Sweet Mistake

15.9K 158 2
                                    

Kasabay ng simoy ng malamig na hangin na dumampi sa kayumangging kulay ng aking balat, habang nakatanaw sa maliwanag na kabilugan ng buwan habang kayakap siya- si Gwen na aking pinakamamahal; naalala ko ang isang pagkakamaling aking nagawa noon.Pagkakamaling itinuturing kong Matamis na Pagkakamali.

Mala-perpekto na kung ituring ang aming relasyon ni Gwen noon.Legal ang aming relasyon sa aming mga magulang kung kaya't sa anumang achievement sa aming buhay, sa aming relasyon, nakiki-celebrate ang aming mga magulang.Ganyan kami ka-aprobado sa aming mga magulang na pati hanggang sa pagpapakasal ay napag-uusapan kahit na ika-apat na taon na kami ng kolehiyo.

Ngunit,dito,sa panahong ito nagsisimula na ring magbago ang kung ano man ang mayroon kami.Kahit abot kamay ko lang siya ay tila magkalayo ang aming mga damdamin dahil nawawalan kami ng oras para sa isa't isa.Palaging pumapagitna ang aking trabaho.Kapag magkikita na sana kami ay palaging nau-udlot dahil tatawag ang aking sekretarya at sasabihing "may emergency sa kompanyang pag-aari ko".

Gayunman,bilang mahal na mahal ako ni Gwen ay pinapayagan na lang niya akong puntahan ang trabaho kaysa sa kaniya.Hanggang sa naging paulit-ulit na lang.

Minsan may naiirita na ako sa kaniya o sa kung sinumang sa paningin ko'y disturbo sa aking trabaho, kahit gaano kahina ay wala akong narinig na reklamo sa kaniya.

Subalit, isang gabi noo'y dumalo ako sa 50th Anniversary Celebration ng aking kompaniya na minana ko pa sa aking mga magulang.Habang masaya ako sa pakikipag-usap sa mga kapwa ko negosyante, lumapait sa akin ang isa sa mga pinakamatandang kasosyo namin sa negosyo.

Sa aming pag-uusap,binati't kinamusta niya ako hanggang sa dumating kami sa usaping tila nagpatanto sa akin sa walang kahiyaang ginawa ko sa mga taong nakapalibot aa akin,lalong-lalo na sa pinakamamahal kong si Gwen.

Napag-alaman kong kasal na pala ang matanda.Ngunit dahil sa kaniyang pagkapabaya ay nabuntis ang kaniyang asawa sa ibang lalaki.Gusto na sanang makipaghiwalay ang asawa nito sa kaniya ngunit ayaw niya dahil mahal na mahal niya ito.Kaya ipinangako niyang kakalimutan na lamang niya ang pagkakamaling nagawa ng asawa at aakuhin ang batang dinadala nito dahil hindi rin naman niya ito mabigyan ng anak-dahil baog siya.

Parang na bato ako sa aking kinatatayuan habang nakikinig sa kaniya.Hindi ako makapagsalita at parang pinipiga sa sakit ang puso ko habang iniisip na mangyayari yun sa amin ni Gwen kapag ipinagpatuloy ko ang mga ginawa ko.

Kaya,walang kung amo-ano'y pinuntahan ko si Gwen kahit hindi pa tapos ang selibrasyon.Habang nasa kalagitnaan ng trapik ay dasal ako ng dasal na sana maabutan ko siya.Hingi rin ako ng hingi ng tawad kahit hindi niya ako naririnig.

Ngunit sa pagdating ko sa bahay nila ay nanlamig ang buong katawan ko nang makita ko siya dala-dala ang maleta niya dahil aalis na siya.

Nagpang-abot ang aming mga tingin at wala nagsasalita sa amin.Maya-maya'y unti-unting gumalaw ang aking mga paa at humakbang palapit sa kaniya.Niyakap ko agad siya ng mahigpit at maka-ilang ulit na ibinulong sa kaniya ang mga katagang "PATAWAD, MAHAL NA MAHAL KITA".

Pareho na kaming umiiyak ng hinawakan ko ang magkabila niyang pisnge at pinahid ang mga luha niya.Nang maging okay na ay agad ko siyang niyayang magpakasal kahit wala akong dalang singsing.

Mabuti na lamang at pumayag siya.Kaya naman,kinabukaaan noo'y agad ko siyang pinakasalan total may mapagkukunan naman kami sa lahat ng aming mga pangangailangan.

Ngayong 4 na taon na ang nakalipas....masasabi kong ako na ang pinakamasayang lalaki sa buong mundo.Kasama si Gwen at ang aming kambal na anak na babae't lalaki ay wala na akong mahihiling na iba pa.

At sa aking natutunan, pahalagahan mo ang mga bagay hangga't nasa iyo pa.

Sweet MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon