas ! Christmas !

Parang mga batang excited na excited…

Lumabas ako ng classroom at naglakad sa hallway .

Don’t Get me wrong hindi ako si Grinch na HATE ang Christmas, di lang talaga ko sanay na cine-celebrate ng MASAYA ang Christmas..

E ikaw kaya ang mag-isa lang sa bahay at walang pamilya-_______-

Magiging Masaya ka ba?! Lagi kasing wala si Daddy at Mommy sa bahay nasa ibang bansa sila for business ,kaya naiiwan akong mag-isa sa bahay, ayoko naman sumama sakanila dahil hindi rin nila ako naasikaso.. kaya eto ako ngayong pasko LONELY nanaman..

“HOY ! SUNGEEEEEEET!”

Nasira ang moment ko at napatingin sa istorbong sumigaw.. si Xean, classmate/kapitbahay ko.

“ANO NANAMAN YABANG?!”

Lumapit siya sakin at inakbayan ako..

“Eto naman , CHILL okey? Kaya iniiwasan kong umabsent kasi namimis mo ko e” sinamaan ko siya ng tingin. “Anong connect? Tsaka bitiwan mo nga ko, di tayo close” sabay tanggal ng kamay niya sa balikat ko. Nagfefeeling close nanaman kasi-___-.

“Eto naman talaga o. Kasunget,gano ba ka close ang gusto mo?”inakbayan niya ulit ako at mas lalo pa niyang dinikit yung sarili niya sakin “ sige ka wala kang date sa pasko” sabay ngiti ng napakalapad

“wag kang ngumiti ! di bagay”-ako

“wag kang magsunget di bagay” si xean

“pwede bang lubayan mo ko at bumalik ka sa lungga mo?! Ikaw na nga lagi kong nakikita sa bahay hanggang dito mukha mo parin yung gumugulo sakin”

Hindi ko na siya hinintay na sumagot dahil siguradong di papatalo yan, kaya pumasok ulit ako ng room, ngunit sa kasamaang palad kung ako nga naman ang minamalas naglalaro sila ng spin the bottle na sigurado kong isang malaking kalokohan nanaman yan..

“uy! Sungeett .. ansama mo talaga sakin”sabi ni xean at inakbayan ulit ako..LESHE talaga to.

“OKEY GUYS! MAKE A CIRCLE maglalaro tayo ng SPIN.THE.BOTTLE! whahahaha” tumawang parang mangkukulam yung president namin, alam ko na ang balak niyan .MASAMA!

At dahil nga mabait kami nagform nalang kami ng circle..

“OKEY GUYS! Dahil nga malapit na ang Christmas party natin, gusto kong maging sweet and special kaya  bibigyan ko kayo ng Christmas date!!!”

Sabay sabay na nag Boo at Ungulan yung mga classmate ko..ibig sabihin kasi niyan di ka na pwede magdala ng ibang date.. Tinamaan nanaman ng asteroid si Pres, kaya kung ano-ano yung naiisip.

Nilingon ko si Xean, at nakita kong nakatingin siya sa isa naming classmate si Elly, maganda si Elly kaya lang maarte.. gusto ata siya ni Xean.. nagulat ako ng biglang lingunin ako ni Xean, Ngumiti lang siya at kumaway , inambaan ko lang siya ng suntok ..pero nagflying kiss lang siya! Epal talaga.

Christmas BEBETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon