PAG-ASA AT PAGBANGON

181 2 0
                                    

Talaga namang kay hirap kalaban

Kapag nagalit ay ang kalikasan

Kahit ikaw pa medyo ay may kahandaan

May mga bagay pa ding hindi maiiwasan

Nagdaang bagyong naghasik

Hatid ay hanging mabagsik

Parang lalamuna'y nalagyan ng tinik

May mga nawalang hindi na maibabalik

Sa mga nawalang ng gamit at bahay

Nagpapasalamat at hindi nawala ay buhay

Sa maykapal sila'y nagpupugay

Sa ikalawang buhay na sa kanila'y ibinigay

Maraming kabahayang gumuho

May mga pinagdaaanang panibugho

Ngunit sa pagsubok ay hindi susuko

Pag-asa pa din sa puso ay buo

Ngayo'y tapos na ang sakuna

Asam asam ay bagong pag-asa

Babangon ng buong sigla

Sa darating na bagong umaga

Kahit anu pang sungit ng panahon

Tuloy-tuloy ang tulong upang makaahon

Gaano man kalalim ang pagsubok na ibaon

HIndi tayo matitinag at laging babangon

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 17, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PAG-ASA AT PAGBANGONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon