Atheist Meets Religious (One-Shot) by NotAsColdAsYou❤
Date written: October 1, 2016
This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
No part of this work can be reproduce, transmitted, or distributed in any form or by any means, or stored in a database or retrieval system without the confirmation of the writer.
PLAGIARISM is a CRIME..
Please excuse the foul words, typographical errors and ungrammatical phrases or sentences.
Nobody's Perfect..
Anyways, just want to inform you guys na this story was all about religious and non-religious matter. I'm a Roman Catholic, so 'Katoliko' ang napili kong maging relihiyon ng character dito. Sa ibang may paniniwala sa inyo readers, please excuse anything that might offend nor anything that is against from your beliefs. Alam nating lahat na may iba't iba tayong paniniwala, that's why I'm expecting for your consideration and a big R.E.S.P.E.C.T. from you.
♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣♣
Angel
"Sa pangalan ni Hesus na inyong anak, Amen. Sa ngalan ng ama at ng anak at ng espiritu santo, Amen." Pagkatapos ng dasal ay agad akong tumayo mula sa pagkakaluhod. Nakakangawit pero nasanay na rin ako dahil pagkabata pa lamang ay sinasama na ako ni Mamita --ang relihiyosa kong Lola-- dito sa kumbento.
Kaya heto ako naging relihiyosa na din. Na siya naman tingin ko'y tama. And aaminin ko masyado akong hyper pagdating sa mga religious topic. 'Religious Concious' nga ika nila.
Well, they're definitely right. Nasanay na ako. Palagi nga nila akong tinatanong kung balak ko daw bang mag madre dahil halos araw araw nasa kumbento lang ako. Another reason kung bakit wala masyadong nagtatangkang manligaw sakin. Ayoko din naman dahil I'm not yet ready kaya ginagawa ko na din yun dahilan para lubayan nila ako.
Speaking of manliligaw..
"Hi Angel!" Bati sakin ni Niko --manliligaw ko, matagal na. Kahit anong pilit kong sabihin sa kanya na magmamadre ako eh waepek pa din. Hindi daw siya naniniwala. Babaguhin niya daw ang isip ko hayaan ko lang daw siyang gawin yun. Eh mukhang hinahamon talaga niya ako kaya pumayag ako. Kaya ngayon ayaw niya talaga akong tigilan.
"Meryenda muna tayo?" Tanong niya sabay taas ng supot ng tinapay at dalawang plastik ng softdrinks. Kinuha ko na lamang iyon upang huwag magmukhang bastos.
"Kamusta naman ang araw mo sa kumbento?" Tanong niya habang ngumunguya. As always yan na naman ang tinanong niya -_-
BINABASA MO ANG
Atheist Meets Religious (One-Shot)
Short StoryDoes having different belief's matter? Maaari nga bang magkatuluyan at magkasundo ang dalawang tao kung magkaiba ang kanilang paniniwala? Matatawag nga ba iyong 'ITINADHANA para sa isa't isa'?