Nagmahal. Nasaktan. Nagparaya

220 5 1
                                    

Matagal na kaming magkasintahan ni Jay. Almost 2 years na kami. Ngayon, magcecelebrate kami ng 2 years and 3 months namin.

Habang tumatagal kami, mas lalo naming minamahal ang isa't isa.

"Mahal, advanced happy 2 years and 3 months sa atin. Mahal na mahal kita." Sabay halik ko sa kanya. Ako nga pala si Tina ang girlfriend ni Jay.

Second year highschool kami nung naging mag on kami ni Jay. Sa lahat ng past relationship ko, si Jay ang makakapagbabago sa pananaw ko sa pag-ibig. Siya yung minahal ako mg lubusan kahit ang sinusukli ko sa kanya ay katarayan.

Ngumiti lamang si Jay sa aking sinabi. These past few days napapansin kong nagiging distant na si Jay sa akin. Tinanong ko siya kung ano ang problema, ang laging sagot niya lang ay, ang studies niya at ang grades niya. Inintindi ko siya.

Masaya kaming nagkwkwentuhan ni Jay. Isang araw habang nanunuod kami ng play ng college students sa school namin na Cupid and Psyche, naging malamig ako bigla kay Jay ganon din siya akin.

These past few days kasi pareho kaming busy. Naiinis ako kasi wala na kaming oras para sa isa't isa.

Naging sweet si Jay sa akin nung araw na yun habang ako naging distant sa kanya. Nakasimangot na ang mukha ni Jay. Hanggang sa sinabi kong.

"Jay maghiwalay na tayo." Masyado ng preoccupied ang isip ko kaya nasabi ko yun. Pagod na pagod na ako. Hindi sumagot si Jay sa sinabi ko. Sinenyasan ko siyang pumunta muna sa itaas ng bleachers at kami'y mag uusap.

"Manhid ka ba Jay? Nitong mga nakaraang araw, ang cold mo na sa akin. Alam kong gabi gabi at araw araw tayong nag aaway. Walang araw na hindi tayo nag aaway. Jay pagod na pagod na ako. Ayoko na." Tumulo ang luha ko habang sinasabi ko yun.

Narinig ko pa ang kaklase ko na tinanong yung isang kaklase ko kung anong nangyari sa akin. Ang sabi ng kaklase ko, hayaan mo na sila.

Hindi ko sila pinansin. Umiyak ako ng umiyak. Habang tinitingnan si Jay sa mata.

Ang kanyang mata na minahal ko. Ang mata niyang punong puno ng pagmamahal para sa akin. Ngayon, wala emosyon na makikita rito.

"Jay tapatin mo nga ako! Mahal mo pa ba ako?!" Niyugyog ko siya. Hindi siya sumagot.

"Study lang naman." Saad nito.

"Study?? Halos wala na ngang emosyon ang mga text mo sa akin! Jay ano ba! Pagod na pagod na ako! Ayoko na!" Umiyak ako ng umiyak hanggang sa matapos ang play na yun.

Niyaya ako ng mga kaklase kong mag Jollibee. Pumayag naman ako. Sumunod naman si Jay. Dun, panay ang sabi niyang wag ko siyang ewan. Pero buo na ang desisyon ko.

Nung araw niya pinilit niya pa akong ihatid sa bahay pero di ako pumayag.

Naglalakad akong mag isa sa kadiliman ng kalsada. Pinoproseso lahat ng binitawan kong salita. Sumisikip ang dibdib ko. Pakiramdam ko mauubusan ako ng hininga.

Nakauwi ako ng bahay ng ligtas at mugto ang mata. Naramdaman ng magulang ko ang presensya ng kalungkutan ko sa pagkatao ko.

Pag dating ko sa kwarto, tinext ko si Jay. Sabi ko binabawi ko na ang sinabi ko. Ang sagot niya.

"Ayoko na."

"Please Jay nagmamakaawa ako sayo! Wag mokong iwan." Umiiyak ako habang tinetext ko siya. Ang dalawa kong best friend ay iniwan muna ako para makapag isip ng maayos.

"Please Tina. Tama na. Ayoko na. Kalimutan mo na ako." I tried calling him pero binababa niya.

"Please stop calling me. Malalaman ni Mama." He used to hide himself para di siya mahuli ng mama niya na tumatawag ako. Biglang nagbago. Dati pag tumatawag ako sinasagot niya ito ng patago. Pero ngayon, nagbago na.

"If you really love me, please let me go."

"No Jay! Hindi ako bibitaw ng walang laban!" Hindi na siya sumagot sa tinext ko.

Kinabukasan mugto ang aking mga mata. Namimiss ko na siya. Araw araw hinihiling ko sa Diyos na sana lumalaban pa siya.

Lumipas ang mga araw at dumating ang oras na tumigil ako sa paghahabol. Pero patago pa rin akong lumalaban.

Dalawang buwan ang nakaraan. Nakita ko si Jay kasama ang bago niya. Bumabalik ang mga alaala ng nung nakaraan.

"Mahal mo pa ba ako Jay?" Bulong ko sa sarili ko. Tumulo ang luha sa aking mga mata.

Nagpakalasing ako. Dati, I used to be his princess. I used to be his everything. But now, nagbago na ang lahat.

"Tina ikaw nalang ang kumakapit. Bumitaw ka na." Saad ni Dan. He's my friend. Siya yung palaging nariyan sa tuwing ako'y malungkot.

Lumipas ang mga araw. Hanggang sa nagising ako sa katotohanan na ako nalang ang kumakapit. Matagal na siyang bumitaw.

Oras na para palayain ka, Jay. Mahal na mahal kita. Sumulat ako ng liham para sa kanya.

Dear Jay,
Kamusta ka na? Sorry pala sa lahat ng nagawa ko sayo ha? Lumaban ako pero pagod na ako. Mahal na mahal kita Jay. Ang tanging hiling ko lang sa iyo ay maging masaya ka. Natagpuan mo na ba siya Jay? Alam ko oo. Haha. Wish granted. Masaya na akong makita kang masaya. Jay hindi ko na papahabain pa liham nito. Ang nais mo lang ay pakawalan kita. Hindi ba? Pinapalaya na kita Jay. Masakit man pero kinakailangan. Wala kana sa palasyo ko. Nasa ibang palasyo ka na. Be happy Jay. I love you so much and good bye mahal ko.

Nagmamahal,
Tina

Simula nung araw na yun nagsimula na akong limutin ang masakit na kahapon. Kahit isang beses sa buhay ko naranasan kong magmahal ng tunay. Ang natutunan ko sa pagmamahal, masaktan ka man dahil sa nagmahal ka at dumating man ang oras kailangan niyo ng iwan ang isa't isa. Lagi mong taandaan, wag sayangin ang buhay at magpakasaya.

Ang pagmamahal ay kay sarap maranasan ngunit pag ikaw ay nasaktan, nakakapunit ng damdamin. Ako nga pala si Tina, nagmahal man ako at nasaktan ngunit natuto akong magparaya. Farewell Jay. Until we meet again.

Nagmahal. Nasaktan. NagparayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon