Bridge for Love

18 2 0
                                    

Bridge for Love

BY: ChevyCayene

PROLOGUE

Yung feeling na isa ka sa mga dahilan kung bakit may mga nagkakatuluyan na mga tao. Naging isa kang bridge para mapaglapit sila at eventually ay nagkatuluyan. Iba yun feeling ng nakakatulong. Grabe, ang saya, di madescribe ng salita. Ang priceless. Just by seeing them happy, masaya ka na din.

Pero habang masaya sila sa kani- kanilang mga love life, eh ikaw naman tong walang love life. Ang galing mong tumulong para magkaroon ng happy ending yung iba pero sarili mo di mo magawan ng sariling happy ending. Nakooo, forever bridge ka na lang ba. Di ba pwedeng ikaw naman ang itulay? Di ba pwedeng ikaw naman ang sumaya?

xxx-xxx-xxx-xxx

Chapter 1 –

“Ano ba naman yan, kanina pa tayo dito wala pa ding nangyayari. Wala ka ba talagang balak na lapitan sya? Dude, make up your mind! At pwede pakidalian, kasi nilalamok nako, may patago tago ka pa kasing nalalaman dyan eh. >.<”

“Ali, naman eh.  Look I’m trying. Iniisip ko pa mga sasabihin ko atsaka Kinakabahan lang kasi talaga ako. Ang daming what ifs ang pumapasok sa isip ko. What if di nya ako kausapin. What if di nya ko pansinin. What if-----“

“What if lapitan mo para masagot yang mga tanong mo.  Yanni, kala ko ba gagawin mo lahat para lang mapansin ka nya? Kala ko ba handa ka sa lahat ng possibleng  mangyayari? “

“Oo nga, pero kasi parang di ko talaga kaya. Tsaka kaya ka nga nandito eh, para tulungan ako. You agreed to help me remember? So do your part.”

“Ah ganun. So ako pala talaga may kasalanan. Sorry po, Ser. Hoy Yanni, yes I agreed to help you pero it doesn’t mean na ako dapat ang dumiskarte. Tsaka dude, anong “do your part, do your part” ka pa dyang nalalaman. Ako na nga ang nagplano eh, execution na nga lang ang kulang eh.”

“Okay, sorry na. Pero last na talaga to promise. Iraos mo lang to promise I’ll do the rest. “

“Anoooooooo ba yan, Yanni. Nakakaasar ka alam mo yun?  Last na to ah? Pasalamat ka kaibigan kita eh kundi kanina pa kita iniwan dito.”

“Ali, thank you. Kaya mahal kita eh. Salamat talaga. Yaan mo lilibre kitang lunch. ^_^”

“Wag kang masyadong magdiwang, nabibwiset pa din ako sayo. -__-“

Allison, ano na naman tong pinasok mo? Kelan ka pang naging tulay? Wala ka namang alam sa mga ganitong bagay eh. Bidaman ka na naman kasi eh, nakakainis ka din eh.  >.<

Ay, nga pala pasensya na kayo ah di na ako nakapagpakilala. Pang gulo kasi si Yanni eh. Nyway, ako nga pala si Allison Fernandez, Ali for short. 18 years old at 3rd year Mass Com student. Yung kausap ko kanina ay yung best bud ko si Isagani Nathan Domingo, Yanni for short.  Nagpapatulong kasi sya sakin. ilakad ko daw nya dun sa crush nya na si Carol. Di ko naman yun close eh. Classmate ko lang sya sa ibang subject, pero ewan ko ba dito kay Yanni bakit sakin pa to nagpapatulong, eh wala naman akong alam sa mga ganitong bagay. Pero in the end, eto ako tinulungan sya. Bridge brigdyan lang ang peg.

Habang naglalakad ako papunta sa table nila Carol, di ko parin maisip kong ano bang sasabihin ko sa kanya. Di naman ako expert sa mga ganito eh. Mas lalo tuloy akong naiinis kay Yanni, sya dapat ang gumagawa nito eh. Ah, di ko na alam gagawin ko, bahala na si Batman. Here goes nothing.

“Hi, Carol. ^___^”

“Hello, Ali. Musta?”

“Ah okay lang naman ako, ikaw how are you?”

“Ok lang din, hmmm may sasabihin ka ba sakin, Ali?”

“Ah, hehehe. Ano kasi, ah, ano,----“

“Ano ba yun? Sige na sabihin mo na, wag ka ng mahiya. J”

“Ano kasi, tatanong ko lang sana kung may gagawin ka sa Saturday?”

“Sa sat? Wala naman. Bakit, Anong meron?”

“Ah, yayayain sana kitang dun sa photo exhibit ng friend ko. Kelangan kasi mag-invite ng mga tao.”

“Ah, yun lang pala eh, sure punta ko. Ano oras ba tsaka san pala?”

“Sa may brideway, 7pm.”

“Ah ok. Sige punta na lang ako.”

“Salamat, Carol. Kitakits na lang tayo dun ah. Punta ka ah. Hihintayin kita.”

“Oo pupunta ako wag kang mag-alala.”

“Hehe, sige una na ko. Salamat ulit.”

Hay salamat napapayag ko din si Carol, buti na lang mabait yung tao di ako tinurn down. Grabe, kinabahan ako dun puro adlib ginawa ko dun. Langyang, Yanni to ang laki ng utang sakin nitong mokong na to. Nakakahiya yung ginawa ko, feeling close pako dun sa tao buti na lang kilala ako nun kahit papano.

“Ano, Ali? Anong sabi ?”

“Pakamatay ka na daw. Wag na wag ka na daw magpapakita sa kanya kahit kelan. -__-“

“Sinabi nya yun? Sabi ko na nga ba eh. Dapat talaga di nalang natin tinry. Nagmukha ka tu----“

“Pupunta daw sya. Wag ka ng magdrama dyan, di bagay sayo.”

“Ta—talaga? Totoo ba yang sinasabi mo?”

“Di joke lang yun.”

“Ali, naman eh. Ano ba talaga? Kainis naman to ah.”

“Ikaw pa talaga yun nainis ah. Nako Isagani, ang laki ng utang mo sakin. Grabe, feeling close ako dun sa tao, mukha na nga akong t@nga eh, buti na lang mabait sya at pumayag.”

“Aliiiiiiiiiiiiiiiiiiiii, salamat talaga.  You’re the best.  Sabi ko na nga ba maaasahan kita eh. Ano nga pala sinabi mo at napapayag mo sya?”

“Sabi ko may photo exhibit yung friend ko at kelangan mag-invite ng mga tao.”

“Ano? Bakit yun pa? Grabe, nakakahiya ang panget pa naman din ng mga shots ko. Hala pano na to?”

“Dude, ang OA na. Wala na talaga akong maisip kanina. Yun na kasi una kong naisip, tsaka anong panget pinagsasabi mo dyan? Ang ganda nga ng mga shots mo eh, kaw lang nagsasabing panget.”

“Pero kasi----“

“A Thank you would be nice.”

“Ahmmmm, thank you, Ali.”

“Yun, marunong ka naman pala magthank you eh.”

Grabe, nastress ako kay Yanni. Ibang level yung katorpehan nya, ang tindi. Naloka ako sa kanya. First time ko syang nakitang ganun, yung tipong willing syang gagawin lahat para dun sa taong gusto nya, thou torpe pa din pero kasi iba sya ngayon eh, she must really like Carol. Binata na ang best friend ko!!  Di naman yan ganyan dati eh. Kahit na may gusto syang girl, di yan hihingi nga tulong, mananahimik lang yan, di magsasalita at di gagawa ng move. Inlove nga siguro ang loko. Well, sana naman gumawa na sya ng move. Kung gusto nya talaga si Carol wag na nyang pakawalan. Sayang yung chance. Grab the opportunity nga di ba. Nako, sana magsucceed ang bestfriend ko. Go yanni!!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 17, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bridge for LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon