Guy: Kumusta ka na? 😊
Girl: Ok naman. Napamessage ka?
Guy: Wala naman. Naalala lang kita.
Girl. Bakit? Anong meron?
Guy: Narealize ko lang. Para akong nagtapon ng ginto sa basura 😔
Girl: Ikaw eh. Di mo naman kasi yata iningatan 🙂
Guy: May nakatagpo na ba nung ginto? O naghihintay parin mahanap?
Girl: Wala. Nasa sanglaan parin. Naghihintay ng tutubos 😊
Guy: Saan ba yung tubusan? Tagal ko na hinahanap yun eh ☹️
Girl: Bakit? May pangtubos ka ba? Haha 😂
Guy: Di ko nakita yung halaga niya dati. Mahal pala. Sobrang mahal na mahal ☹️
Girl: 😔
Guy: Nasilaw ako sa ibang ginto dati. Hindi ko namalayan, na sakin na pala yung espesyal.
Girl: Nandito parin naman siya eh. Naghihintay lang.
Guy: Sana matubos ko na. Kasi simula nung nawala yun sakin, alam kong may kulang 😔
Girl: Wala ka namang pangtubos eh!
Guy: Kaya nga kahit hindi ko mabayaran agad ng buo. Alam kong kaya kong tumbasan ng hulugan. Sana lang, nanjan parin siya.
Girl: Ikaw lang naman hinihintay nya ☹️
Guy: Miss na kita 😔
Girl: Miss na rin kita 😔
YOU ARE READING
hugot book
Romancepara ito sa mga taong nagmahal pero Hindi lang pinaasa sinaktan pa